Chapter 1
-----------
Her Pov
"Hindi to pwede Pin! HINDI!!! Ano sya sinuswerte?!!"-nanggagalaiting sigaw ko.
"*sniff* Wag na Lee. A-ayos lang naman ako eh *sniff*"-sagot ni Pin.
"Yang itsura mo ngayong yan ayos? Sure ka?"-sabay irap ni Iska sa sobrang inis na rin. Tinutukoy niya ngayon yung itsura ni Pin. Halos mamaga na yung mata sa kakaiyak. Halos di na rin sya makahinga.
"Hayst! Sorry to say this Pin pero... kailangan mo na talagang gumising sa katotohanan."-sabi ni Noie sabay ayos ng malaking nerd glass niya.
"Sabihin mo samin kung nasan siya ngayon."-seryosong sabi ko. Masyado ng inubos ng gunggong na yun ang pasensya ko!
"L-lee..."
"Kung ayaw mong matapos dito ang pagkakaibigan natin..."
Lahat sila nagulat sa sinabi ko. Pero hindi ko naman kayang gawin yun no!
===
Papunta kami ngayon sa isang bar na tinuro samin ni Pin kung nasan ang exboyfriend niyang kumag. Kaming tatlo lang. Iniwan na namin si Pin sa bahay nila. Masyado pang masakit para sa kanya kung makikita niya ulit yung mukhang kurikong na yun na nakipagbreak sa kanya matapos ibigay lahat sa kanya ni Pin. (I mean ibinigay lahat pwera yung mga kiss yung mga ganon. Conservative si Pin nuh.)
"Uhmm Lee? Sure ka bang susugudin natin yung Mark na yun?"-tanong ni Iska.
"Hindi naman natin sya susugudin eh. Kakausapin lang. Pero pagpinuno nya ko, mapapaaga ang goodbye Philippines nya."-sagot ko. Yabang eno? XD
====
-ELITE's BAR-
Wow! Ang ganda! Anong meron ngayon sa E-Bar? Nga pala, itong E-Bar o Elite's Bar ay pagmamay-ari ng school namin. Ang ELITE University. Pinasadyang gawin to para sa mga estudyante ng Elite na mahilig gumimik. Ang alam ko bawal ang outsider dito. Tanging mga estudyante lang ng Elite ang pwede.
Sa tuwing napapapunta ako dito sa Mystic bar, halos lumuluwa yung mata ko. Shete lang kasi sa ganda! Though tulad naman sya nung mga normal na bar pero masyado ata tong malaki at maganda para sa isang normal na bar. Napakarami ring tao ngayon. Anong meron?
"Ano kayang meron?"-tanong ko.
"Ngayon ata yung party para kay Sojirouh Shinawon."-sagot ni Noie. Nung narinig ko yung pangalang yun, kinilabutan ako. Sikat kasi yun. Sikat na gangster!
"Hindi ba yun yung pangalan na madalas nating naririnig sa mga school mate natin? Yung..."
"Yung sikat na gangster na marami nang napatay na kaaway niya."-seryosong sabi ni Noie. Lalo tuloy akong kinilabutan.
"Eh bakit sya nandito? Sa kabilang branch ng Elite yun nag-aaral diba?"-tanong ko.
"Yun ang hindi ko alam. Kaya nga maraming tao eh. Kasi may announcement tungkol kay Sojirouh Shinawon."-sagot ni Noie.
"Teka, maiba tayo. Nasan na ba si Iska?"-tanong ko sabay ikot ng paningin ko para hanapin siya. Infairness ang hirap maghanap. Ang dilim e -.-
"San pa nga ba."-sabay turo ni Noie sa isang direksyon. Nakita namin sya sa isang high stool na may kausap na mga guySSSSS. Napailing na lang kami. As always! Hindi mo rin naman mapagkakailang lapitin sya ng mga lalake. Maganda kasi si Iska. Tapos fashionista pa. Tulad ngayon na naka red dress sya na maiksi na long sleeves at fitted sa kanya. Tapos nakalugay yung curly nyang buhok. Mahilig sa mga ganito si Iska, yung gumimik. Ewan ko ba dyan. Napunta naman kami sa mga bar pero sobrang bihira lang. Pag mood ko lang. Ayoko kasi sa mga masyadong maingay.
![](https://img.wattpad.com/cover/42818625-288-k869794.jpg)
BINABASA MO ANG
Never Play With The Gangsters
Teen FictionLahat naman ata ng mga babae nangangarap ng isang maganda at mala-fairy tale na lovelife diba? Eh pano kung taliwas sa pinapangarap mong lovelife ang ibigay ni kupido? Magulo Walang katahimikan Laging nasa panganib ang buhay mo Papayag ka ba? Kung g...