"Hi Ms.Beautiful! wala ka bang kasama? lumalakas ang ulan oh, gusto mo sumabay ka na samin?"
nakangising alok nung lalaki na nasa tabi ng driver's seat habang may halong pagnanasang nakatitig kay Zandra.Nakaramdam ng pagkaadwa si Zandra nung tinitigan siya ng tatlo mula ulo hanggang paa habang nagpapasahan ang mga ito ng yosi.
"Salamat pero may hinihintay ako .."
pormal na sagot niya sa mga lalaki saka nagsimula na siyang maglakad papalayo.Mas lalo lang bumilis ang tibok ng puso niya nang makitang sumusunod ang sasakyan sa kanya,
"Sumabay ka na kasi Miss, hindi na dadating yung hinihintay mo "
tila sabik na sabik na sambit naman nung lalaki na nasa passanger seat.Nairita na si Zandra at masamang tumingin sa tatlo.
"Ang kulit niyo naman! diba sinabi ko naman sa inyo na may hinihintay ako! pwede ba umalis na lang kayo!"
Nagtawanan lang yung tatlo, parang balewala lang sa mga ito ang ginawang pagsigaw na iyon ng dalaga.Nakita ni Zandra kung pano sumenyas yung lalaking nasa driver seat gamit ang kamay nito sa dalawang kasama pagkatapos ay lumabas ang mga ito sa kotse,
Wala ng sinayang na oras si Zandra mabilis na siyang naglakad palayo, alam na niya kasi ang balak ng mga ito sa kanya. Nang maramdaman niyang parang may sumusunod sa kanya ay doon na siya tumakbo ng mabilis.. mabilis na mabilis .. yung pakiramdam na halos lumipad na siya sa sobrang bilis ng pagtakbo, ngunit ganun na lamang ang pagkadismaya niya ng may maramdaman siyang parang may naputol sa kanyang sapatos nakasuot pala siya noon ng high heels kaya't napadapa siya sa lupa dahilan kaya nakahabol sa kanya yung dalawang lalaki."Alam mo yan ang gusto namin sa babae eh, yung palaban at matapang"
sakrastikong ngumiti yung isang lalaki saka pahablot na kinuha nito ang braso ni Zandra patayo.Hinila nung lalaki si Zandra habang pinipilit ng dalagang pumalag dito."Ano ba! bitiwan mo 'ko! ano ba! "
nagpumiglas si Zandra, hindi siya papayag na saktan at babuyin ng mga adik na 'yun.. kailangan niyang gumawa ng paraan.. Mula sa lalaking nakahawak sa kanyang mga braso ay buong lakas na tinadyakan ni Zandra ang hita nun at mabilis siyang nakakuha ng bato at pinukpok iyon sa isa pang lalaking kasama nito, ginamit niya ang pagkakataong namimilipit ang mga ito sa sakit para makatakas ngunit ganun na lang ang pagkabigla niya ng may mahigpit na sumabunot sa kanyang buhok."Gusto mo pa talagang masaktan ha!"
Napangibit si Zandra sa ginawang paghigit nung lalaki sa buhok niya, naalala nga pala nia yung isa pang lalaking nasa driver's seat kanina.
"Bitiwan mo ko! bitiwan mo ko!" sigaw ni Zandra habang kinakalmot-kalmot niya yung muka nung lalaki.
"Hawakan niyo yan!" galit na sabi nung bigotilyong lalaki dun sa dalawa pa niyang kasama saka inigsa si Zandra. Hawak-hawak na nung dalawang lalaki ang dalaga tig-isa nilang hinahawakan yung magkabilang braso ni Zandra para hindi siya makaalpas.
"Tulong! Tulungan niyo ko! "
Nagkanda piyok na si Zandra sa kakasigaw habang maluha-luha na ngunit mukang wala pa ring nakakarinig sa kanya.

BINABASA MO ANG
One Great Sacrifice (Revising)
Teen Fiction"Kahit ilang beses mo 'kong ipagtabuyan, hinding-hindi pa rin kita iiwan." -Zandra "Ang love, parang halaman lang yan. Kung hindi mo kayang diligan at alagaan, mas mabuti...