Inis na pinatay ni Gem ang alarm clock sa side table ng kama niya. Kung dati ay nauunahan niya ang orasan sa pag gising bago ito tumunog, ngayon ay naging hudyat ito para ipaalam talaga sa kanya na umaga na at wala ng chance para makatulog siya at managinip pa. Inis na bumangon siya at parang baliw na ginulo gulo niya ang buhok niya. Paano naman kasi, hindi niya napanaginipan si Valerie. Este yung babae sa panaginip niya. Para mahimasmasan sa inis ay pinasya niyang pumasok na sa banyo at maligo na. Nakatulong naman kahit papaano ang malamig na tubig para mahimasmasan ng kunti ang pag ka inis niya. Pagkatapos niyang mag ayos ng sarili ay agad na siyang bumaba.
+++++++++++
Kasalukuyan na silang kumakain ng almusal ng pumasok sa kusina si David. Agad itong lumapit sa kanya at hinagkan siya sa ulo. Ganon din ang ginawa nito sa ina nila bago tuluyan itong umupo sa tapat niya.
"Tol, umuwi ka pala kagabi?" Tanong niya. Ang akala niya kasi ay doon ito matutulog sa tinitirhan ni Valerie. Isa din kasi iyon sa dahilan kaya naiinis siya. Ang kakaisip na magkasama buong magdamag ang mga ito.
"Pagkahatid ko kay Valerie kagabi, agad niya rin akong pinauwi. Ayaw niya kasing mag isip kayo ng masama ni Nanay kung doon ako matutulog." Sagot nito.
Para siyang nabunutan ng tinik ng marinig niya ang paliwanag ng kapatid. Gumaan kahit papaano ang pakiramdam niya.
"David anak, nag mamadali ka ba ha? Aba'y hindi ka namin pinalaki ng Tatay mo ng ganyan." Kunway sermon ng Nanay nila.
"Nay, hindi po okay? Nirerespeto ko po si Valerie.. syempre kagaya po ninyo ni Tatay, uunahin po namin ang kasal." Nakangiting paliwanag nito.
"So si Valerie na talaga anak?" Nakangiti ring tanong ng ina nila.
"Wala na po akong ibang nakikitang babaeng papakasalan Nay, kundi si Valerie lang." Seryusong sabi ni David.
Napahinto si Gem. Dapat maging masaya siya kasi natagpuan na kapatid niya ang babaeng ihaharap nito sa altar.... dapat maging masaya siya.. pero bakit wala siyang nararamdamang saya? Bagkus parang nairita pa siya sa mga sinabi ni David. Naguguluhan na talaga siya sa mga nararamdaman niya mula nung makilala niya si Valerie.
"By the way Tol, napansin ko kagabi na tahimik ka.." tanong ni David sa kanya.
"Ha? Di naman ah." Sagot niya.
"Tahimik ka, mula nung dumating kami hanggang sa natapos iyong hapunan natin kagabi." Tugon nito. "Naisip ko nga baka ayaw mo kay Valerie para sa akin eh."
Natawa siya sa sinabi ng kapatid. "Tol, ano bang pinag sasabi mo? Syempre gusto ko si Valerie..." natigilan siya sa sinabi niya. Parang sirang plakang nag paulit ulit sa utak niya ang sinabi niyang 'gusto ko si Valerie'. Shit!
"Tol? Gusto mo si Valerie?" Kunot noong tanong ni David sa kanya.
"Ha?" Dun lang siya natauhan.
"Gusto mo si Valerie?" Tanong ulit nito.
"Ano ka ba Tol! Syempre Gusto ko si Valerie........ para sayo.. she's a good catch.. bagay na bagay kayo.." sagot niya.
"Good to hear that Tol.. alam mo namang importante sa akin ang pag apropabado niyo ni Nanay kay Valerie para sa akin. Masaya ako at nagustuhan niyo siya." Nakangiting paliwanag ni David sa kanila.
"Anak kung saan ka maligaya dun kami nitong kapatid mo." Nakangiti ring sabi ng Nanay nila.
Ngumiti na din siya. At pinag patuloy na nila ang pagkain ng almusal.
++++++++++
Isang linggo. Isang linggo na ang nakalipas mula ng ipakilala ni David si Valerie. Isang linggo na din, na hindi na napapanaginipan ni Gem, ang babae sa panaginip niya...... ang weird lang, pero mag mula ng makilala niya si Valerie..... di niya narin napapanaginipan pa ang babae.
BINABASA MO ANG
Photograph
FanfictionMy 3rd Story about RaStro Glaiza de Castro as GEM Rhian Ramos as VALERIE