Chapter 16
---------
Lee's Pov
"Ako? Manager?! Nyo?! Nahihibang ka na talaga! Magpaconfine ka na kaya sa mental? Sa tingin mo ba hindi ko alam ang trabaho ng isang manager ng isang team dito sa Elite? Taga-produce lahat ng kailangan ng mga players. In short, UTUSAN!!!"-pag-emphasize ko. Kala nya huh! Ano sya bentong? Ako? Utusan? At sa kanya pa? Eh for sure na pahihirapan nya lang ako para makaganti.
"You don't need to choose coz you only have one choice, obey my command."-sabi nya na parang inuutusan ako. Sinamaan ko lang sya ng tingin. Nagulat ako nung bigla syang lumapit papunta sakin. As in lapit! Halos magkadikit na kami.
"Remember that there's no turning back. Or else..."-at bigla syang nagbend down at akmang itatapat ang bibig nya sa tenga ko pero agad ko na syang tinulak palayo.
"Alam ko na yang pa-'or else-or else' mo! Mga kaibigan ko na naman ang pupuntiryahin mo! Oo na! Sige na panalo ka na! Gagawin ko na!"-inis kong sagot sa kanya na ikinatuwa naman nya.
"So guys, let's have a minutes of break! Iutos nyo na lahat sa kanya kung anong gusto niyo."-sabi nya sa mga players. Agad naman na nagsipuntahan sakin yung mga players. Langya! T_T
"Water."
"Cola please."
"Lee sakin sandwic---"-biglang napatigil si Ryuu dahil bigla syang hinarang ni Sojirouh.
"A hundred times of laps is enough for your punishment."-seryosong sabi ni Sojirouh kay Ryuu.
"ANO!? Isang daang ikot dito sa gym? Bro naman! Parang wala naman tayong pinagsamahan."-angal ni Ryuu na parang paiyak na. Haha.
"Ano bang sabi ko kapag late? Boss ka ba dito ha?"-sabi ni Sojirouh kay Ryuu.
"Hindi. Ako lang naman ang presidente ng Pilipinas kaya inuutusan kitang wag akong utusan. Wahahaha---Acckk!"-sabi ni Ryuu. Bigla kasi syang sinikmuraan ni Sojirouh gamit yung bola kaya naman pinagtawanan sya lalo nung iba.
"Tumakbo ka habang nagdidribble."-sabi ni Sojirouh sabay punta na sa upuan at nagpahinga. Kawawang Ryuu. Haha. Puro kalokohan kasi eh.
"Hey! I said bottled water."-sabi ng isang player.
"Oo saglit! Sayted? Wala pa nga akong listahan eh. Masasaulo ko ba lahat yan? Aish!"-sabi ko at saka kumuha ng papel at ballpen sa bag ko.
"Energy drink lang sakin."
"Burger and fries. Faster ah? Gutom na ko eh."
"Wow! Ano tingin mo sakin? Drive thru? Pag-order mo serve agad?"-inis kong sabi dun sa isa. Tss. Sora naman tong mga to!
Kinuha ko na lahat ng orders nila at saka ako pumunta kay Sojirouh para hingin yung pambili.
"Hoy Sojirouh!"-pagtawag ko sa kanya sabay lahad ng kamay.
"Dun ka sa Quiapo manlimos."-sagot nya sabay inom ng tubig. Aba namang!
"Hindi ako nanlilimos no! Hinihingi ko lang yung pambili nitong mga orders ng mga alaga mo!"-sagot ko.
"Ang sabi mo kanina ang manager ang taga-produce ng kailangan namin right?"-sabi nya.
"Ano?! Teka nga lang, diba producer ang tawag sa mga taga-produce? Edi ang manager taga-manage lang! Mmp!"-sabi ko. Baka sakaling makalusot. XD Wala na kaya akong pera. At tsaka ano yun? Uubusin ko yung allowance ko para sa kanila? Eh ako na nga yung inuutusan eh. -_-
"Tss."-sabi nya na lang at saka kinuha yung bag niya at kinuha yung wallet nya yata.
"Here."-sabi niya sabay abot ng credit card niya. Kinuha ko naman yun.
![](https://img.wattpad.com/cover/42818625-288-k869794.jpg)
BINABASA MO ANG
Never Play With The Gangsters
Novela JuvenilLahat naman ata ng mga babae nangangarap ng isang maganda at mala-fairy tale na lovelife diba? Eh pano kung taliwas sa pinapangarap mong lovelife ang ibigay ni kupido? Magulo Walang katahimikan Laging nasa panganib ang buhay mo Papayag ka ba? Kung g...