Patakbong bumaba ng hagdanan si Gem, bitbit ang towel at damit na ipapahiram niya kay Valerie. Medyo natagalan kasi siya dahil tumawag pa si David sa kanya para ipaalam na hindi ito makakauwi sanhi ng malakas na ulan. Iniisip niya palang na sila lang dalawa ni Valerie sa bahay nila ay di niya maiwasang ma excite........ Joke. Syempre kinakabahan siya. Pagkababa niya ay agad niyang nilapitan si Valerie na nakaupo parin sa sofa. "Here," sabi niya sabay abot sa towel at damit. "Tumawag si Tol sa akin. Tinawagan karin ba niya?" Pagkuway tanong niya.
Tumango lang ito.
"Ahmm, may kasama nga palang damit iyang tuwalya at...... at underwear na di ko pa nagagamit.. sa tingin ko naman mag ka size lang tayo." Sabi niya parin.
Hindi ito umimik.
"Sige na, mag palit kana.. ahmm nandun yung CR." Turo niya sa isang pinto.
"O-okay.. thanks." Tugon nito sabay tayo at lumakad na patungo sa CR.
Ngumiti lang siya. Hinintay niya na muna na makapasok ito sa banyo, bago dali dali na naman siyang umakyat para ayusin ang guestroom na katabi ng kwarto niya. Syempre sa guestroom niya ito patutulogin bisita ito eh. Hindi sa kwarto niya o sa kwarto ni David. Pagkatapos niya ayusin ang guestroom ay muli na naman siyang bumaba para maghanda ng hapunan nila. Teka, ano bang ihahanda niya? Ano bang madalas nitong kinakain tuwing gabi. Nilingon niya ang pinto ng banyo pero di parin ito tapos. Kaya pinasya niyang mag halungkat sa ref at sa cabinet ng pwede nilang kainin ngayong gabi. Sa bandang huli ay naisip niyang mag instant cup noodles nalang sila. Pwede na siguro iyon tutal mainam naman iyon dahil malamig ang panahon. At hindi iyon mabigat sa tiyan, Kaya makakatulog sila agad. Agad niyang inilabas sa cabinet ang dalawang malalaking cup noodles at nilagyan niya ng mainit na tubig. Siguro naman bago lumamig itong cup noodles ay tapos na ito mag shower.
+++++++++++
Talagang tinagalan ni Valerie ang pagba babad sa buhos ng shower. Gusto niya mahimasmasan kahit papaano ang nararamdaman. And now nakatingin lang siya sa damit na pinahiram ni Gem sa kanya. Isang pajama at t-shirt. Very secured. Madalas kasi ang sinusuot niya pag natutulog ay shorts lang at maluwang na t-shirt. Anyway, hindi naman iyon ang iniisip niyang problema. Actually ang dahilan kaya kuma kabog sa kaba ang dibdib niya ay ang katotohanang susuotin niya ang damit nito. Normal lang naman na magpahiram ang isang babae ng gamit nito sa kapwa nito babae eh.. isa yan sa mga katangian ng mga babae, kaya bakit siya nakakaramdam ng ganito.
Cause she's a lesbian? She don't think so. Wala naman siyang nakikitang mali doon eh, it's her choice and everyone has the right to choose what ever they want.
Hindi kaya dahil....... dahil gusto mo na siya?
Bigla siyang napahawak sa dibdib niya. Dinadama niya ang tibok ng puso niya. Napakabilis nun. Bilis na hindi niya nadama kay David. "M-may gusto ako kay G-Gem?" Bulong niya sa sarili. "No... tumigil ka Valerie. Straight ka. Hindi ka lesbiana para magka gusto sa kapwa mo babae...... isa pa may boyfriend kana. Mahiya ka naman sa kanya." Usap niya sa sarili niya. Napabuntong hininga nalang siya at nagbihis na. Kailangan niyang umakto ng normal sa harapan ni Gem. Paglabas niya ay agad niya itong hinanap at nakita nga niya ito sa kusina at nakaupo sa tapat ng lamesa habang nakatalungko. Nakatulog na yata ito sa kakaantay sa kanya. Napansin niya din ang dalawang malaking cup noodles. Nilapitan niya ito at ginising.
"Hey, I'm sorry.. nakaidlip pala ako.. halika na," yaya nito sa kanya para umupo.
Umupo naman siya.
"Sorry ha? Eto lang naisipan kong kainin natin ngayon... masarap naman ito eh." Nakangiti nitong sabi sa kanya.
Pilit siyang ngumiti. "It's okay."
BINABASA MO ANG
Photograph
FanfictionMy 3rd Story about RaStro Glaiza de Castro as GEM Rhian Ramos as VALERIE