Chapter 8

2.8K 93 4
                                    

" TAAAABI! TUMAAABI KAYONG LAHAT DYAN!!! "

Gulat na naglingunan ang lahat ng mga naroon at nang makita ng mga ito na si Dave ang sumigaw na iyon ay takot na takot na nagmadali silang umalis at tumabi mula sa pagkakapalibot kay Zandra.

Nang magsialisan ang lahat ng tao dun ay malinaw na nakita ni Dave si Zandra.Tumambad sa harapan niya ngayon ito na walang malay-tao habang nasa kandungan ito ni Claire at hawak-hawak naman ni Marjorie ang kamay nito. Bigla ay nakaramdam siya ng pagkatunaw ng puso dahil sa nakitang senaryo, bigla siyang nanlambot at nanghina.

Pinaghalong pagsisisi, pagkaawa at paghingi ng tawad ang kanyang naramdaman ng mga oras na yun.

Wala na siyang sinayang na panahon at agad na niyang tinakbo ang direksyon papunta doon at mabilis niyang inagaw si Zandra mula sa dalawang kaibigan nito na nooy kanda iyak dahil sa sobrang pag-aalala at pagpapanic.

"Bakit walang nagdadala sa kanya sa clinic!"
     bulyaw niya sa lahat ng mga naroon habang mahigpit niyang hawak-hawak si Zandra.

  Nagyukuan at nagsitahimikan lang ang lahat ng mga naroon.

"N-natatakot kasi kami eh"
    pahikbi-hikbing sagot ni Claire habang nagpapahid ng luha.

Ibinaling ni Dave ang tingin kay Zandra.



"Zandra?Zandra wake up! Zandra si Dave to, Zandra gumising ka! ZANDRA!!"
   mahinang sigaw ni Dave habang inuuga-uga niya yung balikat ni Zandra para magising, ngunit nanatili itong walang malay.

 Hinipo niya yung noo nito at ganun na lang ang pamimilog ng kanyang mga mata ng maramdaman ang nakakapasong temperatura ng balat nito.

"SH*T!! ang taas ng lagnat niya"
    ani Dave at walang anu-ano'y mabilis na niya itong binuhat para dalhin sa clinic.

Halos takbuhin na niya ang daan patungo doon dahil sa pagmamadali. Hindi niya ininda ang nararamdamang pagod, ni hindi na nga rin niya alam na halos lahat na yata ng estudyante ng buong campus ay nakahabol-tingin sa kanila.

"Oh my gosh! what happened?"

"Ang sweet ni Dave!"

"Nakakainggit naman!"

"Sana ako na lang si  Zandra!"

Mga sari-saring bulungan ng mga estudyante ang maririnig, may mga naiinggit, may pakakakitaan ng pag-aalala at may naiinis dahil sa selos.

"ANO bang nangyari kay Zandra?"
   naghahabol ng hininga na tanong ni Mark kay Dave na noo'y nag-aantay na sa labas ng clinic.

   Nananatiling tahimik si Dave.Sobrang nag-aalala na kasi siya, sinisisi niya ngayon ang kanyang sarili dahil sa nangyari.Bumabagabag sa isip niya ngayon na kung hindi dahil sa kanya,hindi ito magkasakit ng ganito. Hinayaan niya kasi itong umalis kagabi kahit alam naman niyang bubuhos ang malakas na ulan.

One Great Sacrifice (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon