Tila natuliling naman ang pandinig ko dahil sa lakas ng pagsigaw na iyon ni Dave, halata ang pagkulo ng dugo niya habang matalim pa rin siyang nakatitig sakin.Sa way ng pagtingin niya sakin parang feeling ko ako na yata ang pinakamasamang babae sa buong mundo.Kaya pala ganun na .lang kalamig yung pakikitungo niya sakin kanina kasi nakita niya pala kaming dalawa ni Michael, at kahit hindi man niya sabihin alam ko kung ano ang iniisip niya tungkol sa nakita niya samin kanina.Katulad ng dati, maling hinala na naman siya at alam kong bibigyan niya na naman yun ng malisya.Nanatili lang akong nakatungo habang pakiramdam ko nanghihina na ko dahil alam kong hindi na naman niya ko pakikinggan kahit anong gawin kong paliwanag ngayon. Ganyan naman kasi siya eh.
"Answer me, Zandra! "
bulyaw na naman niya.Mabilis na nag-angat ako ng paningin.Dapat may sabihin ako. Kailangan kong magpaliwanag kahit hindi niya ko paniwalaan.Huminga muna ko ng malalim bago ko siya sinagot.
"Dave, yung nakita mo kanina, walang ibig sabihin yun." alo ko sa kanya.
Tumingin siya sa taas, I saw his sacrastic's smile.
"Zandra? ilang beses mo na bang sinabi yan? Na wala yung ibig sabihin, na wag ko yung bigyan ng malisya na magkaibigan lang kayo? Holy Sh*t! " bulalas niya.Napapikit na lang ulit ako.
"Sinasabi mong wag ko yung bigyan ng malisya pero binibigyan mo naman ko ng dahilan para pag-isipan kayo ng masama! Kanina sa park, nakita ko kung pano mo siya niyakap at kung pano ka niya hinalikan! Kahit sinong tao ang makakita sa ginawa niyo iisipin na may relasyon kayo! at gusto mo ngayong isipin ko na wala lang yon? What do you think of me, a f*cking d*mn fooled! "
halata sa tinig niya ang galit,poot at hinanakit.Nananatili pa rin akong nakapikit.Gusto kong umiyak, gustong kong ipakita sa kanya ang nararamdaman ko sa tuwing pinadududahan niya ang pagmamahal ko sa kanya."Speak now! Diba gusto mong magpaliwanag? Sige magpaliwanag ka! Papakinggan ko ULIT lahat ng mga kasinungalingang sasabihin mo sakin!"
"Stop.."
mababang tono ko pero halata ang pagtitimpi. Di ko na kaya to."Bakit? hindi mo ba matanggap na totoo lahat ng sinasabi ko sayo? That your flirting with your ex-boyf-----"
"I SAID STOP!"
Hindi ko na siya pinatapos. Masasaktan lang, ah hindi, mas lalo lang akong masasaktan kapag nagpatuloy pa siya.Nagmulat ako.At sa pagmulat kong yun naramdaman ko ang paglabo ng aking paningin dahil sa mga butil ng luhang nagsisimula ng mangilid sa magkabila kong mga mata.Tiningnan ko siya. Yung tingin na parang nagtatanong.
"P-pinagdududahan mo ba ang pagmamahal ko sayo? " pinipilit kong tibayan ang loob ko.Ang sakit lang na sa kabila ng pagmamahal ko sa kanya nagagawa niya pa kong pag-isipan ng masama.
"Panong hindi kita pagdududahan kung patuloy ka pa rin sa pakikipagkita ng palihim sa hayop na 'yon! "
"Stop calling him like that! "
"And now your tried to protecting that d*amn f*cking assh*le!"
My gad!Ipinapairal na naman niya yung masama niyang ugali.Lumunok ako at hinayaan ko munang kumalma ang sarili ko.

BINABASA MO ANG
One Great Sacrifice (Revising)
Teen Fiction"Kahit ilang beses mo 'kong ipagtabuyan, hinding-hindi pa rin kita iiwan." -Zandra "Ang love, parang halaman lang yan. Kung hindi mo kayang diligan at alagaan, mas mabuti...