Chapter 13- True feelings

39 4 1
                                    

Chapter 13


-------






Lee's Pov

Dalawang araw na pala ang nakakalipas. Dalawang araw na kong absent. Dalawang araw na pagkukulong sa bahay. Buti na lang wala sina mommy dahil tatanungin lang ako nun nila. Hayst! Friday na pala. Ang bilis ng araw.

*Sighhhhhhhhh*

Ang sarap pala ng ganitong feeling na mag-isa. Yung walang nagpapaalala sayo ng lahat? Walang makulit na magtatanong kung anong problema. Shinutdown ko din kasi yung phone ko dahil alam kong dun mangungulit yung tatlo. Wala din akong tinatanggap na bisita dito sa bahay. Tulog, kain at movie marathon lang ang ginawa ko sa loob ng dalawang araw. Ni hindi rin ako nagbukas ng kahit ano sa mga accounts ko.

Alam ko. Alam kong panandalian lang tong pagtakas ko sa problema. Alam kong may hangganan to kaya hinahanda ko na rin yung sarili ko.

Friday na ngayon. 2:30 na ng hapon. Sa Lunes na ko papasok. May two days pa ko para magready. Haysssttttt. Ayoko pa. >_< Hindi pa ko ready! Ayoko pa silang makita! Si Alexis, yung tatlo, si Ryuu at lalong lalo na yung Sojirouh na yun!

Naiistress ako!!!

Hihiga na sana ako ulit sa kama nang...

*BLAAAAAAAGGGGGG*

O_________________O

Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko.

"Mam sorry po. Eh kasi po mapilit sila eh---"

"Tama na ang pagsesenti mode mo Lee!!!"-nagulantang ako sa biglang pagsulpot nung tatlo. Grabe ang boses ni Iska.

"Lee ano bang nangyayari sayo?"-worry na tanong ni Noie.

"Wag nyo nga syang suyuin!"-sigaw ni Iska. Yeah. Ganyan talaga sya.

"Hoy Lee! Wag mong sabihin pati samin wala ka ring balak magparamdam? Alam na namin lahat ng nangyari. Alam ko.. Alam kong mahirap para sayo na isipin na galit si Alexis pero hanggang dyan ka na lang ba? Sige, anong gusto mo? Damdamin ang pagkagalit sayo ni Alexis o iligtas sya?"

O____________O

"I-iligtas?"-naguguluhan kong tanong.

"Oo! Paulit ulit?"-tanong ni Iska.

"Teka naguguluhan ako.."

"Natural! Dalawang araw ka ba namang nawala at hindi nagparamdam no! Aish! Bilisan mo mag-ayos ka na! Mauuna na ako. Sumunod kayo agad ah?"-dali-daling sabi ni Iska at saka madaling lumabas ng kwarto.

"Kasalukuyan ngayong naglalaban sa court sina Sojirouh at Alexis. At narinig namin na nagkaroon sila ng deal. At pagnatalo si Alexis, kailangan nyang magbitiw bilang captain. Naalala mo pa ba Lee yung sinabi ng papa ni Alexis? Na kapag nawala na kay Alexis yung posisyon nya bilang captain ball ay pipilitin sya ng papa nya na mag-aral ng business abroad?"-bigla akong kinabahan sa sinabing yun ni Noie.

"Malaki ang possibility na matalo si Alexis, Lee. Dahil malamang inuuna nun ang galit kay Sojirouh tapos magkaaway pa kayo."-dagdag ni Pin.

"Kaya bilisan mo na Lee. Kung ayaw mong mabawasan ng isang kaibigan."-sabi ni Noie at saka na ko nagmadali.


====


Patakbo kaming pumunta sa gymnasium ng school. Hingal na hingal kaming nakarating sa gym. Malayo pa lang ay rinig na rinig na yung pagyanig ng gym dahil sa lakas ng hiyawan ng mga tao sa loob.

Nandito na kami sa pinto ng gym. Halos manlaki yung mata ko sa sobrang dami ng tao sa loob. Halos punong-puno yung mga bleachers at ang iba ay halos nakatayo na lang. Teka, mukhang tapos na yung laro.

Never Play With The GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon