13

1.4K 74 6
                                    

Ilang araw ng walang gana sa buhay niya si Gem.. mas dumadalas na din ang sakit ng ulo niya... hindi na rin siya masyadong nagpupunta sa studio, dahil alam niyang papauwiin lang din siya ni Batchi. Isang araw, may isang lugar siyang gustong puntahan, ayaw man niya ay napilitan siyang magpaalam sa Nanay niya.

"Gem anak, ano bang nangyayari sayo ha? May sakit ka ba?" Nag aalalang tanong ng ginang.

"Nay, okay lang po ako.." tugon niya sa ina.

"Sigurado ka ba? Namumutla ka anak eh..... teka saan ka ba pupunta ha?" Tanong nito.

"May... bibisitahin lang po ako." Sagot niya.

"Sino ba iyang bibisitahin mo? Hindi ba pwedeng siya nalang papuntahin mo dito?" Tanong na naman nito.

"Nay, hindi pwede eh.... don't worry, uuwi din po agad." Pagkasabi niya nun, ay hinalikan niya na ito sa pisngi at nagmamadali na siyang lumabas ng bahay. Mahirap na baka di pa siya nito payagan lalo pat nag aalala ito sa kalagayan niya.

++++++++++++++

Maingat na, nilapag ni Gem ang isang basket ng bulaklak sa tabi ng isang lapida. Umupo na din siya sa damuhan at tinanggal ang suot suot na sunglass niya.

"Tay.... kamusta na po kayo dyan?" Usap niya sa Tatay niya. Nag uumpisa na ring mangilid ang mga luha niya sa mata. "Na mimiss ko na po kayo.... pasensya napo kung, hindi ako masyadong nakakadalaw..." napalunok siya saka ngumiti. "Uhmm, syanga pala Tay...sinabihan na po ba kayo ni Tol, na...... na nag proposed na siya?" Nag umpisa ng bumagsak ang mga luha niya sa mata. "Nag proposed na si Tol, Tay.. sa..... sa babaeng.... natutunan ko rin mahalin...." napahagulgul na siya ng iyak. "Bakit ganon Tay? Bakit kailangang.... mawala sa buhay natin ang taong... nagiging dahilan ng pangarap natin..."

"Dahil duwag ka..."

Napahinto siya. At bigla siyang napalingon sa likod niya ng marinig niya ang isang familiar na boses. Napatayo din siya bigla ng makita kung sino iyon. "V-Valerie..." halos bulong niya sabay pahid sa mga luha niya.

"Dahil duwag kang ipaglaban ang totoo mong nararamdaman... iyan ang sagot sa tanong mo Gem.. masyado kang duwag." Dagdag nito.

Matagal bago siya nakaimik. "Paano mo nalaman na nandito ako?" Tanong niya. Hindi niya na sinagot ang sinabi nito. Bakit? Dahil totoo yun lahat. Na duwag siya.

"Pumunta ako sa studio mo, pero si Batchi lang naabutan ko dun. Sabi niya, ilang araw ka na daw na hindi pumapasok, kaya pinuntahan kita sa inyo, sakto namang nakita kong papalabas ang kotse mo kaya sinundan ko na." Sagot nito.

"Anong kailangan mo?" Tanong niya ulit.

"Ikaw. Ikaw ang kailangan ko Gem." Madamdaming sagot nito.

Hindi siya sumagot. Tinitigan niya lang ito.

"Bakit mo iyon nagawa sa akin?.... bakit kailangan mo akong ipilit kay David?" Naluluhang sabi nito.

"Dahil mahal na mahal ka niya... at importante sa akin ang kaligayahan ng kapatid ko.." sagot niya. Nag uumpisa na namang tumulo ang mga luha niya.

"Paano naman iyong kaligayahan ko? Inisip mo rin ba iyon ha?" Tumulo na din ang mga luha nito.

"Magiging masaya ka sa kapatid ko.." nanginginig na sagot niya.

"Damn it!" Sigaw na nito. "Paano mo nasasabi na magiging masaya ako sa kanya..... gayong...... gayong ikaw ang nagpapaligaya sa buhay ko.."

"Pwede ba Valerie, tama na.. Engage na kayo ni David... tama na.." tugon niya.

"Iyan ba talaga ang gusto mo ha?....... ako at si David?" Tanong ulit nito.

"Oo!" Sigaw niya. "Valerie...., wala akong mapanghahawakan sayo bukod sa pinapadama mo ngang mahal mo ako.... pero ni minsan.... hindi ko narinig na binanggit mong mahal mo ako.."

Eto naman ang napahinto. "Ganyan lang pala kababaw ang dahilan mo.."

Hindi siya sumagot.

"Hindi ko sinasabi na mahal kita dahil ayokong masanay!!" Sigaw na naman nito. "Dahil alam ko... sa oras na... masanay ako, baka hindi na ako umalis sa tabi mo.."

Hindi na naman siya nakasagot. Nakatitig lang siya dito.

"Mahal na mahal kita Gem, at kagaya mo, nag uumpisa na rin akong mangarap na makasama ka... pero, itinutulak mo ako palayo sa iyo." Malumanay na sabi nito.

Humikbi siya. "Wala akong choice..." tanging nasagot niya.

"Meron. Madami..... Pero mas pinili mo parin akong saktan..... kasi kung ako lang? Mas pipiliin ko pang masaktan si David, kaysa makita kang nasasaktan sa tuwing magkasama kami... plano ko na nga sanang hiwalayan siya eh... para malaya na kitang makasama.... pero sinukuan mo ako.... mas pinili mong isakripisyo ang dapat meron sana tayo ngayon...." umiiyak na paliwanag nito.

Hindi niya na mapigilan ang mga luhang tumutulo sa mga mata niya. Mali ba ang naging decision niya?

"Ito ang gusto mo diba? Pwes pagbibigyan kita.... Magpapakasal ako kay David.." pagkasabi nun ay tumalikod na ito at humakbang palayo.

++++++++++++

Biglang napapreno si Gem, ng mapansin niyang kunting kunti nalang ay babangga na siya sa isang kotse na nakahinto sa harapan niya dahil sa traffic light na naka red. Humihingal na napahawak siya ng mahigpit sa manubela. At namalayan niya nalang na unti unti na namang nag uunahan sa pagtulo ang mga luha niya sa mata. Napasigaw siya. Bakit pa siya natutung magmahal kung hindi niya naman kayang ipaglaban ang nararamdaman niya. Bakit nakakaramdam siya ng pag sisisi. Bakit kailangang mas unahin niya pa ang kaligayan ng kapatid niya, kaysa sa sarili niyang kaligayahan.. bakit kailangan niyang mag sakripisyo. Bakit kailangan niyang isakripisyo ang babaeng mahal na mahal niya. Bakit kailangan niyang masaktan ng ganito. Bakit!? Napapikit siya ng mariin ng sumakit na naman ang ulo niya. Ng dumilat siya ay makailang beses pa siyang kumurap kurap, dahil lumabo bigla ang paningin niya.. at kahit medyo nahihilo na siya, ay pinilit niya paring paandarin ang kotse niya.....

++++++++++++

At isang malakas na wang wang ng ambulansya ang bigla nalang sumingit sa bising-busy na kalsada na iyon....

PhotographTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon