Nagulat si Gem ng bigla nalang may yumakap sa kanya.
"Gem..."
Ganon nalang ang bilis ng tibok ng puso niya, ng makilala ang boses nito. Kumawala siya mula sa pagkakayakap dito at kinapa kapa niya ang katawan nito, hanggang sa mukha.... "Valerie.." bulong niya.
Hinawakan nito ang dalawa niyang kamay na nakahawak sa mukha nito. "Ako nga..."
Unti unti narin siyang napaiyak.
"Ssh... don't cry.." wika nito sabay pahid sa mga luha niya. "I'm here now...."
++++++++++++++++
Panay ang lingon ni Valerie kay Gem, habang nagmamaneho. Tahimik lang ito mula kanina sa coffee shop. Kinwento niya na din dito ang nangyaring pagkikita nila ni Batchi, at kaya nalaman niya kung nasaan ito. Hindi rin siya umiimik. Inabot niya ang kamay nito. "Ihahatid na kita sa inyo..." wika niya.
Tumango lang ito.
Pinisil niya ang kamay nito bago iyon binitawan.
Nang makarating na sila sa bahay nito ay agad siyang bumaba at inalalayan niya din ito sa pagbaba. Nang nasa gate na sila, ay sakto namang lumabas sa pinto si David, kasunod nito ang Ina. Agad itong lumapit sa gate, at pinagbuksan sila.
"Valerie...?" gulat na wika ni David.
Nginitian niya si David, sabay baling sa ginang na nilapitan si Gem. "Good evening po Tita." Bati niya.
"Valerie, iha? Paano mong-----" di na natuloy ng ginang ang sasabihin ng sumabat si David.
"Nay, ako napo kakausap kay Valerie... pumasok napo kayo ni Gem sa loob." Wika nito.
Pero bago paman makahakbang si Gem, ay hinawakan niya ito sa kamay. "Nandito lang ako..."
Hindi ito umimik. Kaagapay ng ina ay sabay ng pumasok ang mga ito sa loob. At naiwan sila ni David sa labas.
"Paano mo nalaman?" Tanong nito sa kanya.
"Si Batchi... hindi sinasadyang nagkita kami kanina.. at sinabi niya sa akin lahat.." sagot niya. "David, bakit di mo sinabi sa akin dati na... na may cancer si Gem?"
"Hindi rin namin alam.. maging si Gem, hindi niya rin alam na may cancer na pala siya. Ang akala niya lang dati, simpleng pananakit lang ng ulo ang nararamdaman niya, hanggang sa katawan niya na mismo ang bumigay at dinala na namin siya ni Nanay sa ospital at dun na namin nalaman.." paliwanag nito.
"Pero sana, sinabi mo agad sa akin nung nalaman niyo na... you know how to contact me." Tugon niya.
"Ayaw ni Gem ipaalam sayo." Sagot nito.
"David... may ipapakiusap ako sa inyo ni Tita." Seryuso niyang wika.
Hindi ito sumagot.
"I want to take care of Gem. Hayaan niyong ako naman ang mag alaga sa kanya." Sabi niya dito.
Halata ang pagka gulat sa mukha ng binata. "Naririnig mo ba ang sinabi mo Valerie?.... wala kang pananagutan kay Gem... mahihirapan ka lang, lalo na sa kondisyon niya ngayon."
Hindi niya na napigilan ang pagluha sa mga mata niya. "Wala ng hihirap pa sa isang taong pinalipas ko na hindi ko kasama si Gem sa buhay ko.. ayoko ng mag aksaya ng panahon, David.. mahal na mahal ko si Gem.. at kahit ano pa ang kalagayan niya ngayon handa ako. Kung kinakailangang ako ang maging mata niya gagawin ko.. makasama ko lang siya." Huminto siya sandali. "Kaya nakikiusap ako.... hayaan niyo naman ako na makasama si Gem.. kailangan ko siya.."
Hindi nakaimik ang binata. Ramdam na ramdam nito ang sensiridad sa mga sinabi ni Valerie.
++++++++++++
BINABASA MO ANG
Photograph
FanfictionMy 3rd Story about RaStro Glaiza de Castro as GEM Rhian Ramos as VALERIE