Chapter 14

1.4K 28 9
                                    

Zandra's POV

    Kasalukuyan na akong naglalakad noon pababa sa building kung saan naroon ang shower room. Naligo lang ako sandali dahil masyadong pinagpawisan ang katawan ko dahil sa kakapractice para mabuo ang final step ng cheerdance na ituturo ko sa oras na mabuo namin ito ng ka-collab ko. Habang daan ay bumalik sa isipan ko ang mga narinig ko kahapon kung saan maiingay na nagkukwentuhan ang ibang mga estudyante sa loob ng CR. Nasa loob ako noon ng cubicle ng mapakinggan ko ang kanilang usapan, hindi ko na sana papansinin ngunit ng marinig ko ang pangalan ni Dave ay nakaramdam ako ng kuryosidad. Ayon sa kwentuhan nila ay tila napapansin na raw nila na unti-unti ng nagbabago ang ugali ni Dave. Mula sa pagiging mainitin ng ulo nito at pagiging bully ay himala raw na nagiging kalmado na ito sa tuwing may hindi sinasadyang makabato o makakabangga dito. Imbes na suntukin o di naman ay ipahiya katulad ng ginagawa nito noon ay himalang ito pa raw ang nagpapasensiya at tumutulong sa mga iyon. Kung dati ay lagi lamang nitong sinasagot-sagot ang mga professor sa klase sa tuwing makikita siyang natutulog, kung dati ay itinuturing niya lamang ang mga ito na para bang katulong lamang nila sa bahay, ibahin ngayon dahil ito pa mismo ang humihingi ng paumaanhin sa mga nakatatanda sa tuwing nagkakamali siya, kahit labas sa ilong.

 Hindi ko na namalayan na kusa ng nagfo-form ang labi ko ng isang proud na ngiti. Bumagal ang naging bawat paghakbang ko ng mapagtanto kong umaayon lahat ng pangyayari sa plano ko. Ito talaga ang gusto ko- ang magbago ang lalaking 'yon. Meron pa sana akong bagay na gustong mawala sa kanya, iyon ay ang pagiging seloso nito, pero sa palagay ko ay hindi na yata iyon mawawala sa kanya. Hayain na nga. Kakausapin ko na siya mamaya para makipag-ayos. Baka kapag pinatagal ko pa eh, sumobra na siya at mag-pastor na. 



   Paliko na sana ako ng hallway nang biglang may kamay na sumulpot mula sa likod ko at mabilis na tinakluban ang mga mata ko. Gusto siguro nito na hulaan ko kung sino siya, ngunit dahil wala ako sa mood na manghula at makipaglaro ngayong araw kaya agad ko nang tinanggal ang mga kamay niya sa mga mata ko. Humarap ako patalikod para makita ko kung sino ang taong 'yon. 

"M-Michael?"
    nanlalaki ang mga mata sa gulat na saad ko ng makita ko na naman ang unggoy na 'yon. Ngumiti siya sakin ng malapad na tila ba walang kaproble-problema sa mundo. Well, sa tagal ko ng kakilala ang lalaking 'to alam kong si Michael ang tipong palangiti kahit pa sabihing mayroon siyang kinikimkim na problema sa buhay. Kapag naman sobrang nasaktan, dinaig pa ang sanggol na ngawa ng ngawa.

"Kamusta Zandra babe?"
    aniya sabay yakap sakin ngunit mabilis ko rin naman siyang itinulak sa takot na baka may makakita samin at kung ano-ano na namang isipin. Dami pa namang tsismosa sa campus na 'to.

"Teka? Bakit ngayon lang kita nakita dito? Tinatamad ka na bang pumasok?"
    maang na tanong ko sa kanya. Totoo, simula nung mangyari ang awayan, selosan at paghihiwalay kuno namin ni Dave dahil sa lalaking 'to, eh hindi ko na siya nakitang pumasok.

"Natatakot ka sigurong magpakita kay Dave ano?"
    pagpapatuloy ko. Kumunot bigla ang noo niya at nabahiran ng pagtataka ang itsura niya.

"Natatakot? Bakit naman ako matatakot sa gorilla na 'yun? May ginawa ba ako? Pinagseselosan na naman ba niya ako, aba, matindi. Nawala na nga ako ng ilang linggo. ako pa rin pagseselosan ng boyfriend mo? Padala mo na nga 'yon sa mental."
     saad nito sa naaawang tono. Ibubuka ko na sana ang bibig ko para ipaalam sa kanya na nakita kaming dalawa  ni Dave sa playground at pinaghihinalaan na nakikipagkita at nakikipaglandian sa isa't-isa. Pero dahil ayoko na ng gulo kaya hindi ko na lang sasabihin. Alam ko kasing kapag sinabi ko pa ito kay Michael eh hahanap at hahanap na naman ito ng paraan para magkasakitan na naman sila ni Dave. Hindi kasi nito kinukunsinte ang pagiging close-minded at pagiging isip-bata ni Dave, lalo na pagdating sakin. Ayaw na ayaw ni Michael na sinasaktan ni Dave ang damdamin ko hindi dahil sa kaibigan ako ni Camille kundi dahil ayaw na niya na muling makitang masaktan ang dating kaibiigan dahil lang sa iniwan ito ng minamahal, katulad ng nangyari dito noon. Ok, past is past. Ayokong ikwento ang nakaraan ni Dave.

   Inaya ako ni Michael na kumain sa cafeteria para doon namin pag-usapan ang sasabihin niyang dahilan kung bakit hindi siya pumasok nitong mga nagdaang linggo.

"Lilipad ako ng Korea. D'on na ako magi-stay for good."

 Halos mabilaukan ako sa kinakain kong veggie burger nang marinig ko ang sinabing iyon ni MIchael, mabilis kong hinagilap ang softdrinks at deretsong nilagok para bumaba ang bumara sa lalamunan ko. Nang mahimasmasan ay seryoso kong tinitigan si Michael na noo'y nananatiling nakangiti na para bang tuwang-tuwa na nakikita akong nagugulat. Hayop talaga.

 "For good? Y-You mean? Doon ka na titira? T-Teka, dahil ba 'to sa kaibigan ko? Dahil ba kay Camille kaya ka magma-migrate doon?"
    hindi pa rin makapaniwalang tanong ko.

"Of course. Para kanino pa ba? Sa bagay, fan ako ng Girl's Generation at mahal na mahal ko sila. Pero mas mahal ko si Camille, kaya susundan ko siya."
    kampanteng sagot nito. 

"Wait. Na-contact mo na ba siya?"

   Sandaling nabawasan ang saya sa mga ngiti niya at napalitan ng isang malungkot na aura, sa kagustuhang hindi ko mahalata kaya yumuko siya. Tsss. 

"Wala pa. Until now, hindi ko pa rin siya ma-contact. Ang tagal ko ng walang balita sa kanya, Zandra. Ikaw ba?"

   Malungkot na umiling din ako.

"Wala pa rin. Hindi naman siya nagreresponce sa mga email ko, saka sa mga social sites. At base sa date ng mga status niya, ang huling post niya ay noon pang last month."

"Iyon rin ang naging huli naming communication sa isa't-isa. Pagkatapos n'on wala na. Hindi ko na rin siya ma-contact kahit sa roaming number niya."

     Tuluyan nang gumuhit ang sakit at pagdaramdam sa mga mata ni Michael, animo'y napakatagal na panahon niya itong kinikimkim at ngayon niya lang mailalabas.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko Zandra. Hindi ako sanay ng ganito. Hindi ako sanay na hindi ko siya nakakausap. Hindi ko alam kung ilang beses ko na 'tong nasabi sayo pero, siya lang talaga ang minahal ko ng ganito, at siya lang rin ang huling mamahalin ko ng ganito. Mababaliw na yata ako."

  Namintana ang pigil na luha sa mga mata ng kaharap ko at ng nahalata niyang hinihintay ko ang pagpatak noon ay mabilis siyang tumingala para pigilan ang pagtulo noon. Asus, akala mo naman eh hindi ko pa siya nakikitang umiyak. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses na siyang nagngangalngal sa balikat ko dahil kay Camille.

 "So kaya ka aalis para sundan siya at alamin ang totoong nangyayari sa kanya doon? Ganun ba?"
     mahinahon kong tanong sa kanya.

"Yeah. Hahanapin ko siya. Kapag nagkaayos na kami, yayayain ko na siyang magpakasal doon. Pangarap niya rin 'yon eh. Actually, sabi niya gusto niya raw na makasama ako na mamasyal sa Jeju Island."
     nakangiti nang saad nito, wari'y binabalikan ang mga usapang pangarap nila ni Camille. Matagal kong tinitigan si Michael. Bihira na lang sa mundo ang mga kagaya niyang lalaki na totoong nagmamahal sa mga babae, naiintindihan ko na ngayon kung bakit siya ang pinili ni Camille sa kaliwa't-kanang manliligaw niya noon na halos lahat ay mayayaman at gwapong katulad ni Michael. Naniniwala kasi ang kaibigan ko na mas masarap mahalin ang mga lalaking babaero at bulakbol kesa sa mga mababait na nagbabait-baitan, kasi madali raw makikita sa mga ito kung totoong mahal ka talaga nila- iyon ay sa pamamagitan ng kusang pagbabago ng mga ito.

 
 Nagulat ako ng biglang higitin ni Michael ang mga kamay ko at ikinulong iyon sa mga palad niya. Walang paglagyan ang saya sa mga mata niya ng tumitig siya sakin.

"Salamat sa lahat-lahat Zandra. Hindi ko makakalimutan lahat ng itinuro at ginawa mo para sakin at para samin ng kaibigan mo. Hulog ka talaga ng langit sakin. Mami-miss kita. Hayaan mo, 'pag nagkita na kami  d'on at kapag nagkaayos na kaming dalawa, ikaw agad ang una kong sasabihan. At kapag pumayag na siyang magpakasal sakin, sagot ko na ticket at expenses mo papuntang Korea."
    determinadong pahayag niya sakin. Nawala na ang kagustuhan kong batukan siya dahil sa bigla niyang paghigit sa kamay ko, bagkus nakaramdam na ako ng kasiyahan  para sa kanya at para sa nakikita kong hinaharap nila ni Camille. Ngumiti ako sa kanya.

"Goodluck Michael. I will pray for both of you. Best wishes in advance. Have a safetrip. Ingat ka ha."

   Sincere na nagngitian kaming dalawa bilang pamamaalam sa isa't-isa.

"Stay away from her!"

   Nabura ang mga ngiti sa mga labi naming dalawa nang sabay naming marinig ang pamilyar na tinig na iyon, isang puno ng maawtoridad na sigaw. Sabay kaming napalingon ni Michael sa pinanggalingan noon, at hindi nga ako nagkamali. Nakita ko si Dave na kakapasok pa lamang sa glassdoor ng cafeteria kasama sina Theo at Mark. Ang sama ng tingin niya kay Michael na para bang isa siyang mabangis na hayop na handang manunggab anumang oras. Nanlilisik ang mga mata niya sa sobrang galit. Doon ko lang napansin na nakahawak pa rin si Michael sa mga kamay ko. Napapikit na lang ako.

  Juice colored! Patawarin niyo po si Dave sa magagawa niya ngayon.



-------------------------------------


A/N:
   Long time no update sa story na ito. Ang istoryang pinaglipasan na ng panahon pero laging pumapasok sa panaginip ko. Haha.. Bakit kaya? 

   Mero po itong fan page sa fb, paki-like po sa mga gusto (sa mga gusto lang po ha?, hindi ako namimilit hahaha). Doon po ako magpopost every update at ilang mga teaser about sa story. Just click the external link on the side ------------------->  

  Please do vote and comment. Thank you so much.
     

One Great Sacrifice (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon