Chapter 1.1.3

223K 2.5K 26
                                        

Published: June 6, 2013

As of November 18, 2015

This is just an edited version.  Kahit pa edited, 'di pa rin po ako masyadong sure sa grammar at spelling po.  Basta madaanan ng mga mata ko kasi hahaha.  Pasensya na.  Tiyaga lang.  


Old A/N:

Sobrang sinipag lang  ako today hahaha teaser lang 'to.  Masusundan na lang kapag end na ang NOL.  Pasensya na po sa way of writing ko ng POV.  I did my best, but I guess my best wasn't good enough... kumanta lang talaga hahaha you're free to delete this on your RL. I don't want to disappoint anyone.

Ang theme song po ng story na ito ay "ALL MY LIFE" ni Sam Milby.  Ewan ko ba, basta Toni Gonzaga at Sam Milby song lakas ng dating sa akin talaga hehe

anyways, haba na ng emote! Like i said, after pa ng ending ng NOL ang kasunod nito.  Salamat po!

********

CHAPTER 1.1.3   

TIMMY GIANNE's POV

Nanlalamig ako at hindi mapakali. Hindi ko alam kung tama bang nandito ako sa club na 'to.  Kaso naman ay wala rin akong pagpipilian at mas malaki ang kikitain ko dito.  Kapit na lang talaga sa patalim at kailangan ko makapag-ipon para kay nanay.   

Pero grabe, ano ba 'tong pinasuot ni Lara sa akin?!  Kulang na lang ay hubaran niya ako a!  Talaga bang ganito ang suot ng GRO? Seryoso? 

            "Timmy!"  Speaking of the devil! Nakangisi pa siyang lumapit sa akin habang sinisipat ako mula ulo hanggang paa.

          "Hoy!"  Mabilis ko siyang sinalubong at inis na hinarap.  "Kailangan ba talagang ganito ang suot ko?!  Wala na bang mas maikli pa dito?!"  Nag-angat ako ng kilay at parang binalewala lang din ang sinabi ko.

            "'Wag kang umarte 'no!" Umismid pa siya at ngumuso.  Kung 'di ko lang talaga kailangan mag-doble kayod ngayon, hinding-hindi ko talaga papasukin ang trabaho na 'to.  Kaso walang choice dahil walang panggamot ang nanay sa alta-presyon niya at wala ring pang tuition si bunso.  "As if naman may choice ka!  So far, ito lang ang work na bagay sa ating dalawa!"  She's right.  Sa katulad naming mahirap at salat sa buhay, wala kaming karapatang umarte at mamili nang trabaho lalo pa nga't 'di pa rin ako nakakatapos sa kolehiyo.  Paputol-putol nga din ang pag-aaral ko dahil iniraraos ko lang.

            "Tama ba 'tong pinapasok ko?"  Sa totoo lang, hindi pa rin talaga ako komportable. Lahat na yata nang klase nang trabaho pinasok ko pero ito ang unang beses na pumasok ako sa club at walang alam si nanay dito.  Panigurado, 'di rin siya papayag.

            "Look, Timmy,"  Inakbayan pa ako ni Lara.  Matagal ko ng kaibigan si Lara.  Tulad ko, hirap din siya sa buhay.  Pero simula nang magtrabaho sa club ang bruhang 'to, parang mas umayos talaga ang buhay niya. Iyon nga lang, 'di ko kaya ang ginagawa niya. Sumasama at nakikipag-sex sa iba't-ibang lalaki para lang kumita nang malaki.  "Sa umpisa lang naman mahirap 'to pero believe me, masasanay ka rin, okay?"  Kita mo 'to?  Talagang gusto pa akong idamay ako sa klase nang buhay niya!  Ibang klase rin e.

            "Bahala na!"  Sagot ko na lang kahit sa totoo lang ay kumakalabog talaga ang dibdib ko sa kaba. 

            "D'un ka pumuwesto sa may bar."  Turo pa niya.  "For sure, magkakagulo ang mga lalaking lalapit sa'yo!"  Masayang sabi pa niya at napaikot na lang ako ng mga mata.

          "GRO ba talaga ang tawag sa papasukan kong trabaho?"  Sita ko pa at parang napipilitan naman siyang tumango.  

            "D'un ka komportable diba?  So 'wag ka na umarte pa!"  Nakairap pang sabi niya sabay walk-out.  At gan'un na lang din ang panlalaki ng mga mata ko nang mapagmasdan ang kanyang suot.  Kulang na lang ay makita na ang kanyang yaman sa napaka-ikli niyang skirt.  Na tipong kapag naupo ay litaw na talaga ang panty niya! Ano nga ba 'tong pinasok mo Timmy Gianne?!

MARRIED TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon