CHAPTER 13.2.2
XIAL ANDREW's POV
Halos araw-araw na walang palya akong nagpupunta sa bahay ni Timmy. Hindi ko alam kung wala ba talaga siya roon o sadyang pinagtataguan ako.
Habang lumilipas ang mga araw na hindi ko siya nakakausap ay para rin akong unti-unting pinapatay. At alam kong wala akong ibang dapat na sisihin sa pangyayari na ito kundi ang sarili ko.
"Where have you been again?" kunot-noong bungad na tanong ni Mama. Hindi na rin naman na ako nagtataka dahil palagi na lang akong ginagabi o 'di kaya ay inuumaga nang uwi.
Sa halip na sumagot ay bigay todo na lamang akong humiga sa malambot na sofa.
"Kailan ka ba titigil? Obviously, ayaw na sa'yo n'ung babaeng 'yun!" may panungit pang himig niya. "Hindi naman din siya nababagay sa'yo. Mababang uri siya ng babae!"
Halos magpanting ang tainga ko sa sinabi niyang iyon.
"She's not what you think she is," tiim bagang na sabi ko sabay nag-iwas nang tingin.
"Xial..." Malalim siyang humugot nang buntong-hininga bago marahang lumapit sa akin. "Ang daming babae diyan. At si Marj, diba, you love her naman? Why don't you give a try with her again?"
Mariin akong pumikit at pinigilang magpadala sa emosyon ko.
"I love Timmy. Will that be enough para tumahimik na kayo?" Diretso akong tumitig sa mga mata ni Mama na bakas ang pagkagulat sa tono ng boses ko.
"Xial, binabastos mo ba ang Mama mo?!" galit na bungad pa ni Papa. Agad kong sinalubong ang titig niyang halos mag-apoy sa galit.
Tumikhim ako sabay umiling.
"No," mabilis din namang sagot ko. "Nagpapaliwanag lang ako, Papa." Pinilit kong pababain ang tono ng pananalita ko. Alam kong makadaragdag stress lang sa akin kung gagawa na naman ako nang panibagong problema.
"Ano na naman bang problema mo? Si Timmy na naman?" alsa-boses na tanong pa ni Papa.
"Ano pa nga ba?" Sabat naman ni Mama sabay ismid. I can't believe this.
"Really?" Kunot-noo pa siyang bumaling sa akin. "When are you planning to move on?" sarkastiko pa niyang sabi.
"Not until she comes back to me," mabilis rin namang sagot ko.
"Look at yourself. Hindi ka na pumapasok sa opisina! Napapabayaan mo pa sarili mo!"
"You're wasting your energy lecturing me, Papa. I just can't live without Timmy," seryosong sabi ko pa sabay bangon mula sa pagkakahiga. Parang pinipiga ang puso ko sa tuwing naiisip kong possibleng mawala si Timmy sa akin. This is worst than my first heart break with Marj. "I never felt anything like this with anyone. Not even with Marj," mapait ko pang sabi kasabay nang pangingilid ng aking luha. "It was all lie when we started this drama but when I get to know her, na-realized ko that I can't be with any woman but her."
"Pero hijo, anak." Nag-aalala pang tumabi sa akin si Mama. "Hindi na nga nagpapakita sa'yo diba? Kahit ano pang gawin mo kung ayaw na niyang magpakita sa'yo, wala ka nang magagawa." Hinaplos niya ang aking likod. Yumuko ako upang pigilan ang luhang nagbabadyang lumabas sa aking mga mata. Sinabunutan ko ang aking buhok at isinandig ang aking siko sa aking mga hita.
"Besides, sabi rin naman ni Atty. Lima, hindi legal ang kasal ninyo. Dahil alam daw ng Lolo mo na maghahanap ka lang nang papakasalan para madali ang transfer ng inheritance niya sa'yo. Sinakyan lang ni Atty. Lima ang desisyon mong magpakasal dahil iyon rin naman ang nakasaad sa mga kundisyones ng iyong Lolo at kasabwat niya ang nagkasal sa inyo. Gumagawa ka pa lang ng mga plano mo, alam na ni Attorney lahat."
BINABASA MO ANG
MARRIED TO YOU
Fiksyen UmumHindi inaasahan ni Xial Andrew na sa isang club siya dadalhin ng kaibigang si Riche. At kahit pa hindi naman talaga siya pumupunta sa ganoong lugar ay sinakyan na lang niya ang trip nito at doon nga ay nakilala si Timmy. Si Timmy na unang beses pa...
