Chapter 5.2.2

95.5K 1.8K 25
                                        

Published:  June 29, 2013

Old A/N:

Cute 'tong part na 'to!  Assumera lang hahaha :D  maganda tayong lahat sa gabi!!!! :)

********

CHAPTER 5.2.2

TIMMY GIANNE's POV

Abala ako sa pagtatanggal ng buhol sa gown ko nang biglang bumungad si Xial sa pinto ng kwarto.  Agad akong tumigil at ikinubli ko muna ang likod kong medyo expose sa ilang buhol na natanggal ko.  Kinagat ko ang labi ko at alam kong sumobra na ako kanina sa pagtatanong.

          "S-sorry..."  Muli ay hingi ko nang paumanhin habang iwas ang tingin. 

            "You need help?"  Mahinahon pang tanong niya at noon na lang ako napaangat nang tingin.

            "Hindi, okay lang ako..."  Mabilis din namang tanggi ko.

          "Sorry, nabigla ako kanina."  Seryoso pang sabi niya at bakas din naman ang pagsisisi sa kanyang mukha.

            "'Wag ka mag-sorry. Kasalanan ko rin kasi.  Sorry talaga at pakialamera ko lang talaga."  Yumuko ako at nahihiya naman din ako sa pagiging usisera ko masyado.

            "Let me just help you."  Tipid lang siyang ngumiti sabay lapit sa kinakatayuan ko.

          "Okay lang talaga, kaya ko na!"  Muli ay mabilis na tanggi ko.

          "Oh come on, I've seen that before."  Pilyo pang sabi niya at agad na nag-init ang pisngi ko.  Parang wala lang talaga sa kanya ang nangyari sa aming dalawa?

            "Sama mo lang."  Ngumuso ako at parang wala siyang balak papigil.

            "Sige na, tulungan na kita."  Pagpipilit pa niya at walang pagdadalawang-isip na lumagay sa likod ko at tinanggal ang mga buhol sa wedding gown ko.  "Ang dami naman palang arte nitong gown mo."  Sabi pa niya at hindi ko maiwasang makaramdam nang hiya. Wala akong bra!

          "O-oo nga..."  Ikinubli ko ang aking mukha at hindi ako sigurado kung makinis ba ang likod ko o papaano.  At iyon talaga ang naiisip ko! Pakiramdam ko kasi ay pinagmamasdan niya nang husto ang likuran ko at naco-concious talaga ako!

            "You look beautiful..."  Bulong pa ni Xial at pakiramdam ko ay may kung anong kuryente ang gumapang sa likuran ko nang humagod ang daliri niya sa balat ko.

            "B-bola ka n-naman d-d'yan!"  Nanginig ang boses ko dahil sa sobrang kalabog ng puso ko.  Mabilis akong umiwas sabay takbo papasok sa loob ng banyo!

            Pagpasok ko sa banyo ay agad akong tumingin sa salamin at walang kasing pula ang pisngi ko.  Makabanat naman kasi ng 'you look beautiful' ang asawa ko.  Ano 'yun?!  Beautiful nang hubad?!  Ano ba naman kasi itong pinasok ko?!  Paano pa ako lalabas d'on?!  Para naman kasing magnet ang katawan ng gagong iyon.  Kahit dulo lang ng daliri niya may epekto na agad sa akin.  Parang ayaw kong humiwalay kapag nadidikit na sa akin?!  Lahat na lang kasi kapuri-puri sa kanya.  Mukha at katawan, busog ka na!  At ginawa mo talagang pagkain Timmy a!  Humugot ako nang isang malalim na buntong-hininga.  I need to calm down.  Ayokong umasa na may honeymoon dahil nauna na 'yun!  Ang landi ko lang talaga!  Ano ba 'tong mga pumapasok sa isip ko?!  Ililigo ko na nga lang 'to!  Sarap mong lunurin ilusyonada ka! 

~~

            Matapos ang medya oras ay tsaka ako lumabas ng banyo.  Alanganin pa akong napatingin sa aking asawa na noo'y nakahiga habang nanonood ng tv.  Asawa talaga Timmy?  Push mo 'yan!

MARRIED TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon