"Zandra hija? May masakit pa ba sayo? May sakit ka pa ba?Gusto mo na bang kumain?"
Kanina pa katok ng katok si Manang Sabel sa pinto ng kwarto ni Zandra ngunit mano siyang papasukin nito.
"Ok na po ko,Nang. Gusto ko lang pong magpahinga, hayaan nyo na lang po muna ko."
tila malagom na boses ni Zandra kasabay nun ang bahagyang pagsinghot-singhot niya.Simula kasi nung inihatid siya kanina nina Marjorie at Claire sa bahay nila aynagderetso na siya sa kanyang kwarto at doon niya ibinuhos ang lahat ng kanyang luha na tila gripo na yata dahil sa tuloy-tuloy na pagtulo sa kanyang magkabilang pisngi.Halos pwede na ngang pigain yung yakap-yakap niyang stuffed toys na si Pororo dahil sa sunud-sunod na pagtulo ng mga luha niya doon.Sa tuwing naaalala niya kasi yung mga masasakit at tagos hanggang laman na mga pinagsasabi sa kanya ni Dave kanina ay hindi niya mapigilang umiyak.Hindi niya lang talaga matanggap na sobrang nasasaktan siya ng ganun ngayon dahil sa lalaking minahal at iniingatan niya ng mahabang panahon. Ni minsan hindi niya 'to naisip na saktan at lokohin.
Mahal na mahal niya si Dave.GOD KNOWS!
Kahit pigilan niya ang pagluha ay tila naman hindi sumasang-ayon ang kanyang mga mata dahil sadyang bumabagsak ang mga butil ng luha niya na wari'y mas sinasang-ayunan ang sakit na nararamdaman ng kanyang puso.Tanging ilaw lang na nanggagaling sa kanyang lampshade ang nagsisilbing liwanag sa kanyang kwarto at tanging mahinang hagulhol lang niya ang maririnig sa buong silid.
Samantala......
"Dave,hindi ka pa ba lasing? Nakakaraming bote ka na ah?"
ani Theo na nasa tono ng boses ang pag-aalala.Simula kasi ng dumating sila kanina sa bar ay wala na itong ginawa kundi uminom ng uminom.
"Hayaan mo muna siya.."
ani Mark na noo'y nagsasalin ng alak sa kanyang baso.Napabuntung-hininga na lang si Theo."Bakit kaya ganun ang mga babae? kapag minahal mo, lolokohin ka, kapag naman binigyan mo ng chance, aabusuhin ka. F*UCK! D*MN THIS LIFE ...!"
naiiritang sambit ni Dave habang mababakas sa mga mata niya ang sobrang hinanakit.Wala lang naman kasi siyang ginawa kundi ang magmahal at minsan lang din siyang magseryoso pagdating sa pag-ibig pero sa minsang 'yun, nasaktan pa siya."Are you sure na talagang niloko ka niya? pano kung mali lahat ng iniisip mo tungkol sa kanilang dalawa? sa pagkakakilala ko kasi kay Zandra, parang hindi niya namanmagagawa lahat ng ipinaparatang mo sa kanya."
opinyon ni Mark.Maingay na ibinagsak lang ni Dave ang baso niya sa lamesa at lukot ang mukang tumitig kay Mark.
"Mag-ex silang dalawa pero palihim pa rin silang nagkikita,anung gusto mong isipin ko dun? Na sa tuwing nagkikita sila, naglalaro lang sila ng hide and seek? "
May halong pagkaasar na sambit ni Dave. Napailing na lang si Mark."Nakausap mo na ba si Michael?"
pormal na tanong ni Theo. Napangiti ng mapakla si Dave.
BINABASA MO ANG
One Great Sacrifice (Revising)
Teen Fiction"Kahit ilang beses mo 'kong ipagtabuyan, hinding-hindi pa rin kita iiwan." -Zandra "Ang love, parang halaman lang yan. Kung hindi mo kayang diligan at alagaan, mas mabuti...