Hindi ko alam kung san kami pupunta ni Dave, pero ang alam ko lang ay kasalukuyan naming tinatahak ngayon ang SLEX.Wala siyang imik.Nakakabingi ang katahimikan.Pasimple kong tiningnan yung mukha niya pero nananatili pa rin siyang seryoso na nakatitig sa harapan habang nagmamaneho.Ang lamig ng ekspresyon ng mukha niya.
Tumikhim ako kunwari para makagawa ng ingay,pero wala. Hindi niya pa rin ako kinakausap.
Ah! Kailangan kong mag-ingay. Ok. Inhale.
"Lifey! sa mga public cr, pano mo malalaman kung babae o lalaki ang nasa loob? "
Tumingin ako kay Dave with a big wide smile habang hinihintay ang magiging sagot niya.Tahimik pa rin siya. Ah siguro, nag-iisip siya ng sagot!
"Five, Four, three, two one. Teeeeng! Time is Over! "
Pumalakpak ako sa hangin.
"Pano mo malalaman? Edi silipin mo! Whahahaha! "
Hahahahaha...
Hahahaha...
Hahaha...
Haha...
Ha...Unti-unti nawala ang mga ngiti sa labi ko.Hindi pa rin niya ko kinakausap. OK! Isa pa, siguro matatawa na siya dito.
"Lifey, knock knock?"
-ako.Hindi pa rin siya nagsasalita."Who's there?"
ako rin ang sumagot.
"Pa-autoload naman how much magkano?"
-ako
"Pa-autoload naman how much omagkano,who? "
-ako ulit. Kumanta ko in a tune of 'Nothings gonna change my love for you'
"Nothings gonna change my love for you, pa-autoload naman how much magkanu. "Hahahahaha! Ewan ko,natatawa na naman ako. Kapag wala kasi akong magawa nag-oopen ako ng mga sites na maraming jokes. Kaya eto, ang dae kong alam. Ang laki ng ngiti ko oh. Hinintay kong tumawa si Dave. Pero ayaw talaga. Kahit pakitaan man lang niya ko ng pilit na ngiti, hindi niya ginagawa. Para na tuloy akong timang dito. Ako lang ang tumatawa sa sarili kong joke. Unti-unti nawala ang mga ngiti sa labi ko. Oh sige! last na 'to. 'Pag hindi pa rin talaga siya tumawa, ewan ko na lang.
"Lifey, knock.knock!"
-ako.
"Who's there?"
-ako ulit"Honda"
-ako na naman"Honda,who?"
-me again.Kumanta ko in a tune of '12 days of christmas' with matching palakpak effect."Honda first day of Christmas my true love sent to-----"
"F*ck! Can you please stop that f*cking noise! "
bulyaw ni Dave sakin. Sumama yung mukha ko. Nakakainis! Bakit ba ang sungit-sungit niya?! Inayos ko ang pagkakasandal ko sa upuan at inis na nagpout ako. Kuntentong pinagmasdan ko na lang ang mga tanawin na nakikita ko sa labas ng bintana. Mas maganda pang tingnan yung mga punong nadadaanan namin kesa dito sa kasama ko na hindi man lang matinag. Mamaya niyan mabasag na yung windshield sa harapan namin dahil sa sobrang pagkatitig niya 'don eh. Ano ba kasing problema niya? Kung galit siya bakit ayaw niyang sabihin sakin? Magpapaliwanag naman ako ah? Buong biyahe namin hindi siya umiimik. Napupuno na talaga ko!
BINABASA MO ANG
One Great Sacrifice (Revising)
Teen Fiction"Kahit ilang beses mo 'kong ipagtabuyan, hinding-hindi pa rin kita iiwan." -Zandra "Ang love, parang halaman lang yan. Kung hindi mo kayang diligan at alagaan, mas mabuti...