Published: June 26, 2013
CHAPTER 5.1.2
XIAL ANDREW's POV
Mabilis na lumipas ang mga araw. Matapos na maisaayos namin ang lahat ay dumating na nga ang araw na pinakahihintay namin ni Timmy. Ang araw ng aming kasal.
And as planned, engrande ang aming naging kasal. Timmy was a little uncomfortable dahil walang alam ang kahit sino sa pamilya niya sa ginawa naming pagpapakasal.
Hawak-kamay kami ni Timmy na nag-iikot sa mga tables doon nang may biglang kumalabit sa akin sa likod. Lumingon ako at gan'un na lang ang gulat ko sa pagkakita sa kanyang mukha. Si Marj!
"Congratulations..." Bati pa niya at sa totoo lang ay hindi ko alam ang dapat na maramdaman. It's been three years.
"Marj, hey." Bati ko rin naman at wala pa ako sa sarili na binitiwan ang kamay ni Timmy.
"I'm happy for you." Mapait pang sabi niya at nangingilid ang kanyang luha.
"T-thanks..." Pinilit kong ngumiti at hindi ko pa rin alam sa dapat na maramdaman. She's my ex girlfriend. "By the way, this is my w-wife, Timmy." Baling ko pa kay Timmy na tipid lang na ngumiti. Alam kong hindi pa rin nagsink-in sa kanya ang mga nangyayari at kanina pa rin siya tulala.
"Oh, hi," mapaklang bati naman ni Marj na agad na nagpunas ng luha sa kanyang mga mata. "I am Marj, Xi's friend. Congrats."
"Thank you." Alanganin namang ngumiti si Timmy. I think nahuhulaan na niya kung sino si Marj.
"You look great together." Naiiyak pang sabi niya and my heart twitched in pain. Why is she crying?
"Marj..."
"I need to run. I just drop by to congratulate you. I need to attend to a very important errand." Paliwanag pa niya at alam kong hindi totoo 'yun. She came to see me.
"Kumain ka muna." Kaswal na sabi pa ni Timmy.
"Thanks. But no, thanks." Mabilis rin namang tanggi niya at bahagyang umiling. "I'm full. Again, congratulations."
"Oh, t-thank you." Sabi na lang ni Timmy na alanganin pa akong nilingon.
"I really need to go." Muli ay paalam niya.
Ngunit bago pa man makahakbang palayo si Marj ay agad na nagkalatukan ang mga baso't pinggan at naghiyawan ng 'kiss'.
Nagkatinginan lang kami ni Timmy at parehas na nag-aalangan. Not with Marj infront of us. Shit.
"Okay lang Xial, kahit hindi-" Alanganin pang bulong ni Timmy at nababasa ko na rin ang ibig niyang sabihin. Marj is crying.
"I have too." Mapait akong ngumiti at mahigpit ko siyang hinapit sa baywang. Lalong lumakas ang tunog ng mga baso at pinggan at puno pa rin nang pag-aalangan si Timmy. Yumuko ako at banayad ko siyang hinalikan sa labi.
Napuno nang sigawan ang venue kasabay nang malakas ding palakpakan.
At nang putulin ko ang halik na iyon ay si Marj agad ang aking hinanap. But she's gone. Napabuntong-hininga ako at mapait na ngumiti lang kay Timmy.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO YOU
General FictionHindi inaasahan ni Xial Andrew na sa isang club siya dadalhin ng kaibigang si Riche. At kahit pa hindi naman talaga siya pumupunta sa ganoong lugar ay sinakyan na lang niya ang trip nito at doon nga ay nakilala si Timmy. Si Timmy na unang beses pa...
