Chapter 15
---------------
Lee's Pov
Nandito ako ngayon sa library. Vacant ko kasi. Kainis nga eh mas gusto ko pang pumasok sa klase kesa ganitong dalawang oras akong tengga. Naririndi na rin kasi yung tenga ko sa kakaparinig ng mga tao dito eh! Kesyo ang kapal daw talaga ng mukha ko para sampalin yung Sojirouh na yun. Tapos ako din yung sinisisi nung mga fangirls ni Alexis sa pag-alis niya. Parang ayoko na talagang pumasok. TT.TT
"Serves her right! Ang landi kasi eh! Siguro naumpog na sa katotohanan si Alexis kaya iniwan na sya ng tuluyan!"-rinig kong sabi ng isang babae dito sa library na malapit lang sa kinauupuan ko. Hanggang dito ba naman? Kala ko pa naman ligtas na yung tenga ko sa kakaparinig nila. T^T
Hinayaan ko na lang silang magbulungan at magchismisan dun. Ayoko nang mapaaway pa. Teka nasaan ba yung librarian? Bakit ayaw nya sawayin tong mga babaeng to? Aish!
"Lee!"-pabulong na sabi ni Noie sabay upo sa tabi kong chair.
"Oh? Bakit hingal na hingal ka?"-tanong ko.
"Kanina pa kasi kita hinahanap eh."-sagot niya. Oo nga pala, sabay pala kami ngayon ng vacant time ni Noie.
"Noie. Naririndi na yung tenga ko sa kakaparinig nila. >^<"-pagsusumbong ko kay Noie.
"Wag kang mag-alala. Yari yan sila samin lalo na kay Iska. Pero Lee, may sasabihin nga pala ako sayo. Nasagap ko lang to sa mga classmates ko kanina."-sabi nya sabay ayos ng nerd glass nya.
"Ano yun? Tungkol saan?"-tanong ko.
"Tungkol kay Alexis. Nalaman ko kasing sinadya pala talaga daw ni Alexis na magpatalo sa game."-sabi ni Noie.
"Huh? Bakit nya naman gagawin yun? Edi parang nagpatalo talaga sya para hindi ako tigilan ni Sojirouh?"-bigla akong nalungkot.
"Ano ka ba! Hindi ganun yun. Hindi kayang gawin yun sayo ni Alexis! Ganito kasi yan Lee, narinig ko sa mga classmates kong lalake na sinadya daw talaga ni Alexis na magpatalo dahil daw yung araw na yun ng game ay yun din yung araw ng flight nila to London. Dun na mag-aaral si Alexis ng business, Lee. And besides, sa London na lang yung natitira nilang business dahil lugi na lahat ng business nila dito sa Pinas. Tulad na lang nitong Elite, binenta na nila to sa family ni Sojirouh diba? At tsaka feeling ko kaya rin sya umalis dahil para na rin sa business nila at ..... para na rin siguro makamove on sya sayo? I dunno. Pero yun ang kutob ko eh. Sobrang nasaktan sya diba? At tsaka hindi ka naman nya pinabayaan kay Sojirouh eh. Remember Lee magbestfriend sila dati? So alam ni Alexis na hindi ka talaga sasaktan ni Sojirouh. Papagtripan ka nga lang. XD"-sabi ni Noie.
"Ang sama mo. -.-"
"Hehe. Peace. ^^v. Pero Lee sa tingin ko naman hindi ka pababayaan ni Alexis kay Sojirouh kung masamang tao talaga si Sojirouh diba? Sa tingin ko, mabuting tao talaga si Sojirouh. Hindi nya lang pinapakita. At tsaka hindi sya nagalit sayo kahit sinisi mo na sa kanya ang lahat kahit alam nya sa sarili nya na wala naman talaga syang kasalanan. At nung sinampal mo sya, hindi ka nya ginantihan diba? Dahil alam nya sa sarili nya na babae ka na dapat respetuhin at hindi saktan. Hindi naman sa kinokonsensya kita Lee ah? Yun lang kasi ang nakikita at ang pagkakaintindi ko sa sitwasyon. Pero nasa sayo pa rin ang desisyon."-sabi ni Noie sabay nagsmile sakin. Tama si Noie. Lahat ng sinabi nya ay tama. Naniniwala ako kay Noie kasi magaling sya sa pagintindi ng sitwasyon. At kahit alam nya na ang tunay na sitwasyon ay hindi nya pa rin ako pinipilit sa kung ano bang dapat kong gawin. Hinahayaan nya lang akong magdesisyon at nagbibigay lang sya ng payo. At yung tungkol kay Alexis, tama lang yung ginawa nya. Kung tutuusin dapat matagal nya nang ginawa ang paglayo niya sakin. Nasaktan ko pa tuloy sya ng sobra. Sorry talaga Alexis.
BINABASA MO ANG
Never Play With The Gangsters
Ficção AdolescenteLahat naman ata ng mga babae nangangarap ng isang maganda at mala-fairy tale na lovelife diba? Eh pano kung taliwas sa pinapangarap mong lovelife ang ibigay ni kupido? Magulo Walang katahimikan Laging nasa panganib ang buhay mo Papayag ka ba? Kung g...