Chapter 3

125K 1.8K 19
                                        

Published: June 18, 2013

CHAPTER 3

TIMMY GIANNE's POV

            Ano ba 'to?  Tama bang pasukin ko 'to?  Tama bang magpakasal ako kay Xial kahit hindi naman kami nagmamahalan?! Hay nako, Timmy!  Kaya nga business lang!  'Wag ka ngang asa!  Pero malaking tulong 'to sa akin. At least parang professional 'pokpok' lang ang dating?! Shit lang! Please naman, Lord, tulungan mo naman po ako mag-isip.  Dapat ko bang tanggapin ang business proposal ni Xial?  Pero may nangyari na sa amin before, 'di kaya maulit 'yun?  Ano ba 'yan?  Sorry po.  Dapat one at a time lang ang mga tanong ko. Pero opportunity 'to para makaipon nang maayos.  Bahala na nga si Batman!  Itutulog ko na lang 'to.

~~

            Kinagabihan, tulad nang napag-usapan ay muli nga kaming nagkita ni Xial sa club para pag-usapan ang business proposal niya.

            "So?"  Panimula pa ni Xial.  Nasa likurang bahagi kami ng club kung saan nan'don ang park at nakaupo sa isang stone bench doon.  "Have you figure it out already?"

          Humugot ako nang isang malalim na buntong-hininga at kagat-labing tumitig kay Xial.  "'Yung pagpe-pretend ba nating mag-asawa kung sakali, isasabuhay ba natin?"  Napangiwi ako at 'di ko alam kung tama bang itanong iyon.

            "Isasabuhay?"  Kunot-noo pa siya.  "You're asking if we'll act like real husband and wife?"

          "P-parang gan'un nga 'yung tanong ko..."  Alanganin pa ring sagot ko lalo pa nga't iba ang tumatakbo sa utak ko.

            "Yes, we have to, when there are people around."  Bahagya pa siyang tumango at diretso akong tiningnan sa mukha.  "Pero of course, we'll be civil like this kapag tayong dalawa na lang."

          "Ah okay..."  Napakamot ako ng ulo dahil isip ko'y kahit ang ginagawa nang totoong mag-asawa ay gagawin rin namin.  Professional prostitute lang talaga ang dating ko kapag nagkataon  at wala na rin akong ipinagkaiba kay Lara.  "Sige, payag na ako."  Alanganin pa rin akong ngumiti.  "Parang empleyado mo lang ako. For how long?"

          "I still don't know yet pero basta matapos lang ang transfer ng lahat ng mga inheritance ko, we can move on with our normal lives."  Paniniguro pa niya.

            Tumango lang ako sa sinabi niyang iyon bago ulit magtanong.  "So, when do we start?"

            Napangiti lang si Xial sa tanong kong iyon.  Mukha naman siyang mabait at hindi naman siguro niya ako aabusuhin. Timing na rin ang dating niya sa buhay ko sa oras na higit ko iyong kailangan.

~~

            Kaya naman kinabukasan ay muli kaming nagkita sa isang mall tulad nang gusto niyang mangyari.

            "A-anong gagawin natin dito?"  Tanong ko pa kay Xial na noo'y casual lang din sa suot nitong t-shirt at maong.  At kahit pa gan'un lang kasimple ang suot niya ay hindi pa rin maikakaila ang taglay niyang kagwapuhan.

            "We'll buy you new clothes."  Tipid namang sagot lang niya.

          "Huh?"  Wala pa ako sa sariling napatingin sa suot kong damit.  Naka skinny jeans at body hugging blouse ako.  Maayos naman ang suot ko at akma rin naman sa suot niya.  Bakit bibilhan pa ako ng damit?  "'Di pa ba ayos ang suot ko?"  Takang tanong ko pa.

MARRIED TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon