10

1.5K 85 4
                                    

Kanina pa nakatayo si Gem, sa tapat ng pinto. Di niya alam kung mag do-doorbell na ba siya o ano. Kanina, ay naka receive siya ng text mula kay Valerie at pinapapunta siya nito sa isang condo. And nandito na nga siya.

++++++++++++

Kanina pa pinag mamasdan ni Valerie si Gem, sa peephole ng pinto. Napapangiti siya, sa tuwing tatangkain nitong mag doorbell pero di naman gagawin. Glad that tinawagan siya ng receptionist na may bisita siya. Pero napalis din ang ngiti niya ng makita niyang may lumapit na babae dito.

++++++++++++

"Gem?"

Napalingon si Gem, ng may tumawag sa kanya. At napangiti siya. "Wila?"

"Gem, ikaw nga!" Nakangiti din nitong sabi at walang babalang niyakap siya. "Kamusta na?"

Kumawala siya mula sa pagkakayakap dito. "I'm good. Ikaw?"

"Doing fine. Anong ginagawa mo dito? Si Batchi kumusta na?" Tanong nito.

"Uhmm.. I'm meeting a----" di niya na natapos ang sasabihin ng bigla nalang bumukas ang pinto, at lumabas si Valerie na naka beastmode na.

"Hi?" Kunway bati ni Valerie sa kanila. "Gem, kanina ka pa ba diyan?" Titig na titig na sabi nito sa kanya.

Oh no, not again. Eto nanaman ang pamatay tingin ni Valerie sa kanya. Bakit kasi lagi nalang siya nito naaabutang may kausap na babae. "Uhmm, di naman masyado." Tugon niya.

Tumango lang ito at lumingon ito kay Wila.

"Uhm, this is Wila, kaibigan namin ni Batchi." Pakilala niya.

"Hi..." nakangiting bati ni Valerie. "I'm Valerie..... Gem's girlfriend."

Nanlalaki ang mga matang napalingon siya kay Valerie dahil sa sinabi nito.

"Really? Gem, di mo naman sinabi agad.. nice to meet you Valerie." Tugon ni Wila. "Uhm, kailangan ko na din umalis.. Gem, ikamusta mo nalang ako kay Batchi.. okay?" Sabi nito bago tuluyang umalis.

+++++++++++++

Nakapamaywang si Valerie, habang nakatingin kay Gem, na nakaupo sa sofa sa harapan niya. "Sino iyon?" Tanong nito.

"Sino?" Nakatingala nitong tanong dahil nakatayo siya.

"Oh c'mon Gem, alam mo kung sino ang tinutukoy ko." Tugon niya.

"Si Wila? Diba sabi ko sa iyo kaibigan namin ni Batchi." Sagot nito.

"And the girl in the mall?" Tanong niya ulit. Makarinig lang siya ng maling sagot dito, sinisiguro niya makakatikim talaga ito sa kanya.

"Si Kathleen?" Tanong ulit nito.

"Bakit may iba pa ba?" Kunot noong tanong nito.

"Wala okay?.... si Kathleen, siya yung babaeng hiningan ko ng ice cream dun sa Tagaytay. Remember?" Sagot nito.

"I remember." Kalma pa niyang sagot. "Pero ang natatandaan ko lang ay ice cream lang dapat hihingiin mo, so pati pala cellphone no. Niya di mo pinalagpas... so tell me, kailan pa kayo nag papalitan ng text and call ng Kathleen na iyon ha? At talagang niyaya mo pa siya mag date, dahil lang sa hindi tayo natuloy sa plano natin that time.." sabay ratsada niya dito.

"Wait, nag kakamali ka okay?" Tumayo na ito at hinarap siya. "Una, hindi ko hiningi ang no. Ni Kathleen... nag kataon lang na nakita niya ako sa mall, and she's so nice para e-offered na samahan ako... and then, yun, bigla nalang kayo sumulpot ni David." Paliwanag nito.

"So she's nice pala ha?" Actually kanina pa talaga siya nangigigil dito dahil sa selos. "Bakit ba kasi napaka lapitin mo ng mga babae ha?" Inis na sabi niya, at pabagsak na umupo sa sofa.

PhotographTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon