CHAPTER 16.1.2
XIAL ANDREW's POV
Matapos na malaman ko ang totoong katauhan ni Timmy ay mas lalo akong nagpursige na muling balikan siya. Walang araw akong inaksaya upang kuhanin ulit ang loob niya. Giving up was never my option anyway.
"You're not really wasting time, Xial," nangingiting sabi pa ni Don Julio.
"Good afternoon po, Don Julio, sir," masayang bati ko pa sabay tango rito. Nakakasorpresa na nakita ko siya ngayon dito samantalang nitong nakakaraang punta ko ay hindi man lang nagkrus ang aming landas. And, yeah, did I mention, I was here everyday.
"So, it's true? Palagi mo ngang pinupuntahan ang unica hija ko?"
"Medyo po," nahihiya pa akong tumango. Aside from my dad, Don Julio was one of those tycoons that intimidated me. Masyadong matapang ang aura ng kanyang mukha.
"Hmm... you must like her a lot, huh?" Nakakaloko pa siyang ngumiti habang pinagmamasdan ako.
"Opo," alanganin pang sagot ko. I cleared my throat at dumiretso nang tayo.
"So, nanliligaw ka na ba sa anak ko?" diretsang tanong pa niya na mas lalong nakadagdag ng tension sa akin. It was weird to even felt this way. Hindi naman ako ganito kahit pa matataas na tao sa negosyo ang kaharap ko.
"Po?" Saglit akong nablanko sa pagkakatitig sa kanyang mukha.
"Daddy!" Humahangos pang lumapit si Timmy sa amin sabay makahulugan pang tumingin sa akin.
"Hi, Baby." Baling pa ni Don Julio kay Timmy na sobrang ganda sa paningin ko. Damn, I'm drowned with this love.
"Ano pong ginagawa ninyo dito?" Makahulugan pa siyang tumingin sa akin at ngumisi lang ako.
"I came here to see if the rumor was true." Makahulugan ring ngumiti si Don Julio sa akin bago muling ibalik ang tingin sa kanyang anak. "And, I think it wasn't just a rumor. Mukhang nagkakamabutihan na kayo nitong si Xial, huh." Sinulyapan niya ako at bahagya naman akong napatungo. He was indeed terrifying. Kahit pa nakangiti siya ay may talim ang kanyang titig.
"Ang Dad talaga... dumalaw lang po," halos pabulong pang sabi ni Timmy sabay irap sa akin. Umismid ako at alam naman niya kung ano ang purpose ko sa araw-araw na pagpunta ko sa building nila. She's my business.
"Dumalaw?" Kunot-noo pa siya. "Dalaw ba 'yung almost everyday he took you out for a lunch or even dinner?" Bahagya pa siyang nagtaas ng kilay sa akin. I would never deny that anyway. Kung puwede ko lang iuwi si Timmy ay ginawa ko.
"Dad naman, e." Pasikreto pa niya akong dinilatan.
Umiling ako at wala pa naman talaga akong sinasabi sa kanyang ama.
"Xial..." baling ulit ni Don Julio sa akin. "If you really liked my daughter, I preferred if you'll court her formally at home."
"I would love that too, sir. Hinihintay ko lang naman din po ang approval ni Timmy," pormal ko pang sabi.
"Timmy?"
"Naku, Dad, nakakahiya naman kay Xial. Pine-pressure n'yo po yata..." Ngumiwi pa siya at pasikreto na naman akong inirapan. Umismid ako at alam ko naman ding nagpapakipot lang siya.
"Pressure?" Kunot-noo pa ito. "Why would I pressure him? I liked Xial. I knew his family. Pero siyempre, gusto ko pa ring ligawan ka niya nang maayos sa bahay."
"Getting-to-know stage pa lang naman po kami," mabilis pang sagot niya. I almost rolled my eyes.
"Getting-to-know stage..." Bumuntong-hininga pa ito. "I don't understand kung ano ba ang tumatakbo sa isip ng mga kabataan ngayon." Umiling-iling pa ito. "Oh well, napadaan lang naman ako dito para kumustahin ka. Mayroon din akong appointment with a client," sabi pa nito sabay sulyap sa pambisig na relo. "So, I guess, you'll have dinner out?" Muli niya akong sinulyapan with his playful smile. "...with him?"
BINABASA MO ANG
MARRIED TO YOU
Ficción GeneralHindi inaasahan ni Xial Andrew na sa isang club siya dadalhin ng kaibigang si Riche. At kahit pa hindi naman talaga siya pumupunta sa ganoong lugar ay sinakyan na lang niya ang trip nito at doon nga ay nakilala si Timmy. Si Timmy na unang beses pa...
