"Michael? umayos ka nga! Huy Michael, hindi ka na nakakatuwa huh! Michael!
Michael naman kasi eh"
Sumisigaw ako habang sinampal-sampal ko na yung magkabilang pisngi ni Michael para magising. Actually kanina ko pa 'to ginagawa,pero ayaw pa rin niya talagang magising.
Patay na ba siya? Nahuli ba 'ko ng dating? Hala naman eh natatakot na ko! Tinapat ko yung bibig ko sa tenga ni Michael tapos sumigaw ako ng malakas na malakas, yung tipong sasabog na yung eardrums niya, pero nakapikit pa rin siya. Ah,ganun. Ayaw mo talagang magising huh. Kumuha ako ng puwersa, tapos hinipan ko yung kanang palad ko, at nang handa na ko ay buong lakas ko siyang sinampal.
PAAAAAAAAAAK!
"Aaaaaaaaah! Sh*t!! "
Nagulat ako ng bigla ay mabilis pa sa hanging napabalikwas si Michael sa bench at kanda yukong umupo dahil siguro sa sakit ng tinamong sampal ko.
"Waaaaaah! akala ko kasi patay ka na eh! masakit ba?"
nag-aalalang sabi ko habang nakababa ang level na ulo ko at tinititigan yung pisngi na sinampal ko na noo'y sapo-sapo ng dalawa niyang kamay. Mukhang napalakas yata.. Hehe..Peace.
"Ah f*ck!"
tanging nasambit niya habang hindi ko malaman kung nakangibit ba siya o nakasimangot.
"Masakit ba? Patingin nga.."
seryosong tanong ko sa kanya habang kagat-kagat ko yung hinlalaking daliri ng kaliwang kamay ko at yung kanan ko naman ay sinusubukang hawakan yung pisngi ni Michael.
"Sa tingin mo ba, hindi masakit? "
-Michael
"Eh akala ko kasi patay ka na eh."
-Ako
"I'm awake! hinihintay lang kitang umiyak. Curious lang ako kung may iiyak sakin pag namatay na 'ko, kasi---- aaaaaaaah!!"
Hindi ko na siya pinatapos dahil mabilis ko na siyang bineltukan sa ulo.
Sumama yung tingin niya sakin.
"Aaish! Sinigawan mo na ko kanina, halos matuliling na nga yung tenga ko eh, tapos sinampal mo pa ko, hindi lang isang beses kundi labinlimang beses, ngayon naman binatukan mo 'ko!
Hoy Zandra,gusto mo na bang mawala sa mundong 'to ang gwapong mukha ko?"
nagbibiro siya pero yung mukha niya seryoso, habang itinuturo niya yung mukha niya sakin.
Pero hindi ako sumagot. Nananatili lang akong matiim na nakatitig sa kanya, hindi ko alam yung pag-iitsura ng mukha ko,pero nararamdaman ko yung pagkagalit at pagkaawa para sa kanya. Siguro napansin niya din yun agad kaya biglang sumeryoso yung mukha niya.
"Huy Zandra? nagbibiro lang naman ako eh, galit ka ba? "
sabi niya sa mababang tono na para bang nang-aamo ng batang pinaiyak niya. Hindi ko alam kung nagagalit ba ko dahil sa hindi magandang birong ginawa niya o dahil ba dun sa sinabi niya kanina na kung may iiyak ba daw sa kanya pag namatay siya. Hindi kasi magandang biro yun eh.
BINABASA MO ANG
One Great Sacrifice (Revising)
Teen Fiction"Kahit ilang beses mo 'kong ipagtabuyan, hinding-hindi pa rin kita iiwan." -Zandra "Ang love, parang halaman lang yan. Kung hindi mo kayang diligan at alagaan, mas mabuti...