Napatigil si Zandra ng makita na hindi nagcoconcentrate ang mga members niya sa itinuturo niyang sayaw, tinanggal na niya ang kanyang headset sa tenga at nakapamewang niyang hinarap ang mga member niya na noon niya lang napansin na kokonti na lang.
"Aba't teka nasaan ang iba?"
kunot ang noong tanong niya sa mga naiwan."Nanonood ng away a labas."
sabi nung isa habang nakatingin sa labas. Nakita nga ni Zandra na maraming tao sa labas ng gym."Away?"
nagtataka niyang tanong saka kinuha ang bimpo na nakasampay sa kanyang balikat at sandaling pinunas sa kanyang pawis sa mukha."ZANDRA! ZANDRA!"
Napalingon si Zandra para hanapin ang pamilyar na tinig na iyon at nakita niya si Claire na tumatakbo papunta sa kanya. Hihingal-hingal ito nang lumapit sa kanya.
"Oh anong nangyari sayo..?"
nagtatakang tanong niya dito."Don... don!"
naghahabol ng hininga na sambit nito habang nakaturo sa labas ng pinto."Oh anung don?"
"S-Sila Dave..... n-nakipag-ramble sa labas!.. "
"WHAT!!"
Mabilis na nagtatakbo si Zandra palabas ng gym,pinatabi niya ang mga taong nagsisiksikan roon at nakita niya nga sina Dave,Mark,Theo at......teka sandali?? Panong pati to napasali sa away??
OH MY GOD! OH MY GOD! Marjorie?!!
"What the hell are happening here!"
galit na sigaw niya sa mga 'to. Bigla ay parang nagpause sandali ang mundo dahil mabilis na nagsitigilan ang mga ito ng marinig ang kanyang boses. Nagtinginan ang mga ito sa kanya, nakita niya kung pano nagulat si Dave ng makita siya nito dahil mabilis na binitawan nito yung isang lalaki na akma na sana niyang susuntukin kung hindi pa siya dumating. Bumitaw na rin si Mark mula sa pagkakasakal niya dun sa isang lalaki, ngunit ang bahagyang nakapagpatawa sa loob ni Zandra ay ang nakitang senaryo.Si Theo,habang nakaupo dun sa tiyan nung lalaki at hawak-hawak ang kwelyo nito, habang si Marjorie naman ay hawak-hawak ang buhok nun na mukang sinasabunutan nito bago pa siya dumating.
"Alam niyo bang bawal ang makipag-away sa loob ng campus!! "
galit na pangaral niya sa mga ito."Yang ex mo ang pagsabihan mo, bigla-bigla na lang nanunugod!"
sagot nung isa."Eh gag* ka pala eh!"
Akma pa sanang babanatan ni Dave yung nagsalita ngunit naawat siya agad ni Mark."No Zandra,hindi yun totoo.Ipinagtanggol ka lang ni Dave kasi narinig niyang binabastos ka ng dalawa sa mga 'yan. "
pagtatama ni Theo."Tama! narinig ko rin yun!katabi kasi ako ng mga yan nung nag-uusap sila tungkol kay Zandra. Naiinis na nga rin ako kasi ang babastos ng bibig nila!"
sabi nung witness na babae. Lumambot ang mukhang tiningnan ni Zandra si Dave na noo'y nagpapahid lang ng dugo sa may gilid ng labi. Tila natouched naman siya sa ginawa nito,pero nakaramdam din siya ng guilt dahil alam niyang nasaktan ito ng husto.

BINABASA MO ANG
One Great Sacrifice (Revising)
Fiksi Remaja"Kahit ilang beses mo 'kong ipagtabuyan, hinding-hindi pa rin kita iiwan." -Zandra "Ang love, parang halaman lang yan. Kung hindi mo kayang diligan at alagaan, mas mabuti...