Chapter 19.1.4

79.6K 1.5K 38
                                        

CHAPTER 19.1.4

XIAL ANDREW's POV

Nang mga sumunod na araw ay tinupad ko ang mga ipinangako ko kay Timmy. Madalas pa rin akong pumupunta sa mansion kahit pa ipinagtatabuyan ako ng mga guards doon.

"Please... I just want to talk to Timmy... Please..." sumamo ko pa kahit na nga paulit-ulit na lang din ako nang sinasabi. Ginagawa kong lahat dahil kahit na hindi ko nakakaharap ang parents ni Timmy ay alam kong nakikita nila ako sa CCTV.

"Xial," si Don Julio!

"Good evening po, Tito..." Tumango ako at base sa hitsura niya ay mukhang galit. Tiim bagang siya habang matalim na nakatitig sa akin.

"Nakakagulo ka na rito. Aware ka ba?" nakakunot-noo pa nitong tanong.

"I'm sorry po, pero gusto ko lang naman po makausap si Timmy."

"How many times do I have to tell you to leave my daughter alone?!" alsa-boses pa niyang sabi.

"I am so sorry to disappoint you, Tito, but..." Bumuntong-hininga ako at diretsong nakipagtitigan sa kanya. "...there is no way I am letting her go. I love Timmy. I love her very much. And, I am willing to do everything for her."

"Then you should stop right now because she's letting you go," sabi pa niya sabay ngisi.

"Ano pong ibig ninyong sabihin?"

"She's marrying Don Alberto's son... Anton. I think you've met him at the party, right?"

"That's not true," tiim bagang ko pang sabi. Kinuyom ko ang aking palad upang pigilan ang emosyon.

"She's not here right now. She had a date with Anton," he said in as-a-matter-of-fact tone. "You can wait right here and see it yourself." Nakakaloko pa siyang ngumiti sabay talikod.

Para akong tinulos sa aking kinakatayuan sa mga pagkakataong iyon. Hindi pa rin kami nagkikita ulit ni Timmy at wala rin kaming komunikasyon sa isa't-isa kaya't wala akong alam.

Ilang beses akong nagpalakad lakad sa harapan ng kanilang mansion. Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan ang sinabi ni Don Julio.

What the fuck am I doing? Maghihintay ba talaga ako dito? Should I really do this? Damn! 

I didn't know what came over me, but I couldn't help it. Masyado akong na-curious sa sinabi ni Don Julio. Seriously? She's having a date with that guy?! That guy I couldn't even remember the fucking name!

I waited for hours... Kahit parang doubtful ako, naghintay pa rin ako habang ang mga siraulong guards d'un ay panay nakakalokong ngiti lang sa akin! I wanted to beat those bastards! But I needed to control myself because I am at their territory!

"Sir, ayan na po si Senyorita Timmy," nakakalokong sabi pa n'ung gagong guard! Tadyakan ko kaya sa mukha ang gagong 'to!

Lumingon ako sa direksyong tinitingnan ng kanyang mata. He's right. Agad kong nakita si Timmy na nakasakay sa passenger side. Top down ang sasakyan n'ung guy, whatever his name is. Pa-impress ang gago!

Agad kong nasalubong ang titig ni Timmy na para bang hindi inaasahang makikita ako roon.

Lumapit ako sa sasakyan and yeah, I am so jealous! Very, very, very jealous! Gusto kong pumatay ng tao!

"Hey, Bro!" nakangising bati pa noong lalaking nasa driver's seat. Maka-bro 'to, ah! Hindi ko naman siya kilala!

"Anong ginagawa mo rito?" tanong agad ni Timmy sa akin. Sa tono pa lang ng boses niya ay sobrang nag-aalala siya.

MARRIED TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon