6

1.7K 88 1
                                    

Kanina pa pabaling baling sa kama niya si Valerie. Hindi siya makatulog. Hindi dahil, hindi siya sanay sa kama ng hotel. Kundi dahil sa kakaisip sa nangyari kanina sa park. Aaminin niya, pero hindi siya naka ramdam ng ganong kasiyahan pag si David ang kasama niya. Oo malambing ang binata, maalaga, maginoo, lahat na yata ng magagandang katangian ng isang lalaki ay nakuha nito, idagdag pa na gwapo ito.. Iyon ang mga katangian na hinahanap niya sa lalaki kaya nagawa niya itong sagutin. Hindi mo siya mahal?

Napaisip siya saka bumangon. "Syempre mahal ko siya." Bulong niya sa sarili. Pero bakit parang di niya makombinsi ang sarili sa sinabi niya. Pabagsak siyang humiga muli. At sumagi na naman sa isip niya ang nangyari kanina sa park. Pumikit siya.. at dahan dahan niyang binuka muli ang mga mata. At kahit na ang ceiling ng kwarto na iyon ang totoo niyang nakikita, ay lumitaw ang mukha ni Gem doon. Parang wala sa sariling itinaas niya ang kamay, at akmang aabutin ang mukha nito....pero parang bola iyong nawala.

++++++++++

Naging maayos ang tatlong araw nila sa Tagaytay. Natapos ang photo shoot nila ng walang aberya ang nangyari. At kahit ramdam nila Gem, at Valerie ang tensyon sa pagitan nila ay nagawa parin naman nila ng maayos ang trabaho nila.

Akmang sasakay na sa kotse niya si Gem, ng mapalingon siya sa isang itim na van. Napakunot noo siya. Kasalukuyan siyang nasa basement parking lot ng hotel. Muli niyang sinara ang pinto ng kotse niya at humakbang palapit sa van.

"Ma'am nasiraan po tayo. Ayaw talaga mag start eh." Sabi ng driver.

"Hay, bakit naman ngayon pa, kung kailan babalik na tayo sa Manila." Sabi ni Valerie, habang naka pamaywang sa gilid ng van.

"Sorry po Ma'am." Nakayukong sabi ng driver dito.

"Manong wala ka naman pong kasalanan.... ganito nalang, tumawag ka nalang po sa lobby and humingi po kayo ng mekaniko." Tugon nito sa driver.

"Hi," bati niya kay Valerie. "Akala ko nakaalis na kayo kanina pa.

Gulat itong napalingon sa kanya. "G-Gem?..... ahmm, nasiraan kami. Ayaw mag start."

"Ganon ba?" Tanong niya sabay baling sa driver. "Manong matatagalan pa bo iyan, kung aayusin?" Tanong niya.

"Yes ma'am." Sagot ng driver.

"Gusto mo sumabay ka nalang sa akin." Bumaling na naman siya kay Valerie.

"Ha?" Nakaawang ang bibig na tanong nito.

"Sabi ko sumabay ka nalang sa akin, pabalik sa Manila." Ulit niya sa sinabi niya.

"Mabuti pa nga po ma'am Valerie sumabay nalang kayo kay ma'am Gem. Kasi matatagalan pa po ito eh." Sabat ng driver sa kanila.

"No. Mag co-commute nalang ako." Sabi nito.

Napataas ang kilay niya. "Okay, madali naman akong kausap eh." Sabi niya at tumalikod na siya.

"Aba't, hindi mo talaga ako pipilitin ano?" Nakapaywang nitong sabi kanya.

Muli niya itong hinarap. At umiling siya. "Hindi."

"Grabe ka!" Sigaw nito sabay bukas sa pintuan ng van at kinuha nito ang bag. "Manong Al, tawagan niyo po ako kung okay na ang sasakyan." Pagkasabi nito nun, ay nag martsa na ito patungo sa CRv niya.

Napailing na lang siya. "Manong, buti nakakatagal kayo sa ugali nung amo niyo." Nakangiti niyang sabi sa driver.

"Eh, ma'am, mabait naman po si ma'am Valerie eh." Kakamot kamot sa ulo na tugon ng driver.

"Ah.. okay." Tumango tango siya. "Sige po Manong, mauna napo kami." Nakangiti niyang paalam sa driver, bago lumakad pabalik sa kotse niya. And there nakita niya si Valerie na nakatayo and hindi maipinta ang mukha nito. Napangiti siya saka pinindot ang automatic unlock na karugtong ng susi niya. Agad itong sumakay sa passenger seat, at pabagsak pa nitong sinara ang pinto. Aba anong problema ng babaeng ito, at pati kotse niya dinadamay, tanong niya sa isip niya, bago sumakay na din. She put her seatbelt and start the engine.

PhotographTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon