Chapter 19.3.4

78K 1.5K 28
                                        

CHAPTER 19.3.4

XIAL ANDREW's POV

Marami-rami na rin ang mga bisita nang makarating kami sa sentro ng bulwagan. Mabilis kong iginala ang ang aking paningin sa pag-asang makita na si Timmy.  Nilapitan din kami kaagad ng mag-asawang Dela Vega na talaga namang pusturang-pustura sa mga suot nito. Kulang na lang ay manilaw sila sa suot nilang gintong alahas. They were indeed very intimidating. Agad na nakabulong si mama sa pangalan ng mag-asawang Dela Vega. She knew that I am not familiar with their names.

            "Happy Birthday, Charito!"  Bati agad ni mama na nakipagbeso-beso rito. Agad ding nakabati si papa at mabilis na nakipagkamayan kay Tito Alberto.

            "We're glad you make it,"  nakangiting sabi pa niTito Alberto. Base sa interaction nila ay mukhang matagal na talaga silang magkakilala. 

Dumiretso ako nang tayo nang mapansin ni papa ang pagtingin ng mag-asawa sa akin na para bang minumukhaan ako. 

            "By the way, I would like you to meet my only son, Xial,"  pakilala pa ni papa sa akin.

            "Xial?"  Mataman pang tumitig sa akin si Tito Alberto.

          "Good evening po, Tito," pagbati ko rin naman sabay abot sa kanyang kamay. Titig na titig pa rin siya sa akin at makahulugan pang tumingin kay Tita Charito na matamis ang pagkakangiti.

          "The last time I saw you, you were still very young. But look at you now, you're a man and matangkad ka pa kay Enrico,"  nakangiting sabi pa nito.

            Tipid lang akong ngumiti dahil hindi ko talaga siya matandaan. Binalingan ko sa si Tita Charito at agad ding binati.

            "Good evening po, Tita. Happy Birthday po,"  sabi ko pa sabay halik sa kanyang pisngi.

            "Thanks, dear," malambing pang sabi niya. "He's so handsome, Matilde," mangha pang sabi niya matapos sulyapan si mama na proud namang ngumiti.

            "He's my son, Charito. Good blood runs on our family,"  proud namang sagot ni Mama sabay pulupot ng kamay sa aking braso.

            "Bakit hindi ko yata siya nakita sa party noon ng anak nina Cristina at Julio?"  taka pang tanong ni Tita Charito. They were referring to Timmy's parents.

            "He was there," nakangiwi pang sabat ni papa.  "It's a long story..."  Ibinitin nito ang sasabihin at makahulugan lang akong tiningnan. 

Nagkatinginan lang din naman ang mag-asawang Dela Vega na hindi ako sigurado kung may alam ba o papaano.

            "Well anyway, the dinner is ready. Make yourself at home, okay?"  pormal na sabi naman ni Tito Alberto.

          "Thank you," nakangiting sagot naman din ni papa sabay tapik sa balikat nito.

            "Iwan muna namin kayo.  Enjoy the party,"  sabi ulit ni Tito Alberto bago tumalikod at mabilis na inalalayan ang asawa nito palapit sa mga bagong dating na bisita.


            Saglit kaming nag-ikot at hinanap ang nakareserbang upuan para sa aming pamilya. Agad ding may nakalapit na waiter sa amin at naghain kaagad ng pagkain.

MARRIED TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon