Chapter 12.3.4

82.3K 1.6K 37
                                        

Published: August 26, 2013

CHAPTER 12.3.4

XIAL ANDREW's POV

Saglit akong lumayo kay Timmy dahil pakiramdam ko ay nakakalimutan kong may ibang tao sa tuwing magdidikit kaming dalawa. Lumapit ako kay Riche na noo'y abalang pinapanood sina Timmy at Gerald. May hawak siyang beer sa kanyang kanang kamay.

"What is going on with your mind, Bro?" kunot-noo pa niyang tanong sabay tingin sa direksyon ng aking asawa.

"What do you mean?" Kumunot ako at tumingin din sa direksyon nila Timmy at Gerald. Hindi ko maiwasang magselos sa instant closeness nilang dalawa. At kahit pa alam kong mahal ako ng aking asawa ay mahirap pa ring makita siyang ngumingiti dahil sa kagagawan ng ibang lalaki.

"Look, galing sa club si Timmy, we both knew that," seryoso pang aniya. "It's okay that you enjoyed having sex with her, but to fall in love with her, I think that's plain stupid!"

"She's not a prostitute, okay?" depensa ko pa. Hindi ko rin nagawang itago ang iritasyon.

"Sa club pa rin siya galing at wala siyang pinagkaiba kay Lara!" may panermong sabi pa niya.

"Magkaiba sila ni Lara, okay?" Sinamaan ko siya nang tingin at agad naman siyang umiling-iling.

"No, Bro, the fact na pumayag siya sa kasunduan n'yo, hindi gawain nang matinong babae 'yun. And, for sure, ang daming lalaki na ang nagdaan sa kanya."

Napatikhim ako at hindi ko alam kung tama nga bang magsabi ako sa kanya. But he was my friend for a long time. Ayokong pinag-iisipan niya nang gan'un ang babaeng minamahal ko.

"Nagkakamali ka, hindi gan'un si Timmy," mariing sabi ko pa.

"What makes you think na hindi siya gan'un?! Gumising ka nga!" Umismid pa siya sabay malakas pa niya iyong sinapak sa balikat.

"Like I said, hindi siya gan'un," iritang sabi ko pa at kaunti na lang ay mukhang masusuntok ko na siya.

"How can you be so sure about that? Hindi mo naman siya kilala, diba?"

Pinaningkitan ko siya at nagpigil nang inis. "She's a virgin nang makuha ko siya!" medyo pabulong pang sabi ko. I have no plan on telling him about it, but he wouldn't shut-up. I seriously wanted to injure him right now. "So, shut the fuck up."

"Really?" Nanlalaki pa ang mga mata niyang tumitig sa akin. "Virgin siya? No fvking way!" Hindi pa makapaniwalang ibinalik ulit niya ang tingin sa asawa ko.

"Keep your voice low, asshole!" mariin ko pang saway sa kanya at agad naman siyang humalakhak.

"Alright, that is something I did not expect. Pero hindi mo pa rin maiaalis sa akin na mag-isip nang hindi maganda sa kanya. Tingnan mo nga kung gaano siya kalapit sa lalaki. Ni hindi man lang naiisip na nasa paligid ka lang at panay ang pakikipagharutan kay Geh." Inginuso pa niya ang dalawa na noo'y nagtatawanan habang nagtuturo si Gerald nang tamang posisyon sa paglalangoy. He wasn't touching her but she was smiling widely.

"They've known each other since honeymoon days namin sa L.A." paliwanag ko pa. Hindi makakatulong ang pagseselos ko.

"And, what?" Kumunot siya. "All of a sudden, bestfriends na?" Ngumisi siya na para bang hindi kumbinsido. Itinikom ko ang labi ko at nagpigil na bigwasan siya sa mukha. "I am just warning you, bro. Mas marami pa ring matinong babae sa paligid mo. At si Timmy? Parte lang nang isang kasunduan. Eventually, kapag nalutas na lahat ng problema mo sa mana, dapat mo na siyang hiwalayan."

MARRIED TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon