12

1.4K 79 3
                                    

Masayang masaya si Valerie, habang nag hahanda. Syempre, may dinner date lang naman sila ni Gem sa restaurant niya mismo. Napapangiti siya habang nakatingin sa reflection niya sa salamin. Sino ba ang makakapag sabi na mai in love siya ng ganito katindi sa kapwa niya babae? Well, hindi mo talaga masasabi. She used to be straight, pero ngayon, kung lesbian man ang matatawag sa kanya? Wala na siyang pakialam. Ipagmamalaki niya pa ito. Dahil, natagpuan niya lang naman ang taong alam niyang makakasama niya habang buhay. Her precious Gem. Mas lumawak pa ang pagkakangiti niya. Nag pa-plano na rin siyang hiwalayan na si David. Ng mapatingin siya sa wristwatch niya ay napangiti siya. Oras na para kitain ang precious Gem ng buhay niya. Napapangiti siya sa tuwing naiisip ang precious Gem. Totoo naman kasi eh.

++++++++++++

"Good evening Ma'am Valerie." Bati ng isang crew sa kanya ng makapasok na siya sa restaurant.

"Good evening din." Nakangiti niya ring tugon. Nilinga niya ang paningin, may mga customers din na kasalukuyang kumakain sa oras na iyon.

"Ma'am Valerie, dito po tayo." Akay sa kanya ng crew papunta sa isang table na nasa bandang gitna ng restaurant.

Napansin niya na naiiba ang table na iyon. Napangiti siya. Talagang pinaghandaan ni Gem ang gabi na ito. Agad siyang umupo ng hilahin ng crew ang upuan para sa kanya. And again nag thank you siya. Muli niyang nilinga ang paningin, hoping na makita niya na ang taong kanina pa niya gusto makita. Si Gem. At hindi naman siya nabigong makita ito. Ngumiti siya ng makita niyang nakatayo ito sa isang sulok, habang hawak hawak nito ang camera nito, at halatang kinukuhanan siya ng picture. Tumayo siya, pero ganon nalang ang gulat niya ng lumabas sa isang sulok si David, habang may bitbit na isang bouquet na bulaklak at may hawak na microphone. Nakangiti rin ito habang dahan dahang lumalakad papalapit sa kanya. At narinig niya na lang ang isang intro ng kanta. At dun niya na lang namalayan na kinakantahan pala siya ni David.

(ONLY YOU version of Sam Milby)

"Only you... can make this world seem right...
Only you... can make the darkness bright...
Only you... and you alone... can thrill me like you do...
And fill my heart... with love...
For only you..."

What's happening? Anong gingawa ni David dito? Hindi ba't date dapat ito nila ni Gem. Naguguluhang tanong niya sa sarili niya. Habang nakatitig parin kay David na patuloy paring kumakanta.

"Only you... can make this change in me...
For it's true... you are my destiny...
When you hold my hand I understand...
The magic that you do...
You're my Dream come true...
My one and only you..."

Bigla niyang nilingon si Gem, pero hindi niya makita ang mukha nito, dahil natatakpan ng camera ang mukha nito. Paano nito nakukuhang, kumuha parin ng picture? Napabaling muli siya kay David, na tuluyan ng nakalapit sa kanya.

"Only you... can make this change in me...
For it's true... you are my destiny..."

Napapitlag siya ng hawakan ni David bigla ang kamay niya habang nakangiti paring kumakanta.

"When you hold my hand I understand...
The magic that you do...
You're my Dream come true...
My one and only.... you...
You... only you.. one and only you....."

Panaginip ba to? Sana magising na siya. This is a nightmare... hindi niya gusto ang nangyayari ngayon... hindi siya tanga para hindi malaman kung saan hahantong ang tagpong ito.

"Hi Hon..." bati ni David sabay abot sa bulaklak. "I know, that hindi mo ito ini-expect... gusto kasi talaga kitang surpresahin eh.. Hon, alam kong, iilang buwan pa lang tayo. Pero yung nararamdaman ko para sayo, alam kong panghabang buhay na...."

Ano bang pinagsasabi nito? Parang gusto niyang mabinge ngayon mismo. Sabi niya sa isip niya habang hindi parin umiimik.

"At ngayon, sa harapan ng mga customers dito sa restaurant, sa staff and crew, na tumulong sa akin, para sa paghahanda dito... sa Nanay kong binigyan ako ng blessing para gawin ito...... Thank you very much." masayang wika ni David.

Napalingon si Valerie sa Nanay nila Gem at David na masayang nakamasid sa kanila. Napansin niya din na nag sitayuan na ang mga customers, na halata din ang pagka gulat dahil sa nasasaksihang pangyayari ngayon. Nanginginig na siya. Muli niyang nilingon si David ng magsalita ulit ito.

"At sa pinakamamahal kong kapatid na siyang may idea sa lahat ng gaganapin ngayon... mula sa pag pili ng bulaklak... maging sa kakantahin ko... at sa halos isang linggong pagiging busy para lang maisakatuparan ko ng maayos ang surpresang ito.... Tol, maraming salamat. The best ka talagang kapatid." Nakangiti nitong sabi sabay lingon kay Gem.

Napalingon na din siya kay Gem, na ngayon ay malaya niya ng nakikita ang mukha nito. At nasaktan siya sa nakitang reaction nito... paano nitong nagagawang ngumiti? Pinaglalaruan ba siya nito? At talagang ito pa, ang may idea sa lahat ng ito. Parang kagabi lang ang saya saya niya dahil magkasama silang dalawa buong maghapon.. at akala niya mag e-extend ang kasiyahan na yun ngayong gabi. Pero mali siya. Maling mali.

"Now Hon..." lumuhod na ito. "Will you..... marry me?" Tanong nito sabay, pakita sa isang kaheta na naglalaman ng isang nagniningning ng singsing.

Nakayukong tinitigan niya ang singsing. Sabay lingon niya sa mga customers na nasisiyahan sa nangyayari. Sa staff and crew ng restaurant niya na halatang kinikilig. Sa Nanay ni David at Gem, na masayang masaya habang nakatingin sa kanila........ at kay Gem.... kay Gem, na hindi niya alam kung ano ang reaction dahil natatakpan na naman ng camera ang mukha nito.... para siyang sundalo na pinadala sa isang gyera, na wala ni isa mang armas... paano siya lalaban kung alam niyang talo na siya... katulad ng sitwasyon niya ngayon, paano niya matatanggihan si David, sa harap ng mga tao na nandito sa restaurant.... sa harap mismo ng ina nito.. wala siyang laban. Malungkot na nilingon niya ulit si Gem... ito ba gusto mo? Ako at si David.. tanong niya sa isipan niya. Unti unti ng tumulo ang mga luha niya sa mata.. saka muli niyang tiningnan si David na nakaluhod parin...

"Hon?" Nakangiti nitong wika.

"Y-yes... I will marry you."

+++++++++++

Click.... Click..... Click.

Sunod sunod na pindot ni Gem sa camera niya. Mula sa pag suot ni David ng singsing sa daliri ni Valerie, hanggang sa mahigpit na yakapan ng dalawa. Narinig niya rin ang masayang hiyawan ng mga tao.... parang slow motion, na unti unti niyang binababa ang camera niya habang nakatitig sa dalawang taong nasa harapan niya... nangingilid na rin ang mga luha niya. May mas sasakit pa ba sa nararanasan niya ngayon? Gusto niyang tumakbo at lisanin ang lugar na iyon at hayaang mapagod ang katawan niya, hanggang sa hindi na siya makabangon.. in short gusto niya ng mamatay...cause losing Valerie in her life, ay para na rin siyang namatay..

PhotographTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon