5

1.7K 95 2
                                    

Ilang araw pa ang lumipas bago dumating ang pinaka hihintay na araw ni Gem. Wait. What. Pinaka hihintay? Syempre hindi. Actually ito ang araw na hiniling niya na sana di na dumating. Huminga siya ng malalim, habang maingat na nag mamaneho. Tinatahak niya ang daan patungo sa Tagaytay. Oo sa Tagaytay gaganapin ang pictorial with Valerie. Gusto pa niya sana umayaw lalo na ng malaman niyang tatlong araw sila doon. Kukunan kasi sa ibat ibang lugar ang pictorial, kaya gustuhin man niyang mag back out, wala na din siyang magagawa... dahil naka oo na siya.

Maaga siyang umalis sa kanila, at magpapasalamat siya kung di siya aabutin ng traffic sa daan. Hinabilin niya na din muna ang photoshop kay Batchi. Nilingon niya din saglit ang isang bouquet ng white roses na nasa passenger seat. Napangiti siya.

++++++++++

Kanina pa hindi mapakali si Valerie. Nasaan na ba kasi si Gem, bakit wala pa ito.

"Madam, e-relax mo nga face mo. Di ko malagay ng maayos itong make-up mo eh." Sabi ng baklang make-up artist niya na tinuring niya na ding kaibigan.

"Sorry," sabi niya. Bagamat di parin nawawala ang kaba sa mukha niya. Paano kung nagbago ang isip ni Gem, at di na ito tumuloy? Well, wala naman siyang dapat problemahin eh. Kasi may iba namang photographer, pero di niya alam kung bakit si Gem ang gusto niya maging photographer.

"Miss Valerie, you're photographer is here."

Napalingon siya sa entrada ng tent na inilaan sa kanya ng marinig niya ang sinabi ng isa sa assistant ng pictorial na iyon. Napangiti siya. "Let her in please."
"Her? Madam, babae ang photographer mo?" Tanong ng make-up artist niya.

"Bakit, Girly? May problema ka sa mga babaeng photographer?" Nakangiti niyang tanong.

"Wala naman Madam. Nagtaka lang kasi ako. First time mo kasing kumuha ng babaeng photographer." Sagot naman nito.

Natigilan siya sa sinabi nito. Pero agad din siyang napalingon sa entrance ng tent ng marinig niya ang familiar na boses.

"Thank you." Nakangiting sabi ni Gem sa isang assistant, habang pumapasok ito sa tent.

Bahagya siyang napanganga ng makita niya si Gem sa entrance ng tent. Parang slow motion itong lumalakad papasok at palapit sa kanya. Tinanggal pa nito ang suot suot na sunglass at ipinatong nito sa ulo ang naturang bagay. Shit! Bakit ang lakas ng dating nito sa kanya. Isa din sa nagpagulat sa kanya ay may bitbit itong bouquet ng white roses. Tumayo siya mula sa kina uupuan niya ng tuluyan na itong makalapit sa kanila.

"Ay Madam, labas muna ako." Sabi ni Girly. Sabay lakad na palabas.

Ilang segundo din silang nag titigan lang. Para bang binabasa nila kung ano ang iniisip ng bawat isa sa kanila.

"Gem," nakangiting banggit niya sa pangalan nito. Sabay beso dito. "Akala ko di kana tutuloy."

"Nakapag bitiw ako ng salita. Isa pa naisip ko... trabaho din ito." Tugon nito. "By the way, for you..." sabay abot nito sa bouquet.

Tinanggap niya ang bulaklak. "F-for me?" Napalunok siya.

Tumango ito. Saka ngumiti. Ngiting hindi umabot sa mga mata nito. "Pinabibigay ni Tol."

"Ah... okay..... t-thank you." Hindi niya alam kung bakit siya nadismaya.

"Labas na ako, aayusin ko pa iyong mga gamit ko." Tugon nito.

Tumango lang siya.

+++++++++

Naka all set na ang mga gamit ni Gem. Nakasuklit na din sa leeg niya ang camera na gagamitin niya. Pati ang kotse na e-momodel ni Valerie, nakaayos na din. Kasalukuyan niyang kinakalikot ang camera niya ng dumating na ito. Tiningnan niya ito habang hinuhubad nito ang suot suot na robe. At halos lumuwa ang mga mata niya ng makita ang ka sexy-han nito. Ito ba ang kukuhanan niya ng pictures? Makaka focus kaya siya? Marami na rin naman siyang nakunan na mga babaeng model at nag se-sexy-han, pero di niya mawari kung bakit naaapektuhan siya sa ka sexy-han nito. Focus Gem. Be professional.

PhotographTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon