Nanunulis ang nguso habang naiinis na pinagmamasdan ni Zandra ang tanawing nadaraanan ng taxi, pano kasi naalala niya yung ginawang pagtawag ni Kenneth ng "MY GIRL sa kanya. Buti sana kung bulong lang, mapapalampas niya pa sana yun, kaso sinigaw ng loko.Nagtinginan tuloy yung mga taong nasa park kanina, merong napangiti, merong kinilig at meron din namang parang nainggit.Inisip siguro ng mga yun na magkasintahan silang dalawa. Sa ganung pag-iisip ay bahagyang napakunot ng noo si Zandra.
"Sira-ulong lalaki yun ah!"
inis na bulong niya. Napagdesisyunan ni Zandra na umuwi muna sa kanila para makapagpalit ng uniform tapos dederetso na siya sa school para makausap si Dave.Kailangan nilang makapag-usap ng ayos para maayos na ang lahat.
"San ka ba galing bata ka at ngayon ka lang umuwi!! hindi mo ba alam na marami kaming nag-alala sayo ni hindi ka man lang sumasagot sa tawag namin! oh! a-anung nangyari dyan sa noo mo? bakit may gasa yan? teka? namumutla ka? may sakit ka ba??"
sunud-sunod na tanong na may kasamang bulyaw ni manang Sabel sa alaga ng dumating ito na tila maputi pa sa labanos ang mukha. magdamag niya itong hinintay kagabi dahil sa sobrang pag-alala, ni hindi na nga siya nakatulog dahil sa kakahintay ng balita mula sa mga kaibigan nito. Mmatanda na siya at hindi na dapat na naistress ng ganun pero dahil sa makulit na alaga niyang iyon ay parang mas lalo lang kumukulubot ang kanyang balat."Aay naku ikaw talagang bata ka! hala, dumaretso ka sa kusina at kumain ka! "
Inasahan na ni Zandra ang magiging sermon ng matanda sa kanya, pero kailangan niyang makinig dito dahil kasalanan niya kung bakit ito nag-alala ng husto. sa totoo nga hindi na dapat pa pinag-iisip pa nito ng masyado ang matanda dahil sa edad nito.
Ah Basta! mamaya na lang siya makikinig sa mga misa nito, kailangan niya pang pumasok sa school para makaabot sa huling subject ni Dave.
"Wag na po Nang, kumain na po ako and besides kailangan ko pa pong pumasok sa school, may meeting po kaming mga student council, pakihanda na lang po ng uniform ko, thanks!"
pagdadahilan at pagsisinungaling ni Zandra, at nang akma pa siyang pipigilan ng matanda ay mabilis na siyang tumakbo paakyat papunta sa kanyang kwarto.Ganun siya ka-PASAWAY.
Hindi niya kasi pwedeng sabihin sa matanda ang tungkol sa nangyari sa kanya kagabi dahil baka lalo lang itong mag-alala at isa pa baka isumbong lang siya nito sa kanyang monster dad na nasa STATES at pasunurin pa siya nito doon pag nagkataon. Ipinatong na ni Manang Sabel ang uniform ni Zandra sa kama nito at sakto namang labas mula sa cr ng dalaga na noo'y kakapaligo lang.Masayang ngumiti si Zandra ng makita ang matanda na tahimik na inihahanda ang kanyang uniform. Kahit kailan talaga napakabait ni Manang Sabel, kanina lang ay kanda sigaw na ito dahil sa galit sa kanya tapos eto ngayon at inihahanda pa ang kanyang gamit.
Kaya naman mahal na mahal niya ang matanda eh.
Ngumiti siya at naglakad papunta sa direksyon ng matanda, gusto niya itong yakapin at lambingin para naman mawala ang pagka high-blood nito ng dahil sa kanya.
"Manang sige po ako na ho ang bahal----"

BINABASA MO ANG
One Great Sacrifice (Revising)
Dla nastolatków"Kahit ilang beses mo 'kong ipagtabuyan, hinding-hindi pa rin kita iiwan." -Zandra "Ang love, parang halaman lang yan. Kung hindi mo kayang diligan at alagaan, mas mabuti...