Chapter 6

2.8K 90 3
                                    

Nagising si Zandra dahil sa sinag ng araw na tumama sa mga mata niya, babangon na sana siya pero nakaramdam siya ng mabigat na pakiramdam, hinawakan niya ang kanyang noo at nakapa niya ang gasa na nakatakip sa kanyang sugat na dulot ng nangyari kagabi.  Pero hindi na yun mahalaga dahil hindi niya alam kung nasan siya ngayon at kung kaninong bahay ang tinulugan niya.Pinilit niyang tumayo at bumaba ng kama ngunit kinabahan siya ng biglang may kumantok sa pinto. Nagpanic siya.

  Nakita niyang may mahabang patpat dun sa may cabinet kaya agad niya iyong kinuha. Nagtago siya sa likod ng pinto habang nakataas ang kamay at hawak-hawak ang patpat, nakahanda na siya sa pagpasok ng kung sino man.

 "Humanda ka saking adik ka!"

Kaya naman pagbukas na pagbukas ng pintuan ...

"Hayaaaaaaaaah!"

 Mula sa pumasok na lalaki buong lakas na hinampas ni Zandra ng patpat ang likod nito at hindi pa siya nakuntento sinipa-sipa niya pa iyon at sinuntok-suntok. Napasubsob sa kama ang lalaki habang namimilipit sa sakit.Tinutukan ni Zandra ng patpat ang lalaki, natatakot kasi siya na baka gumanti ito ano mang oras.

  "Hoy ikaw adik! San mo 'ko dinala! anong ginagawa ko dito? kinidnap mo ba ko! "

Napansin ni Zandra na hindi na gumagalaw ang lalaki kaya sinundot-sundot niya ito ng patpat na hawak para itest kung talagang wala na nga itong malay, nang hindi na talaga gumagalaw ay binitawan na niya ang patpat at napahawak sa kanyang bibig.

"Oh My Gee! N-nakapatay yata ako! "

  Pinagpawisan ng malamig si Zandra kaya lumapit siya sa kama,dahan-dahan niyang itinahaya pahiga ang lalaki, nakapikit ito at muka ngang walang malay. May naisip siya.Unti-unti niyang nilapit ang kanyang tenga sa kaliwang dibdib nung lalaki.

Teka? tumitibok pa naman ang puso niya ah?
  aniya sa sarili.

  Natigilan siya ng makita ang mukha ng lalaki,naisip niya na hindi ito ang isa sa mga nanakit sa kanya kagabi.

  "Ang gwapo namang kidnapper nito? S-Sino kaya to? "

 Napailing na lang si Zandra,tatayo na sana siya ngunit may biglang humawak sa may pulso ng kamay niya.

"San ka pupunta?"

Ganun na lang ang panlalaki ng mata ni Zandra ng makita ang lalaki na nakangiting nakatitig sa kanya.

"T-teka.."

 "Let me introduce myself first."

 Yun lang at nagpagulong sila sa kama at sa isang iglap ay nasa ibabaw na ni Zandra ang lalaki.

 
"Hoy teka nga! ano bang ginagawa mo! sira-ulo ka ba! umalis ka nga sa ibabaw ko! "

  Itutulak na sana ng dalaga ang lalaki ngunit mabilis nitong nahawakan ng mahipit ang kanyang mga kamay at isinandal iyon sa kama para hindi siya makagalaw.

 "Ano ba! kapag hindi ka pa umalis dyan sisigaw ako ng rape! "

 "Sige, rerape-in talaga kita dyan "

    Nakangiti lang ang lalaki noon na para bang tuwang-tuwang nakikitang nagagalit ang dalaga. Lalo namang gumwapo sa paningin ni Zandra ang lalaking iyon,parang nakakita siya ng artista in person. Mahaba ang buhok nito na nakapagpapa-hot sa looks nito tapos may isang hikaw itong cross na nakakabit sa tenga. Ang hot talaga ng dating.

One Great Sacrifice (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon