Chapter 17- Mahirap Nga Kasing Magmove On!

36 3 0
                                    

Chapter 17





-----------







Lee's Pov




=_=

=_o

o_o

Nasan ako? Nasisilaw ako sa puting ilaw na tumatama sa mukha ko. Nasan na ba ako? Bakit parang masyadong maliwanag? Nasa langit na ba ako?

"Lee..."-pagtawag ng isang boses at may isang mukha akong naaaninag. Ang labo ng paningin ko.

"S-san Pedro? I-ikaw na ba yan? Kukunin mo na ba ko?"-medyo nanghihina ko pang sabi.

"Lee!"-at may isa na namang tinig ang tumawag sakin.

"Aso ni San Roque?"-tanong ko.

"PFT. Oo Lee sya nga yung aso ni San Roque. Hahahaha."-teka, boses ni Shawn yun ah?

"Bakit kamukha niya si Ryuu---ARAY!"-bigla akong kinurot ng aso ni San Roque. >.<

"Hoy Lee! Ang lakas mo maghallucinate ah! Anong aso ni San Roque? Sabihin mo lang kung may galit ka sakin!"-boses ni Ryuu yun. At nakarinig pa ko ng mga nagtatawanan. Teka, unti unti nang lumilinaw ang paningin ko.

0_0

Bigla akong napabangon.

"Shawn? Ryuu? Chase? Anong ginagawa niyo dito?"-gulat kong tanong. Di naman sila sumagot dahil hanggang ngayon nagpipigil pa rin sila ng tawa at si Ryuu naman ayaw talagang sumagot.

"Hoy Ryuu sagutin mo ko!!"

"Aso nga ako ni San Roque diba? San ka nakakita ng asong nagsasalita?"-mataray nyang sagot.

"Nandito tayo sa school clinic. Sinalo kasi ng mukha mo yung bola."-napatingin ako sa sumagot. Si Spencer pala na seryosong nagbabasa sa may sofa. Teka, nandito halos lahat ng members ng Wolves. Eh nasaan si---?

"Wala ka ba talagang naaalala Lee?"-tanong ni Shawn. Umiling naman ako.

"Ay teka! Meron pala. Ang huling naaalala ko lang ay yung biglang may tumawag sakin at paglingon ko, may nakita akong lumilipad na....BOLA! Oo bola! Grrr! SINO NGA PALANG ABNORMAL ANG BUMATO NUN?!"-sigaw ko. Nagtinginan naman silang lahat kay Ryuu.

"Putcha! Sabi ko walang laglagan eh!"-sigaw ni Ryuu dun sa tatlo at akma pang mangbabato ng upuan.

"Ah Lee, hehe. Ano kasi... ^.^7"

"Ano?"

"Hehe. Ano... Nadulas kasi sa kamay ko? Heheh---AHHHHHH"-sigaw ni Ryuu dahil bigla ko na syang hinablot at sinakal-sakal.

"Hoy!"-natatarantang pag-awat nila Shawn at Chase sakin.

"ABNORMAL KA! ANONG NADULAS SA KAMAY MO? ANG LAYO LAYO AT ANG TAAS TAAS NA NGA NG PWESTO KO!!"-sigaw ko.

"Eh hindi ko naman sinasadya eh. >O<"-sagot nya.

"Ano?! Eh kung tapusin ko kaya yang buhay mo tapos sabihin ko ring di ko sinasadya?! Ha?!"-sigaw ko.

"Hoy tama na yan!"-patuloy na pag-awat nung dalawa sakin. Agad ko rin namang binitawan si Ryuu.

"Walangya ka Ryuu ang sakit sakit ng mukha ko alam mo ba yun? Ha?"-sigaw ko.

"Ang sakit sakit din ng leeg ko alam mo rin ba yun? Ha?"-sigaw nya din habang nakahawak sya sa leeg niya na sinakal-sakal ko.

"Aba namang nasagot ka pa!"-at akma ko syang lalapitan at akma na rin syang tatakbo pero agad naman akong pinigilan nung dalawa.

Never Play With The GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon