Chapter 15

2.3K 49 9
                                    

Dave's POV

  Lumabas kami sandali ng classroom nina Mark at Theo dahil balak naming bumili ng makakain sa cafeteria na dadalhin namin sa pagtambay sa gym. Hindi kami tumakas o nag-cutting class katulad ng ginagawa namin noon, wala ang scheduled professor namin kaya vacant class namin ngayon. Naiinis man akong aminin, pero gusto ko na talaga na tuluyang magbago para kay Zandra at para na rin sa sarili ko. Actually this past few days lagi na akong umuuwi ng maaga para mag-aral ng mga lecture, hindi katulad noon na kung saan-saan pa kami tumatambay kasama ng dalawa pagkatapos kong ihatid si Zandra sa kanila. Saka hindi na rin ako nambu-bully,sumasagot sa matatandang prof, naninigaw, nakikipag-away at nagpapahiya ng kapwa ko estudyante. Totoo, nagbabago na talaga ako, sana ma-appreciate niya naman 'yon. Paksyet, ilang araw na niya akong hindi pinapansin ah! Paano niya ako natitiis ng ganun? Minsan napapaisip ako. Mahal ba talaga ako ng babaeng 'yon?

  Ilang sandali pa ay narating na namin ang cafeteria at dahil ako ang nasa unahan kaya ako ang nagbukas ng glass door. Titingin pa sana ako sa ibang direksyon nang biglang pumukaw sa atensyon ko ang pamilyar na mga bulto sa gitna ng cafeteria. Natigilan ako at sandaling natulala. Tama, hindi nga ako namamalik-mata. Si Zandra nga 'yon, at si Michael. Magka-hawak sila ng kamay at pawang masasaya na nakatingin sa isa't-isa. Biglang nandilim ang paningin ko at kusang kumuyom ang mga kamao ko.

"Hey pare chillax!"
    tatawa-tawang pagkalma sakin ni Mark.

"Oh men."
   sakrastikong bulong ni Theo. Parang wala akong narinig bagkus ay hindi ako nagpadaig sa pagiging kalmado.

  "Stay away from her!"
      sigaw ko na dahil sa sobrang lakas ay nakuha ko ang pansin ng mga iilang naroon. Ngayon, kami ang center of attraction.Ngali-ngaling naglakad ako papunta sa pwesto nila at mabilis kong inagaw ang kamay ni Zandra mula kay Michael saka siya itinayo para ipwesto sa likod ko.

"Huwag na huwag mo siyang hahawakan!"
    sigaw ko sa pangalawang beses ngunit may halo na itong pagbabanta. Nakita ko kung paano siya tumawa ng nakangisi na para bang nang-iinis pa. Amba ko na sana siyang lalapitan para higitin ang kwelyo niya ngunit naawat ako ni Zandra.

"What exactly your problem Dave!"
    pigil-pigil niya ang boses niya para hindi makagawa ng eskandalo. I gritted my teeth.

"Bakit kayo magkasama?!"

   'Yun na lang ang lumabas sa bibig ko, hindi ko alam, umiiral na naman ang pride ko na ipagsigawang nagseselos ako!

"Ano bang pakialam mo? Sa University na 'to siya nag-aaral and your'e asking what I"m doing here with him? Natural Dave! Ang liit-liit ng campus para hindi kami magkita? At isa pa, ano pa bang pakialam mo eh hindi naman na tayo? Ano pa bang pinanghahawakan mo sakin?"
 
   Hindi ko tiyak kung ka-guilty-han ba ang gumuhit sa mga mata niya noong sandali na sinabi niya sakin 'yon. Ah hindi, namamalik-mata lang ako. Alam ko namang ayaw na talaga niya sakin, at hindi ko ‘yon kayang tanggapin at kahit kailan ay hindi ko iyon tatanggapin.

  Binawi niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko at humarap kay Michael.

"Michael, sorry sa nangyari. Ikaw na ang bahalang magpasensiya. Sige, mauna na 'ko, may klase pa ako mamaya eh. Goodluck sayo. Balitaan mo na lang ako kapag nandon ka na. Bye."

"Bye Zandra."
    sagot ni Michael na sinadya pang lambingan ang boses. Aba't talagang nananadya pa ang unggoy na 'to!

 Tumalikod na si Zandra para umalis ngunit bago 'yun ay nagpukol pa siya sakin ng nagbabantang titig at saka inirapan ako na para bang ako na ang pinakamasamang nilalang na nakilala niya sa tanan ng buhay niya. Walang lingon na naglakad na siya palayo.

  Dinuro ko si Michael na noo’y ngingiti-ngiti lang.

"Stay here. Babalikan kita."
    puno ng awtoridad na utos ko sa kaniya. Itinaas naman niya ang kanyang dalawang kamay bilang indikasyon ng pagsunod, ni hindi siya kakikitaan ng takot. Umupo sa tabi niya sina Mark at Theo at nagmanly greeting sila, iyong damping suntok sa dibdib na dati naming ginagawa. Pero noon pa iyon, nung kumpleto pa ang Power Six.

  Mabilis akong naglakad para sundan si Zandra at nang maabutan ko siya ay muli kong hinawakan ang kamay niya at ako naman ang humila sa kanya papunta sa kung saan. Ilang beses niyang sinubukang bitiwan ang kamay ko ngunit hindi koi yon hinayaan. Siguro ay dahil ayaw niya na ring sumigaw at makapukaw ng atensyon ng iba kaya tahimik na sumunod na lang siya. Ilang sandali pa ay nakarating kami sa isang bakanteng hallway kung saan naroon ang computer room at AVR. Tahimik doon at walang katao-tao. Doon niya na tuluyang binawi ang kamay niya mula sakin. Ngunit mabilis ko namang hinawakan ang magkabila niyang balikat at isinandal siya sa pader.

“Ano bang problema mo?!”

One Great Sacrifice (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon