Nagising si Valerie ng makaramdam ng panginginig sa likod niya. Nang kapain niya ang bagay na nasa ilalim ng likod niya, dun niya lang napagtanto na nahigaan niya pala ang cellphone niya. Ng tingnan niya ang screen, si David ang tumatawag. Hindi niya iyon sinagot. Muli siyang pumikit, pero ng mapabaling siya sa kanan niya ay bigla siyang napadilat. What a beautiful woman sleeping beside her. Napangiti siya at inalala ang nangyari kagabi. Ang gabing nasisiguro niyang hinding hindi niya makakalimutan kahit kailan. Mas tumamis pa ang ngiti niya ng gumalaw si Gem, at unti unti itong nagising. Inihanda niya ang napaka sweet niyang pagbati dito. "Good morning,"
++++++++++++
Napakunot noo si Gem. Oh God! So hindi pala siya nananaginip kagabi? Totoo ang lahat na nangyaring kapusukan nila ni Valerie. Tiningnan niya ito, pero sa hindi niya malamang dahilan ay matamis pa itong nakangiti sa kanya, at diba nga binati pa siya.
"Hey, para kang nakakita ng multo sa reaction mo ah?" Nakangiti nitong sabi. "Wala ba akong morning greeting sa iyo?"
Hindi multo kundi Dyosa. "G-good morning...." akma na siyang tatayo sana, ng marealize niya na hubo't hubad pala siya sa ilalim ng makapal na kumot. Nakagat niya ang ibabang labi niya at pabigla niyang hinila ang kumot para ibalot pa ng husto sa katawan niya.
"Wait!" Sigaw nito pero.... tada! Nalantad lang naman sa mga mata niya ang makinis na katawan nito.
Napalunok siya. Pero hindi niya inaalis ang paningin sa katawan nito.
"Masaya ka sa nakikita mong view ano?" Taas kilay nitong tanong sa kanya saka hinila muli ang kumot.
Ngayon ay para silang mga bata na nag sisiksikan sa malaking kumot. Sabay pa silang napalingon sa roba niya na nasa sahig, at ang damit na pinahiram niya dito na nagkalat din sa sahig. Now what?
"Lablab, sige na you go first. Magbihis kana." Sabi nito.
Nilingon niya ito. "Anong tinawag mo sa akin?" Tanong niya. Baka kasi nabibingi na siya.
"Lablab?" Nakangiting ulit nito.
"Ha? Lablab?" Kunot noong tanong parin niya.
"Oo Lablab... katulad ng nararamdaman ko saiyo.... nag lalagablab." Nakangiti nitong tugon.
Napatawa siya sa sinabi nito. Maya maya ay napahinto din siya. Totoo ba itong nangyayari? O nanaginip lang siya.
"But seriously Gem..... ahmm, about last night." Sabi nito.
Nilingon niya ulit ito. "Ahmm, magbihis na kaya muna tayo.. halika na.." yaya niya dito. Ayaw niya pa kasi na pag usapan muna ang nangyari kagabi.
"Okay.."
++++++++++
Medyo nadismaya si Valerie, dahil mukhang hindi interesado si Gem, na pag usapan nila ang nangyari kagabi. No, kailangan nilang pag usapan ang nangyari para ma klaro nila ang mga bagay sa pagitan nila. Napabuntong hininga nalang siya saka tumayo mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama. Inilibot niya ang paningin sa kwarto, nagtaka siya. Bakit wala man lang mga picture frames na naka display o di kaya naka sabit sa dingding? Weird, naturingan pa naman itong photographer. Napaka simple lang ng kwarto nito. Humakbang siya palapit sa isang drawer. Na curious siya, parang hinihila ang katawan niya para lumapit dun. At ng buksan niya nga iyon ay tumambad sa paningin niya ang isang sketchbook. At ganon nalang ang gulat niya ng buklatin niya iyon at makita ang nag iisang imahe dun.
++++++++++
Kanina pa napapansin ni Gem, na tahimik si Valerie, mula nung iwanan niya na muna ito sa kwarto niya para makapaghanda siya ng almusal nila. Muli siyang sumubo, habang nakatitig dito, pero tahimik pa rin ito. Nagsisisi na kaya ito, dahil sa nangyari sa kanila kagabi? Wag naman sana. Kasi isa iyon sa pinakamagandang nangyari sa buhay niya. Nagulat siya ng bigla nalang ito tumayo.
BINABASA MO ANG
Photograph
FanficMy 3rd Story about RaStro Glaiza de Castro as GEM Rhian Ramos as VALERIE