Published: July 2, 2013
Old A/N:
Dedicated to Chel! :) nakakaaliw siya mag-comment, kahit na ganung comment lang masarap na sa puso hehe salamat at pinapasaya mo ang puso ko... :) God bless po!
********
CHAPTER 6.1.3
XIAL ANDREW's POV
Kinabukasan ay maaga ang aming naging flight para sa kunwaring honeymoon namin sa California. Our travel time almost took 15 excruciating hours. Ang sakit talaga sa katawan! Mabuti pa 'tong si Timmy ang dali gumawa nang tulog.
At tulad nang inaasahan, seamlessly planned na ang lahat. Maliban sa mga hindi inaasahang mga bakasyonista!
"Hi there, insan!" Nakangiting bungad pa ng pinsan kong si Andrei kasama ang sandamukal na mga barkada nito sa bahay ko!
"W-what the fvck are you doing here?" Kumunot ako at agad na ibinaba ang maleta namin ni Timmy.
"Hey, chill." Nakangisi pang sabi niya. "Nagpaalam ako kay tita Matilde." He was referring to my mother. Great! "Makakapasok ba ako if I didn't have keys?" Umigting ang panga ko at 'di ako makapaniwalang magagawa ni mama 'yun. Like seriously? It's my fvcking honeymoon!
"It's my honeymoon, how do you expect me to react?" Inis na asik ko pa at agad naman siyang napataas ng dalawang kamay. Sumimple rin siya nang tingin kay Timmy na tahimik lang ding nakayuko. Kumindat siya sa akin at kuhang-kuha ko ang ibig niyang sabihin.
"Oh," pigil pa siyang ngumisi. "I didn't know. Almost two weeks na kaming nandito. And besides, wala namang sinabi sa akin ang tita. Alam ba niyang dito kayo mag-honeymoon?" Pinagsalitan niya kami nang tingin at iwas pa rin si Timmy.
"N-no..." Alanganin pa akong umiling at napahugot na lang nang malalim na buntong-hininga. Sino ba naman kasi mag-aakala? "By the way, this is my wife, Timmy." Pakilala ko pa kay Timmy at nakangiting inakbayan ko siya. "And this jerk, is my cousin Andrei."
"H-hi..." Tipid na bati naman ni Timmy kay Andrei.
"Hey Timmy! Congratulations!" Inabot niya ang kamay ng aking asawa. Asawa? Jeez, I think I should get use to this huh? "Sorry, but you were not familiar." Nagkamot pa ito ng ulo at obvious pa rin ang pagtatanong sa kanyang mga mata.
"Hey," pinaninkitan ko siya at ayokong magsimula pa siya nang tanong. He knew me. Si Marj lang ang kilala niyang sineryoso ko.
"Don't worry, insan. Hindi naman namin tinulugan ang master's bedroom, kaya d'un na lang kayo ng wife mo. And, don't mind us." Ngumisi siya at alam ko naman ang ibig niyang ipakahulugan doon. "We'll definitely not ruin your honeymoon, okay?"
"Go find an apartment." Pautos pang sabi ko. With them around, baka mabulilyaso lang ang plano.
"That's not possible, insan." Umismid pa siya. "Out of the budget na ang apartment. Sayang naman if ma-shorten pa ang bakasyon namin. We still plan to stay here for a month."
"A month?!" Nalaglag ang panga ko at gan'un din katagal ang plano naman ni Timmy manatili dito. What the fvck?!
"Yes," bahagya pa siyang napaatras nang makita ang reaksyon ko. Sino ba matutuwa sa gan'un? "Sige na, go to your lovenest. We'll never be an intruder. Is that right, guys?!" Nakangiwi pa niyang sabi habang umaatras. Nilingon pa niya ang mga barkada niyang higit sa sampu ang dami! Damn!
BINABASA MO ANG
MARRIED TO YOU
General FictionHindi inaasahan ni Xial Andrew na sa isang club siya dadalhin ng kaibigang si Riche. At kahit pa hindi naman talaga siya pumupunta sa ganoong lugar ay sinakyan na lang niya ang trip nito at doon nga ay nakilala si Timmy. Si Timmy na unang beses pa...
