Chapter 9- (Part 2) Wala talagang Poreber XD

59 4 0
                                    

Chapter 9

--------------



Lee's Pov



Hanggang ngayon sabaw na sabaw pa din yung utak ko. Di kasi ako makapaniwala na may relasyon pala si Sojirouh at Allison Smith. Di ko kasi akalain na may something pala sa kanila. Wala kasi sa itsura nila ang mayroong karelasyon lalo na si Allison. Sikat sya kaya dapat maraming nakakaalam na may karelasyon siya and besides sikat din ang pamilya ni Sojirouh kaya ang dali-dali lang nilang mahuling dalawa. Lalo na sa mga paparazzi. Makukulit kaya ang mga yun! Wow lang ah at ang galing nilang magtago kaya miski paparazzi walang alam. Halos walang media nga ang nagbabalitang sila. O baka naman binabayaran nila para wag na ilabas ang balita? Hanep pera-pera na lang talaga ang usapan ngayon.

Kaya pala parang may iba kay Sojirouh when it comes sa usapang sikreto. Dahil sila pala ng sikat na model na yun. Nakakapagtaka nga lang na yung ibang gangster nananakit ng mga babae physically pero siya hindi, emotionally nga lang dahil nga daw playboy siya. Pero ngayon mukhang naiintindihan ko naman kung bakit sya playboy eh. Syempre kunwari playboy na walang sineseryoso para hindi malaman ng iba especially ng mga kaaway nya na may sineseryoso sya.

Teka....

Eto yung malaking sikreto ni Sojirouh na takot syang malaman ng mga kaaway nya. Eh kaaway nya din ako eh? So I can use it against him para tigilan nya na kami? NO WAY! ERASE ERASE!! Ayokong may madamay na iba and besides buhay ni Allison ang nakasalalay pag binunyag ko sila. Ayoko nun! Hindi ako ganung klaseng tao! Amp! Makapunta na nga kila Pin! Maghahanap na muna ako ng taxi. Masyado nang nagagamit ang utak ko ngayon. Kailangan ko pang magtira para sa Lunes X) Dakilang shunga pa naman ako sa recitation. Amp. T3T

Habang naglalakad ako para maghanap ng taxi, tinext ko na agad si mommy na dun na lang muna ako kila Pin matutulog. 10 pm na din kasi and besides Saturday naman eh.

"Hi miss! Gabi na ah? Bakit naglalakad ka pa?"-tumingin ako ng masama dun sa lalake.

"Malamang! Ano gusto mo? Gumapang ako pauwi? Tss!"-sabi ko sabay roll eyes sa mukhang pervert na kumag na to.

"Alam mo ayoko sa lahat yung mga malditang tulad mo eh!"-inis nyang sabi. Beastmode~~~ Wahahaha.

"So ano sa tingin mo? Gusto kita? Umayos ka brad baka di kita matantya!"-inis kong sabi. Binabadtrip ako lalo eh! Sabaw na nga yung utak ko eh tapos mambabadtrip pa! Tss. Bigla naman akong napatingin sa suot nya. Napatawa naman ako kaya nagtaka siya.

"Leather jacket pa more! Galawang FPJ tayo no? Huwahahahaha! XD"-sabi ko at walang humpay na tumawa. Nabeastmode naman siya kaya...

"Aba namang----"-sasapakin nya na sana ako pero may lalakeng dumaan sa likod nya at nabangga sya.

"Hoy! Wala ka bang mata?!"-sigaw netong si epal boy dun sa bumunggo sa kanya. Pero dire-diretso lang yung lalake na parang walang narinig. Teka! Si Sojirouh yun! Ay grabe! Likod pa lang alam ko na? So ano meron Lee? -.-

"Hoy!"-sigaw ulit ni epal boy. Pero parang wala talagang naririnig si Sojirouh kaya dire-diretso lakad pa din sya. At dahil dun, nabeastmode lalo tong si epal boy kaya hinabol nya si Sojirouh at nung maabutan nya ay hinarap nya ito agad sa kanya at saka sinalubungan ng suntok sa mukha si Sojirouh.

HINDEEEEEEEEE!!! (Charot. Teleserye lang ampeg? XD)

O.O

Napatanga ako sa sobrang gulat ko sa pagsuntok ni Epal boy kay Sojirouh. Nakadrugs ba ng sampung kaban ng shabu tong si epal boy?!! Si Sojirouh pa talaga ang binangga nya! Nakapag-file na ba sya sa punerarya? Maryosep!

Sa pagsuntok na yun ni Epal boy ay nagising sa pagkatulala si Sojirouh. Parang hindi nya alam ang nangyayari sa present. Pero nung magising sya sa pagkatulala at nung makita nya si Epal boy at narealize nyang sinuntok sya nito ay agad nya itong hinila sa kwelyo at pinaulanan ng suntok. Yan na nga bang sinasabi ko eh! Naman oh!!

Never Play With The GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon