15

1.5K 81 5
                                    

1 year later...

Nag menor si Valerie, ng makita niyang nag red light na ang traffic light. Ng mapalingon siya sa side walk ay napakunot noo siya. Agad niyang binaba ang salamin ng kotse niya sa kaliwa. "Batchi!" Sigaw niya.

Lumingon naman ito sa kanya at huminto ito sa paglakad.

"Wait! Hintayin mo ako dyan... maghahanap lang ako ng mapa parking-an." Wika niya. At sakto namang nag green na, hudyat na go na. At siguro nga swerte siya ngayong araw dahil hindi kalayuan lang sa kinatatayuan ni Batchi ay nakakita siya ng pwedeng ma-parking-an. Agad siyang bumaba sa kotse niya at mabilis na naglakad sa kinatatayuan ni Batchi.

"Valerie!" Nakangiting salubong nito sa kanya.

Agad niya itong niyakap ng makalapit na siya dito. "Batch,Kamusta na?"

"Okay lang ako. Eto hindi parin tumatangkad... pero tanggap ko na naman." Tumatawang tugon nito. "Ikaw? Kamusta na... mas gumanda ka pa yata lalo ah."

"Sira! Uhm.. I'm doing good.. teka saan ba punta mo?" Nakangiting tanong niya. "Sabay kana sa akin.."

"Uhm, ano kasi..." napakamot ito sa ulo.

"Nagmamadali ka ba?" Nakangiti niya paring tanong.

"Medyo.. may naghihintay kasi sa akin.." sabay pasimpleng lumingon sa isang coffee shop, di kalayuan.

"Okay... hatid na kita.." aya niya dito.

Hindi agad ito umimik saka napakamot ulit sa ulo. At lumingon ulit sa coffeeshop.

Napangiti siya. "Batch okay ka lang?" Tanong niya. Saka lumingon din sa coffee shop. "Kanina kapa, parang di mapakali ah. May hinahanap ka ba?"

Bigla itong sumeryuso saka tinitigan siya. "Valerie... free ka ba today?" Biglang tanong nito.

Tumango siya. "Yeah... bakit?"

"M-may ipapakita sana kasi ako sayo.." sagot nito.

"Wait.. akala ko ba nag mamadali ka?" Kunot noong tanong niya.

"Hmm.. makakapag hintay naman yun eh." Ngumiti siya. "So tara?"

"Okay..." ngumiti narin siya. Kahit naguguluhan ay pinaunlakan niya ito. Actually gusto niya rin kasi itong makausap... gusto niyang kamustahin si Gem. Isang taon na ang lumipas.. maraming nagbago.. pero ang nararamdaman niya para dito ay nanatili parin sa puso niya. "Saan ba tayo pupunta ha?" Nakangiti niyang tanong habang tinatahak na nila ang daan.

"Sa studio..." sagot nito.

"Oh... okay." Tanging nasabi niya. Kinabahan siya bigla.

+++++++++++++

Huminto sa paghakbang si Valerie.

"Valerie, halika sa loob." Aya ni Batchi sa kanya.

Hindi siya gumalaw. Nakatitig lang siya sa pinto. Hindi niya alam kung bakit bumibilis ang tibok ng puso niya. Haler! Paano hindi bibilis ang tibok ng puso mo eh, nasa tapat ka lang naman ng pinto sa office ni Gem.... nandyan kaya siya sa loob? Tanong niya sa sarili niya.

"Relax Valerie.. wala si Gem, sa loob." Ngumiti ito, pero mababakasan parin ang lungkot sa mukha nito. "May..... mga bagay lang na gusto kong ipakita sayo.." pagkasabi nito nun, ay ini-slide na nito ang pinto, at binuksan ang ilaw.

++++++++++++++

Halos paliparin ni Valerie ang kotse niya kasabay ng walang tigil niyang pag iyak. Actually pag nasa highway siya maingat siyang nagmamaneho.. pero iba ang usapan ngayon... masyado siyang emotional, nakakalimutan niya na nasa highway siya at wala sa racetrack. Kagaya nalang nung nangyari dati, naaksidente siya. Dahil din iyon sa sobrang emosyon na inilabas niya nung araw na nag sumbatan sila ni Gem sa sementeryo. Masyado siyang nasaktan nun. Mas pinili niya pang ibangga ang kotse niya.... and honestly that time.. hiniling niya na sana mamatay nalang siya. Pero ngayon... hindi niya alam pero, ayaw niyang mag aksaya kahit isang segundo ng buhay niya. Kaya kahit na mabilis ang pagpapatakbo niya sa kotse niya, sinisiguro niya na hindi siya mababangga. Hindi ngayon........

PhotographTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon