Halos hindi makakain ng maayos si Gem. Paano naman kasi katapat niya lang naman sa lamesa si Valerie. Actually hindi naman talaga siya dapat mailang dito eh. Bakit naman kasi naging kamukha nito iyong babae sa panaginip niya.
"So hon, how's the food?" Nakangiting tanong ni David kay Valerie.
"It's so delicious. Masarap lahat." Nakangiting tugon nito.
"I told you masarap magluto si Nanay." Nakangiti paring wika ni David.
"Yeah...But this adobo Tita, wow.. ngayon lang po ako nakatikim ng ganito kasarap na adobo." Nakangiting baling ni Valerie sa ginang.
Biglang napahinto si Gem sa pag subo dahil sa narinig. Nasarapan siya sa adobo ko?
"Hon, itong adobo hindi si Nanay nag luto nito." Nakangiting wika ni David.
Huwag mong sasabihin.... huwag mong sasabi-----
"It's Gem's specialty." Wika ni David sabay baling sa kanya. "Right Tol?"
Yeah right..
"Oo, Valerie, iha. Si Gem ang nagluto nitong adobo." Nakangiti ring tugon ng Nanay nila.
"Really? Wow..." nakangiting baling ni Valerie sa kanya. "This is the best adobo ever." Sabi nito habang titig na titig sa kanya.
Damn. "T-thank you." Tanging nasabi niya.
"Hon, paano mo naman nalaman na si Gem ang nag luto nitong adobo?" Tanong ni Valerie kay David.
Gem? Binangit niya pangalan ko,!
"Dahil favorite ko itong adobo ni Tol and alam na alam ko na ang lasa." Sagot ni David sabay baling sa ina. "Mukhang naaalasan kana ni Gem, Nay." Nakangiting sabi nito.
"Hmm? Kailangan ko na bang mangamba sa sinabi mo David?" Nakangiti ring tugon ng ginang.
Tumawa si David pati si Valerie. Siya naman ay napapailing na lang bagamat nakangiti rin.
"Syempre Nay, ikaw parin ang the best. Pumapangalawa lang sa kagalingan mong magluto itong si Tol." Pagkuway paliwanag ni David.
Ngumiti lang ang ginang sa kanila sabay baling sa kanya at kinindatan siya.
Napangiti na lang din siya.
"So Valerie, iha? Ano naman ang pinagkaka abalahan mo?" Pagkuway tanong ng ginang.
"May coffee shop po ako, ahmm actually kasosyo ko po dun best friend ko." Sagot nito.
"Not to mention, she's a model and a car racer." Nakangiting dagdag ni David.
Bigla siyang napatingin kay Valerie. A businesswoman okay. A model okay. But a car racer? Wow! Napakagandang racer naman nito. Hindi siya makapaniwala.
"Di ka ba nahihirapan sa ginagawa mo iha? I mean magkakaiba kasi mga propesyon mo.. how you manage you're time?" Tanong parin ng ginang.
"Yung pagiging car racer ko Tita hindi naman po siya always. And yung pagiging model naman po.. hmm hindi naman po siya nakaka abala sa oras ko. Mas focus po talaga ako sa coffee shop. Plano na po kasi namin ng kaibigan ko na gawan iyon ng branch." Sagot ni Valerie sa ginang.
Tumango tango lang ang ginang. "Kasali ba sa pagiging model mo kaya pula iyang buhok mo?" Nakangiti parin nitong tanong.
"Nay... pati ba naman buhok ni Valerie pinupuna niyo?" Tanong ni David bagamat nakangiti ito.
"Eh kapuna puna naman kasi... huwag mong masamain iha ha? Ngayon lang kasi talaga ako naka kita ng pulang buhok..." paliwanag ng ginang.
"It's okay Tita." Nakangiting tugon ni Valerie. "Amm... kaya po ako nag papula ng buhok kasi may darating po akong photo shoot."
BINABASA MO ANG
Photograph
FanfictionMy 3rd Story about RaStro Glaiza de Castro as GEM Rhian Ramos as VALERIE