"Pumayag ka na kasi." Pilit ni Batchi.
"At bakit naman ako papayag?" Sagot ni Gem. Tatlong araw na ang lumipas mula ng puntahan siya ni Valerie at pakiusapan na siya ang gagawing photographer nito para sa nalalapit nitong pag mo-model sa isang sikat na brand ng sasakyan.
"At bakit ka naman hindi papayag?" Tanong din nito.
"Batch, hindi mo kasi naiintindihan." Tugon niya sa kaibigan.
"Alam mo tama ka. Hindi ko talaga naiintindihan... kaya ipa intindi mo nga. Wala kasi akong nakikitang mali sa ini-offer ni Valerie eh. Kung tutuosin malaki ang maitutulong sa atin, sa iyo kung sakaling papayag ka. Mas makikilala ka Gem, ayaw mo ba nun?" Mahabang sabi nito.
"Kontento na ako dito sa studio Batch. Hindi ako nag hahangad na makilala ng mga tao.... Teka nga, ikaw ba Batch, nung una mo siyang makita wala ka bang napansin?" Pag iiba niya sa usapan nila.
"Sino?" Kunot noong tanong nito.
"Si.... siya." Napabuntong hininga siya. Yup! Hanggang ngayon hindi niya magawang banggitin ang pangalan ni Valerie. Kung ano ang dahilan? Hindi niya rin alam.
"Sisya? Sinong sisya?" Kunway tanong parin nito.
"Alam mo Batch, babatukan na talaga kita eh. Kilala mo naman kung sino ang tinutukoy ko diba?" Sagot niya.
"Eh nagkataon naman kasi, na iyang tinutukoy mo ay may pangalan.. and her name was Valerie." Sagot nito.
"Ah basta... yun na nga, wala ka bang napansin nung nagkita kayo?" Ulit niya sa tanong niya.
"Hmm..." kunway napaisip ito. "Wait, may napansin nga ako kay Valerie.....parang nakita ko na siya dati. Tinanong ko nga siya eh, kung nagkita na ba kami pero hindi pa daw.." sabi nito sa kanya.
"Eh, totoo naman kasi talaga na hindi pa kayo nag kikita.... pero ikaw may idea ka na sa itsura niya, kaya akala mo nagkita na kayo." Paliwanag niya.
Napakunot noo ito sa sinabi niya.
"Kamukha niya..... kamukha niya yung babae sa panaginip ko Batch.. yung pinakita ko sayong sketch." Sabi niya dito.
Natigilan ito. "Oh my God! Yeah! Tama.... kaya pala familiar mukha niya.. wow!" Di makapaniwalang sabi nito.
"Kaya di mo ako masisisi kung ganito ang pakikitungo ko kay.... sa kanya." Tugon niya.
"Teka nga, anong drama mo at di mo mabangit bangit ang pangalan ni Valerie, ha?" Puna nito sa kanya.
"Wala kang paki. Huwag mo nalang pansinin okay?" Sita niya rin.
"Hmm I smell something fishy.." makahulugan nitong sabi.
Hindi niya ito pinansin.
"Pero Gem, paanong naging kamukha ni Valerie iyong babae sa panaginip mo, yung in-sketch mo?" Tanong ulit nito.
"Tinanong ko din iyan sa sarili ko Batch.. at kagaya mo naghahanap din ako ng kasagutan sa tanong ko." Paliwanag niya.
"Gem, walang duda. Si Valerie ang dream girl mo.. at tadhana na ang nagtatagpo sa inyo.." tugon nito. "Pero sa malas mo lang... Girlfriend ni David si Valerie.. hindi ka makaka hirit sa kanya."
"Ano bang pinag sasabi mong hindi ako makakahirit kay-----"
"Valerie.." putol nito sa sinasabi niya.
"Sa kanya.. kakasabi mo lang, girlfriend siya ni David ng kapatid ko.. kaya wag ka ngang mag isip ng kung anu ano.." sabi niya.
"Eh nakaka inis lang kasing isipin. Mantakin mo iyon? Kinain ko yung mga sinabi ko sa iyo na hindi totoo iyang panaginip mo, pero heto ako ngayon at di makapaniwala na totoo at nakilala ko pa si Valerie. Nakakainis ding isipin kasi, binigyan ka na ng pagkakataon na makilala ang dream girl mo, pero sa malas naman.. may boyfriend na. Kapatid mo pa.. tsk.." mahabang sabi nito.
BINABASA MO ANG
Photograph
FanfictionMy 3rd Story about RaStro Glaiza de Castro as GEM Rhian Ramos as VALERIE