Nagising si Zandra sa ingay ng ring ng kanyang cellphone. Ginamit muna niya yung luma niyang cellphone para may magamit siya at para magkaron ng contact sa kanya ang kanyang mga kaibigan, at nagpabili na rin siya ng bagong simcard kahapon. Yun muna ang pansamantala niyang gagamitin hanggat hindi pa naibabalik ni Dave ang kanyang cellphone na naiwan niya sa Town House nito.
Pupungay-pungay na kinapa-kapa niya ang kanyang sidetable.Puyat kasi siya.Hindi niya alam kung anung oras na siyang nakatulog kagabi dahil sa kakaiyak.
Calling:
Marjorie
Napabuntung-hininga na lang siya ng makita sa screen ng cellphone kung sinong tumatawag sa kanya ng ganung kaaga.
"Oh hello,Marj?"
tila barado ang ilong na boses ni Zandra.
"Zandra, ok ka na ba? Makakapasok ka na ba mamaya?"
tanong ni Marjorie.
"Ok na ko. pero hindi ko alam kung makakapasok ako mamaya----"
"PUMASOK KA!!"
Nailayo ni Zandra ang phone sa kanyang tenga ng marinig ang sigaw na iyon ni Marjorie sa kabilang linya.
"Hey, Zandra Mae! Pumasok ka! Ano sa tingin mong gagawin mo sa maghapon? Magmumukmok? Mag-eemote? "
pagpapatuloy ni Marjorie. Huminga muna ng malalim si Zandra bago sumagot.
"Pero Marj, puyat pa 'ko. kailangan kong bumawi sa pagtulog. ayokong pumasok ng malaki ang eyebags. "
pagdadahilan niya, pero ang totoo'y ayaw niya pa munang makita si Dave.
"God Zandra! what's the use of make-up? "
"Pero Marj----"
"Wala ng pero-pero! meron ka pang two and a half hours para matulog. Matulog ka muna then pupunta kami ni Claire dyan mamaya. Ok? Bye!"
"Wait Marj-----!"
bigla ay pinutol na ni Marjorie ang linya.
Naiinis na ipinatong ulit ni Zandra ang kanyang cellphone sa sidetable na nasa tabi ng kanyang kama.Pero may side din ng kanyang feelings ang sumasaya dahil sa pagiging concern ng kanyang kaibigan.Napangiti siya. Kasi naman, naisip niya na napakasuwerte pa rin pala niya.Bigla ay parang nabuhayan siya ng loob.Kasabay nun ang mga sari-saring nabubuo sa kanyang isipan.
"Ok. Dave,gusto mo ng break? Oh sige tingnan lang natin kung sino ang unang hindi makakatiis sating dalawa,"
bulong ni Zandra at muli siyang nahiga para bumawi ng tulog.
--------------------------
"Konting make-up at konting lipstick."
ani Claire habang naglalagay ng light make up sa mukha ni Zandra habang si Marjorie naman ay abalang nagkukulot sa buhok ng kaibigan.Napangiti na lang si Zandra ng makita sa harap ng salamin ang seryosong mukha ng kanyang mga kaibigan.
Maaga pa lang kasi ay nandito na itong mga 'to para makasure na papasok talaga siya. Sabay-sabay daw silang papasok sa campus pero bago yun, nakaisip ng pakana si Marjorie. Ayusan daw siya para naman hindi siya magmukang kawawa sa mga mata ni Dave.
"Kung natiis ka niyang pakawalan pwes ipakita mo sa kanya na hindi siya kawalan,wag mung panghinayangan ang taong nang-iwan sayo, sa halip gumawa ka ng paraan para sila ang manghinayang sa pagkawala mo..Malinaw ba Zandra?"
BINABASA MO ANG
One Great Sacrifice (Revising)
Novela Juvenil"Kahit ilang beses mo 'kong ipagtabuyan, hinding-hindi pa rin kita iiwan." -Zandra "Ang love, parang halaman lang yan. Kung hindi mo kayang diligan at alagaan, mas mabuti...