Chapter 11
-------------
Sojirouh's POV
Pagbangon ko, ginulo ko agad yung buhok ko. Morning habit ko na.
Pagtingin ko sa sofa, wala na yung babaeng halimaw manghampas. Tumayo na ko at nag-unat pero napatigil ako bigla.
Bakit parang ang gaan na ng pakiramdam ko?
Inistretch ko yung kanang braso ko. Wala na yung sakit na iniinda ko kagabi. Pano nangyari yun? Eh pag ganitong may bali o may masakit sa katawan ko tumatagal yun ng ilang araw o minsan linggo pa.
Bigla naman akong napatingin sa mesa. Nagtaka ako bakit nandun pa din yung box ng strawberry cake at may nakaipit pa na papel.
'Hoy Sojirouh! Kung hinahanap mo ko, 'KUNG' lang naman ah? Umuwi na ko. Wala lang share ko lang. Wahaha. At iniwan ko na rin pala tong strawberry cake kasi napansin ko kagabi na ang lagkit ng tingin mo dito. PG ka talaga eno? Wahaha. Jukjuk lang. Baka mabeastmode ka na naman eh. At tsaka nga pala yung tungkol sa inyo ni Allison, wag kang mag-alala dahil wala naman akong pagsasabihan ng lahat ng nangyari at narinig ko kagabi basta sa isang kondisyon. Tigilan mo na kami ng mga kaibigan ko ok? Yun lang ang hinihingi ko. Malalaman ko ang sagot mo sa Lunes kapag hindi mo ko pinansin. That means pumapayag ka sa offer ko. At wag mong kalimutang ubusin yung cake ah? Mukha na syang creepy pero masarap yan. Gawa yan ng mom ko. Pakabusog ka MR. PG. Mabulunan ka sana. Belat =P -LEE :P'
Napailing na lang ako. Ang lakas ng sapak ng isang to. At yung penmanship nya...
...parang penmanship ng bakulaw. -__-
=====
Lee's POV
Waaaaaaaaaahhhh!!! Monday na!! Hell day!! T.T Kelan ba tayo magkakasundo ha Monday? Nagkakasundo lang tayo pag bakasyon. Tsk. Di ko man lang nasulit yung weekend ko! Bwisit kasi na Sojirouh yun! Pinuyat ako ng walangya! Eh kasi that saturday night, ang sarap na ng tulog ko nun eh. Yun na yung moment eh! Nang bigla ba naman akong nakarinig ng mga pagdaing at ungol. Nang bumangon ako, si Sojirouh pala yun. Dinadaing nya yung sakit ng kanang braso nya at pinagpapawisan pa sya ng matindi. Kaya naman binantayan at inalagaan ko sya ng buong magdamag na yun kaya puyat na puyat ako. Sobrang taas din kasi ng lagnat nya nun dala na rin siguro nung pananakit ng katawan nya at yung stress nya pa. Tapos para pa syang binabangungot ng gabing yun kasi panay ang sambit nya sa pangalan ni Allison na parang may nangyayaring masama dito. At dahil napuyat nga ko ng buong magdamag na yun, pag-uwi na pag-uwi ko sa bahay natulog agad ako at gabi na ko nagising. At dahil gabi na ko nagising, madaling araw na ko nakatulog ulit kaya puyat na naman! Huhuhu. Ang hirap talagang magpakabuti! TT.TT
"LEE!"
Paglingon ko, si Iska pala. Ang lapad ng ngiti nya. Masyado talagang energetic ang babaeng to. -.-
"Ang high mo ngayon ah? Nagshabu ka na naman no? =__="-bangag kong sabi. Eh inaantok pa talaga ako.
"Wow! Sino kaya satin ang mas mukhang nagdrugs? Eh you looks like bangag today no!"-sabi nya sabay roll eyes. Lalong sumasakit yung ulo ko sa kaconyohan ni Iska. >___<
"Bangag ka dyan."-pagtanggi ko.
"Weh? Di ka bangag? Sige nga, anong oras ang pasok mo today?"-tanong nya.
"7"-maikli kong sagot.
"Oh kitams! You're not listening eh! Kakasabi lang sa speaker na walang pasok! Sa dinami dami ng speakers na nakalagay dito sa Elite di mo na-hear?"-inis nyang sabi.
"Ah ganun ba? Sige. =__="-sabi ko sabay talikod at akmang aalis na.
"Oh? Where are you going?"
"Uuwi na. Matutulog ako ulit. Sabi mo walang pasok eh."-sagot ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/42818625-288-k869794.jpg)
BINABASA MO ANG
Never Play With The Gangsters
Fiksi RemajaLahat naman ata ng mga babae nangangarap ng isang maganda at mala-fairy tale na lovelife diba? Eh pano kung taliwas sa pinapangarap mong lovelife ang ibigay ni kupido? Magulo Walang katahimikan Laging nasa panganib ang buhay mo Papayag ka ba? Kung g...