Chapter 12

2.5K 73 2
                                    

Halos mag-iisang linggo na ang nakakaraan pagkatapos ng huling naging komprontrasyon nina Dave at Zandra,yun na rin ang naging huling pag-uusap nilang dalawa.Mag-iisang linggo na rin silang hindi nagkikibuan at nag-iiwasan,tila pinapanindigan na nga nila ang kanilang mga naging desisyon. Kapag nagkikita sila ay para bang strangers na lang ang turing nila sa isa't-isa na para bang never pa silang nagkakakilala.Pero kahit hindi man nila aminin sa iba at sa mga kaibigan hindi pa rin nila pwedeng itago sa kanilang mga sarili na...

they already missed each other, so bad..

"Dave, naboboring na ko dito, hindi pa ba tayo bababa para kumain? oh kaya naman tambay na lang tayo sa gym kung ayaw mung pumunta sa cafeteria.Ang mahalaga makalabas lang tayo dito,"

   inip na sabi ni Theo.

Simula kasi nung nagstart ang klase ay hindi na lumalabas si Dave, halatang-halata na may iniiwasan talaga ito, kasi saka lang ito bumababa kapag nag-uumpisa na yung klase ng BSBA department -yung course nina Zandra.

"Mag iisang linggo ka ng ganyan ah."

   paalala ni Mark habang nasa tono nito ang pag-aalala.

  Ngayon lang kasi nila nakita ang kaibigan na nagkakaganun,laging tahimik,parang napakalalim lagi ng iniisip,tapos parang laging ang tamlay ng mukha.

"Hoy pare?"

   ulit ni Theo habang inuuga-uga yung balikat ni Dave.

Nananatili lang na nakatungo si Dave sa kanyang desk nang bigla ay mabilis nitong kinuha ang bag at iritang tinakip iyon sa kanyang tenga na para bang ayaw makarinig ng ano mang ingay mula sa mga kaibigan.

"Ano ba?kung gusto niyong umalis,kayo na lang!hindi ba kayo mabubuhay ng wala ako?"

   mariing bulyaw ni Dave sa mga kaibigan.

Ganyan siya buong class period. Lagi lang nakatungo, akala mo laging puyat pero ang aga-aga namang natutulog sa gabi. Halos maglabasan na nga yung mga ugat ng mga professor dahil sa sobrang konsumisyon dito sa tuwing makikita itong natutulog sa oras ng klase,kaso sa tuwing pagsasabihan siya ng mga ito ay nagsasalpak lang ito ng pagkalaki-laking headset sa tenga at magpapatugtog ng malakas para hindi marinig ang sermon ng mga professors na laging umiistorbo sa kanya.

"Hindi ka namin maiwan, baka kasi mamaya makita ka na lang namin na nasa taas  na ng rooftop ng school at magsusuicide,"

   panloloko ni Mark.

Nang hindi na umimik pa si Dave ay naaawang napailing na lang si Theo, at si Mark naman ay napabuntung-hininga na lang habang pinagmamasdan ang kaibigan.

"Ikaw kasi pare eh,dapat umpisa pa lang pinag-iisipan mo munang mabuti ang lahat ng sasabihin mo bago ka magsalita ng tapos,hindi yung kung kailan napagdesisyunan na ang lahat saka mo babawain.Yan tuloy napala mo, ayaw ka ng balikan... "

   tila nang-uuyam na sambit ni Mark kay Dave habang nakaakbay yung isa niyang kamay sa sandalan ng upuan nito.Ngumiti si Theo.

"May palaman-laman ka pang break dyan,eh wala pa ngang dalawang araw nakikipagbalikan ka na agad,hindi mo naman pala kayang panindigan eh. Isa pa naman yun sa mga pinakaayawan ng mga babae sa mga lalaki."

    ani Theo.

"Himala nga at umabot ng dalawang araw eh,dati rati nga sa tuwing makikipagbreak yan hindi umaabot ng isang araw, kung sino pa yung nakipagbreak siya pa tung hahabol-habol pagkatapos.Buti nga at mapagtimpi pa noon si Zandra at hindi nagsasawang makipagbalikan ng paulit-ulit kay Dave. Kung ako siguro yun matagal ko ng iniwan yan. Siguro ngayon lang natauhan si Zandra kaya tumagal ang break-up nila ng isang linggo,TAKE NOTE, ISANG LINGGO! Whoah! For the very first time of their life umabot ng ISANG LINGGO ang kanilang break-up..."

One Great Sacrifice (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon