Kanina pa hindi mapakali si Valerie. Actually isang linggo na siyang hindi napapakali at nangangamba. Paano naman kasi, isang linggo ng hindi nag paparamdam si Gem sa kanya. Ni text wala siyang natatanggap mula dito. Pag tinatawagan niya naman hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Anong nangyari? Busy ba ito sa lahat ng oras at mukhang hindi na siya nito naaalala? Natatakot na siya. Isang araw, ng hindi na talaga siya nakatiis ay pasimple niyang kinamusta si Gem, mula kay David. And parang gusto niyang pilipitin ang leeg ni David ng sagutin lang siya na, 'she's been busy'. Napabuntong hininga siya. Parang sasabog na ang utak niya sa kakaisip. Kaya, agad niyang kinuha ang susi ng sasakyan niya at mabilis na naglakad papunta sa parking lot. Pupuntahan niya si Gem sa photo studio nito.
++++++++++++
"Gem? Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni Batchi. Napansin kasi nito ang pagiging matamlay ng kaibigan.
Napalingon si Gem, kay Batchi. "Hmm.. okay lang ako Batch. Sumakit lang bigla ulo ko." Tugon niya sabay hilot sa magkabila niyang sentido.
"Napapansin ko, parang palagi nalang sumasakit ulo mo ah." Tanong parin nito. "Dahil ba to sa nalalapit na proposal ni David kay Valerie?"
Hindi siya sumagot. Malungkot na tinitigan niya lang ang camera niya na nakapatong sa table niya. Isang linggo na ang nakalipas, mula nung sabihin ni David na mag pro-propose na ito kay Valerie. Mula nun, wala na siyang ibang ginawa kundi ang iwasan ang mga tawag at text ni Valerie. Masakit para sa kanya na iwasan ito. Pero hindi ba, iyon naman ang nararapat? Dahil sa simula palang, maling mali na ang nararamdaman niya para dito.
"Gem?" Pukaw ni Batchi sa malalim niyang pag iisip.
"I'm okay Batch.. don't worry." Tumayo na siya.
"Sigurado ka? I think you should take a rest. Ako nalang ang gagawa ng photo shoot ngayon." Tugon nito.
"No, Batch. Kaya ko.." assurance niya dito. Kaya niya. Kailangan niyang kayanin.
"Talaga lang ha? Eh namumungay na iyang mga mata mo eh. Halatang wala kang tulog.." sabi nito sabay turo sa mata niya.
"Batch, I'm okay. Sige na, pupunta na ako sa studio." Tugon niya sabay lakad palabas sa office niya.
+++++++++++
Halos takbuhin na ni Valerie ang daan patungo sa entrance sa Gem's Photo Studio pagkababa niya sa kotse niya. Para saan pa't naging racer siya kung hindi niya naman magagamit ang bilis niya sa pag mamaneho para makarating agad dito. Para bang wala ng panahon, kailangan niya na talagang makita at makasama si Gem. Miss na miss niya na ito. Ng makapasok na siya ay agad niyang nakita si Batchi.
"Valerie?" Bungad nito ng makita din siya. "Anong ginagawa mo dito?"
"Batchi, where is Gem?" Tanong niya agad.
"Ahmm, may schedule ka ba for photo shoot?" Tanong din nito.
"Damn, Batch! Nasaan si Gem?" Inis na tanong niya.
"Valerie, relax ka lang. Nakasalang pa siya." Sagot nito.
"Matagal pa ba?" Naiinip na talaga siya. Kung pwede lang sugurin niya na ito sa loob ng studio, habang may kinukunan pa ito.
"Kakaumpisa palang nila. Kung gusto mo sasabihan ko nalang si Gem, na bumisita ka." Tugon nito.
"Batchi pinapaalis mo na ba ako?" Tanong niya. "You see? Kailangan kong makausap si Gem..... Ngayon, kung pwede lang... hihintayin ko nalang siya sa office niya........ Please." Pakiusap niya.
+++++++++++++
After 1hour and half ay lumabas na si Gem sa studio. Akma na siyang papasok sa office niya ng pigilan siya ni Batchi.

BINABASA MO ANG
Photograph
FanfictionMy 3rd Story about RaStro Glaiza de Castro as GEM Rhian Ramos as VALERIE