Habang abalang nagsasalita ang President ng SC sa harapan ng parang conference room ay para namang naglalakbay ang buong diwa ni Zandra habang nakatanaw ang kanyang mga mata sa labas ng bintana. Hindi niya alam pero parang wala siyang gana ngayong makinig sa kahit na anong bagay pagkatapos lahat ng mga nakita niya kanina sa cafeteria. Halos mag-iisang oras na yata silang nagmimeeting pero parang wala pa siyang naiintindihan tungkol sa kanilang pinag-uusapan.
"Nananadya talaga ang sira-ulo na yun! May araw ka rin sakin Dave na pogita ka!"
mahinang bulong niya."Ms.Verano? Are you ok?"
puna ni Janine, ang President ng SC.Gulat na ibinaling ni Zandra ang kanyang paningin sa harapan, nakita niya na parang nagtatakang nakatingin sa kaniya ang lahat ng SC members.
"Ok ka na ba,Zandra? I heard na nagcollapse ka daw kahapon, if hindi ka pa ok, you can take a rest first"
sabi naman nung Vice-President na nasa tono ng boses ang pag-aalala. Ngumiti ng malaki si Zandra."No,thanks,dont worry,Im already ok."
saad niya."Ganun ba sige, let's continue the meeting.. as what you heard a while ago-----"
pagpapatuloy ni Janine..Pagkatapos ng halos dalawang oras ay sa wakas... TAPOS NA RIN!
Ang naintindihan niya lang sa naging meeting nila ay yung about sa magiging event, ang department nila ang naatasang mag-organize ng SPORTS FESTIVAL na gaganapin sa 3rd week ngayong buwan. Humugot ng malalim na hininga si Zandra at saka tumayo. Lalabas na sana siya ng hall ng may tumawag sa kanya kaya pumihit siya patalikod."Oh,Janine? bakit?"
nagtatakang tanong niya dito. May iniabot itong papel sa kanya."Para san to?"
"Pakibigay naman yan sa captain ng basketball team, marami pa kasi akong gagawin eh, thanks,Zandra!"
pagdakay bigla na lang itong umalis.Natigilan si Zandra. Ang captain ng basketball team na tinutukoy ni Janine ay walang iba kundi si Dave.Nakita niya ang sarili na naglalakad patungong gym ngunit ng dumating siya doon ay wala si Dave, ayon sa ibang mga players ay nagpatawag daw ito ng meeting sa S-club kaya naroon ito ngayon sa music room sa fifth floor.
"Pahirap talaga!"
inis na nasambit na lang ni Zandra.Ang layo kasi ng gym mula SC Hall tapos wala pala dun ang hinahanap niya kaya eto na naman siya aakyat ng building patungong fifth-floor.Naglalakad siya sa hallway patungong music room ng marinig na niya ang ingay ng drum doon, mukhang alam na niya kung sino ang gumagamit nun, it's either Mark,Theo o kaya naman si Dave. Kumatok siya sa pinto ng kwarto.
Itinigil ni Dave ang pagda-drum ng marinig ang katok sa pintuan.
"Sino ba yung istorbong yun, diba sabi ko hindi na pwedeng pumasok ang mga late members? matuto silang dumating sa oras,pagsabihan niyo nga yun! "
inis na bulyaw ni ave kina Mark at Theo.Nagtinginan lahat ng members na nasa loob noon sa pintuan, tila hinihintay nila kung sino ang taong nasa labas na mukang makakatikim ng malupit na sermon mula kay Dave.Tumayo si Mark mula sa unahan para magbukas ng pintuan. Nang hilahin na niya ang pinto pabukas ay tumambad si Zandra sa harapan niya.

BINABASA MO ANG
One Great Sacrifice (Revising)
Teen Fiction"Kahit ilang beses mo 'kong ipagtabuyan, hinding-hindi pa rin kita iiwan." -Zandra "Ang love, parang halaman lang yan. Kung hindi mo kayang diligan at alagaan, mas mabuti...