CHAPTER 19.4.4
TIMMY GIANNE's POV
Kanina pa ako hindi mapakali dahil sa pagtitig kina Xial at Marj. Bakit kasama na naman niya ang babae na 'yun?! Gumaganti ba siya sa ginagawa ko?! Hindi ko naman ginusto 'to ah!
"Would you like to dance?" nakangiting tanong pa ni Anton. Kung puwede ko lang siyang layasan ay ginawa ko na. Hindi ko naman kasi naisip na aakbayan niya ako sa harap ni Xial. Wala akong idea sa kung ano ang tumatakbo sa isip niya.
"S-sure..." napipilitan pang sagot ko. Wala naman din kasi akong magawa sa tuwing matalim akong tinititigan ni daddy. Parang kaunting galaw ko lang ay may gagawin na siyang hindi ko magugustuhan.
Inalalayan ako ni Anton papunta sa dance floor. Marami na ang mga bisitang kanya-kanya ng umpukan. Abala rin sa pakikipag-usap ang aking mga magulang pero nananatiling nakabantay ang kanilang tingin sa amin ni Anton.
Sa totoo lang ay medyo naiilang ako sa suot ko. Long black dress na tube style habang half ng balakang ko ay expose at right leg ko ay expose rin dahil sa mahabang slit na halos umabot na yata sa panty ko! Ewan ko ba kay Mommy kung bakit ito pa ang ipinasuot sa akin. Kaya naman ang mata nitong si Anton ay ang sarap lang din tusukin!
"If I am not mistaken, ex-girlfriend ni Xial 'yung kasama niya, right?" pasimpleng usisa pa niya na halos makapagpaikot sa mga mata ko.
Nang ipatong niya ang kanyang kamay sa naka-expose kong balakang ay halos mangilabot ako. This is so uncomfortable!
"Y-yes..." naiilang ko pang sabi. Hindi ko tuloy malaman kung dapat ko bang alisin iyon o papaano. Wala namang ibang nakahawak sa parte kong iyon kundi si Xial. Okay lang sana kung may tela pa ang hinahawakan niya!
"She's beautiful..." sabi pa niya sabay ismid. "But I think mas maganda ka..." Malagkit pa siyang tumitig sabay baba ng kanyang tingin. "You have beautiful long legs..." Gentlemanly naman siya n'ung makilala ko, ah, bakit bigla yatang nagiging maniac?
Pinilit ko na lang ngumiti sabay pasimpleng lumayo sa kanyang katawan. Kulang na lang kasi ay mawalan na ng hangin sa pagitan namin. Mukhang hindi naman siya nakahalata at nagpatuloy pa rin kami sa mabagal na pagsasayaw.
Pero hindi pa man kami nagtatagal sa gitna kasabayan nang ilang bisitang sumasayaw ay agad kong natanawan si Xial na hawak sa kamay si Marj patungo sa aming kinakatayuan. Oh no. This is not happening!
Diretso ang titig sa akin ni Xial na para bang hindi man lang pansin si Marj. Napatiim-bagang siya sabay baba nang tingin sa kamay ni Anton na nasa aking exposed na balakang.
Mabilis akong nag-iwas nang tingin dahil hindi kayang tagalan ng aking mga mata ang paghawak na iyon ni Xial sa kanyang ex. Pero alam ko namang deserved ko lang din ito. Kung magagawa ko lang sana ipaliwanag ang lahat.
Tulad namin ay magkadikit din silang nagsasayaw. At ang malanding babae ay lumingkis pa talaga sa leeg ng asawa ko! Maghahalikan ba sila?!
"Hey, switch partners?" si Xial na tinapik pa si Anton sa balikat!
Saglit na natigilan si Anton pero bandang huli ay nakangiti rin namang tumango.
"Sure!" sagot pa ni Anton sabay pasimpleng kumindat sa akin.
Nang mag-angat ako nang tingin ay agad kong nasalubong ang mga mata ni Xial na diretso pa rin ang titig sa akin.
Walang sabi-sabing hinapit niya ako kaagad sa balakang at hinaplos ang exposed na bahagi kong iyon. Napatikhim siya sabay kuntodo sumimangot.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO YOU
General FictionHindi inaasahan ni Xial Andrew na sa isang club siya dadalhin ng kaibigang si Riche. At kahit pa hindi naman talaga siya pumupunta sa ganoong lugar ay sinakyan na lang niya ang trip nito at doon nga ay nakilala si Timmy. Si Timmy na unang beses pa...
