"Gem?"
Agad na pinahid ni Gem ang mga luha niya, ng mula sa likod niya ay narinig niya ang boses ng kapatid niya. Si David. Hinarap niya ito. "T-Tol.."
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nito sabay lapit kay Valerie. Nag aalalang tiningnan nito ang nobya.
"Uhmm... I'm on my way home, ng tawagan ako ni Batchi.. kaya dumaretso na ako dito..." tugon niya.
FLASHBACK.....
kahit masakit na masakit na ang ulo ni Gem at medyo nahihilo na rin siya ay nagawa niya paring magmaneho papunta sa isang pharmacy para bumili ng gamot. Ng makainom na siya ay ni relax niya na muna ang sarili niya sa kotse niya. At di niya na namalayan na nakatulog na pala siya. Mukhang naka tulong ang pag inum niya ng gamot para kahit papaano ay makatulog siya. Valerie....... Naalimpungatan siya ng bigla nalang mag ring ang cellphone niya. Ng tingnan niya ang screen ng cellphone niya, ay agad niya iyong sinagot. Si Valerie ang tumatawag, hindi niya alam kung bakit ganon nalang ang pagmamadali niyang sagutin iyon, gayong kanina lang sa sementeryo ay nag sumbatan sila tungkol sa nararamdaman nila.
"Hello?" Sagot sa kabilang linya.
Napakunot noo siya. Hindi kasi familiar ang boses sa kabilang linya. "Hello?" Sagot niya.
"Uhmm, hello po ma'am.. gusto ko lang po ipaalam na, yung may ari ng cellphone na ito, naaksidente po... bumangga po yung kotse niya sa isang poste. Nandito na po siya ngayon sa ospital." Tugon sa kabilang linya.
Ganon na lang ang takot na nadama niya ng marinig ang sinabi sa kabilang linya. "S-saang... hospital?" Nanginginig ang boses na tugon niya.
At sinabi ng nasa kabilang linya kung saang hospital dinala si Valerie. At halos paliparin niya ang kotse niya para lang makarating agad sa naturang hospital. At halos mag ala-Flash siya sa bilis ng takbo niya papasok sa hospital ng makarating na siya. "Nurse, may sinugod daw dito na... uhmm, babae, nabangga iyong kotse niya.." tanong niya sa nurse station.
"Uhm... Yes Ma'am. Nasa OR pa po siya." Sagot ng nurse.
"OR?" Nahintatakutan niyang tanong. Grabe ba ang pagkakabangga nito. "Saan yung OR dito?" Tanong niya.
"That way ma'am," turo ng nurse sa isang pasilyo.
Patakbo niyang tinungo ang OR. At ng makarating na siya doon ay sinubukan niyang silipin ang bintana ng pinto pero natatabigan ito ng kurtina mula sa loob. Parang gusto niya ng mataranta dahil sa pag aalala.
"Excuse me miss?" Tanong ng isang lalaki na lumapit sa kanya.
Tinitigan niya ang lalaki.
"Ikaw ba si Gem?" Tanong nito.
Tumango siya. "Yes, paano mo nalaman pangalan ko?"
"Ako po yung tumawag sa iyo kanina. Kayo po kasi, nasa emergency call nung babaeng naaksidente kanina." Tugon nito. "Uhm.. heto din po pala yung bag at cellphone niya." Sabay abot ng lalaki sa bag at cellphone sa kanya.
"Salamat po... uhm, pwede ko ba malaman kung anong nangyari, bakit siya bumangga?" Tanong niya.
"Nakita nalang namin na mabilis ang pag papatakbo niya sa kotse niya. Tapos, nung parang nawalan na siya ng kontrol, binangga niya nalang sa poste." Sagot nito. "Tapos nung dumating na iyong ambulansya, napansin nila na hindi naka seatbelt yung babae."
Napakagat labi siya, saka muling nilingon ang pinto ng OR. Natatandaan niya nung nasa Tagaytay sila at sinabay niya ito pabalik sa Manila, nag dumili din ito sa pagkabit ng seatbelt. Pero natatandaan niya, na sinabi nito na kapag siya ang angkas hindi talaga ito nag si-seatbelt. Pero pag ito ang nag mamaneho, hindi nito nakakaligtaan ikabit ang naturang bagay. Marahil dahil sa sobrang emosyon nito kaya nakalimutan nitong mag seatbelt. Somehow parang nakokonsensya siya. Feeling niya kasalanan niya ang nangyari dahil sa nangyaring sumbatan nila kanina sa sementeryo. Muli niyang nilingon ang lalaki at nagpasalamat siya. Di rin nagtagal ay umalis na ito.
BINABASA MO ANG
Photograph
FanfictionMy 3rd Story about RaStro Glaiza de Castro as GEM Rhian Ramos as VALERIE