Chapter 19
---------------
LEE'S POV
"Pwede ba Matt? Umayos ka! Sumali sali ka sa team pero ayaw mo namang sumunod sa mga patakaran."-wika ko. Bigla naman syang tumawa sya.
"Bakit? Sa tingin mo ba ginusto kong sumali dito?"-seryoso niyang sabi. Napakunot noo naman ako.
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Hindi mo pala alam?"-he said then chuckled at tumigil sya sa paglalakad at hinarap ako.
"Hinugot ka lang ni Sojirouh bilang manager ng team diba? Tulad mo hinugot nya lang din ako kung saan. Lahat ng players ngayon ng team ay tulad lang natin. Hindi niya naman kasi inaasahan na mananalo sya sa pustahan."-seryoso nyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko. Hindi ko sya maintindihan. Akala ko miyembro talaga sya ng gang ni Sojirouh? Akala ko isang team talaga sila? Ibig sabihin hindi talaga sinasadya ni Sojirouh na manalo?
Nagulat ako nung biglang tumawa si Matt.
"Naguguluhan ka na no? Ganyan talaga kapag walang alam sa mga tulad namin."-sabi nya at nauna nang maglakad. Naiwan naman ako na naguguluhan.
"Teka!"-sigaw ko at napatigil naman sya sa paglalakad.
"Gusto kong malaman ang tungkol sa inyo. Pwede ka bang magkwento? Please?"-desperadang sabi ko. Unti unti naman syang lumingon sakin.
"Gusto mong may malaman?"-dahan dahan syang naglakad pabalik sakin habang sinasalubungan ako ng malademonyong ngiti. Kinabahan naman ako sa mga ngiti nyang yun. Unti unti naman akong napapahakbang paurong. Nakakatakot kasi talaga ang mukha niya.
"M-matt! U-umayos ka nga!"-nauutal kong sabi habang naurong. Hanggang sa makalapit sya sakin at bigla nya kong hinapit sa baywang at nilapit sa kanya. Sobrang kabado na ko. Ang lakas na ng tibok ng puso ko. Pilit akong kumakawala sa kanya pero masyado syang malakas.
"Sasabihin ko sayo ang tungkol samin pero sa isang kondisyon."-he said with a seductive voice. Napalunok ako. Ang lapit lapit ng mukha niya sa mukha ko! Baka sabihin ng mga nakakakita samin kung anong kababalaghang ginagawa namin dito sa daan.
"A-anong k-kondisyon?"-nauutal kong tanong.
=======
"*nom nom nom* BURRRRRPP!!"-malakas na pagdighay niya. Walang manners and right conduct talaga ang isang to! -_-
"Kainis ka din eno? Akala ko kung ano na yung kondisyong hinihingi mo, free dinner lang pala."-inis na sabi ko.
"Bakit? Kinabahan ka no? Hahaha. Gangster ako hindi rapist."-sagot niya saka nagtoothpick. Inirapan ko lang sya. Nandito kami sa isang convenience store at nilibre ko sya ng instant food kapalit ng pagkekwento niya.
"Huy! Ano na? Tapos ka na kumain kaya magkwento ka na."-utos ko. Kumuha pa sya ng isang toothpick at nagsimula nang magkwento.
"Ala una noon ng madaling araw pero nakatambay pa rin kami sa likod ng dati naming school."-panimula niya.
"Dati niyong school? Wait, you've said before na maliban sa Wolves ay hinugot lang kayong mga players ni Sojirouh kung saan diba? So it means na hindi talaga kayo taga-Elite?"-tanong ko. Tumango naman sya.
"Galing ako sa Black Eastern University."-seryosong sagot niya. Napanganga naman ako. All boys school ang eskwelahang iyon at halos lahat ng estudyante doon ay mga basagulero at gangster kaya ang mga teachers doon ay sumuko na. Wala na nga atang teachers ang nagtatangka pang pumasok dun eh? Hindi na kasi nila kinakaya ang mga estudyante doon. Hindi ko nga alam kung ano pa ang purpose ng eskwelahang iyon kung wala nang mga teachers para magturo roon.
BINABASA MO ANG
Never Play With The Gangsters
Dla nastolatkówLahat naman ata ng mga babae nangangarap ng isang maganda at mala-fairy tale na lovelife diba? Eh pano kung taliwas sa pinapangarap mong lovelife ang ibigay ni kupido? Magulo Walang katahimikan Laging nasa panganib ang buhay mo Papayag ka ba? Kung g...