Chapter 18.1.2

81.6K 1.5K 27
                                        

CHAPTER 18.1.2

XIAL ANDREW's POV

            May kung ilang araw na nawalan kami ng komunikasyon ni Timmy. Hindi ko alam kung kinumpiska ba ng parents niya ang kanyang cellphone o talagang pinagbawalan siyang kausapin ako. Hindi ko tuloy malaman kung ano bang puwedeng gawin makita lang ang aking asawa.  Minsan rin kasi akong sumubok na puntahan siya sa mansion pero nabigo ako dahil bantay sarado ang bawat sulok ng mansion.

            "Xial, hijo!"  That's my mother-in-law, Nanay Amelia. I am so helpless. I needed someone to vent out my frustrations.

            "Nay, kumusta?"  bati ko pa sabay abot sa kanyang kamay para magmano.  Without my wife knowledge, I still visited Nanay Amelia from time to time.  Ganito ako kaseryoso sa asawa  ko. Pinapahalagahan ko rin ang mga taong importante sa kanya.

            "Okay lang naman kami."  Maluwag ang pagkakangiti niya.  I think wala siyang idea sa nagaganap sa amin ng anak niya.  "Kumusta na kayo ni Timmy?  Okay na okay na ba ulit kayo?"  nakangiting tanong pa niya sabay hila sa akin papasok sa kanilang maliit na tindahan at agad akong tinapatan ng electric fan.

            I took a deep sigh before I even speak. I had a lot in my mind.

            "That... not really, 'Nay..."  Bahagya akong napangiwi. I couldn't deny any of these. Agad ring nabago ang kanyang aura.

            "Huh?  Bakit? Ano na naman ang naging problema ninyo?" alala pang tanong niya habang nakakunot-noo.

            "Alam na po ng parents niya ang tungkol sa kasunduan namin ni Timmy noon,"  malungkot na kuwento ko pa.  "And, because of that, inilayo na po nila sa akin si Timmy."

          "Huh?"  Sa mukha pa lang, alam kong nag-aalala siya para kay Timmy. Ilang days ko pa lang siyang hindi nakikita, it felt like years.  "Problema nga 'yan. Anong puwede kong maitulong?"

          "Iyon nga po, 'Nay, baka po puwedeng matulungan n'yo kaming magkita kasi po kayo lang ang makakalapit sa kanya nang walang hirap..." This was embarassing but I needed this. I needed to take chances just to be with my wife.

            "Hmm..."  Malalim pa siyang napaisip.  It's a risk I needed to take para makita lang si honey.  "Naisip mo bang puwede ring magalit sa akin ang mga magulang niya kapag tinulugan kita?"

            "Opo..."  nahihiya pa akong tumango. Kinapalan ko na nga lang ang mukha ko.  Pero wala naman na akong maisip na iba pang paraan.  "Sorry po, 'Nay. I just don't know what to do." At iyon naman ang totoo. Asking her help would be the best option for now.

            "Hmm..."  Malalim ulit siyang napaisip. She seemed to be weighing the situation. I really hoped she would reconsider. "Wala kayong komunikasyon?"

            "I tried to contact her many times, pero mukha pong nakapatay ang cp niya."  I am really desperate.

            "Sige, tawagan kita kapag may naisip na ako," sabi pa niya sabay tipid na ngumiti.  "Pero seryoso ka na ba talaga sa anak ko?  Baka naman dahil sa mana pa rin 'yan?" may panermon pang himig niya.

          "Hindi po."  Umiling ako.  Contented naman na ako kay Timmy.  Kahit na hindi ko man makuha ang inheritance ko, I really don't give a damn.

            "Sige, tawagan kita.  Akong bahala." 

Kulang na lang ay mapasuntok ako sa hangin sa kaligayahan. Alam kong malaking bagay ang hinihiling ko sa kanya.

MARRIED TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon