Chapter 15.2.4

87.8K 1.8K 42
                                        

Old A/N:

Halu guys! promote lang ako ng kaunti. I don't know if trip nyo man po ang tandem nina Kathryn Bernardo and Enrique Gil, KQ_Watty will be launching a newest story here on Sept. 17, 2013. KQ Friends ko po ang sumulat nun. And I can assure you, maganda po ang story nila.

"Mabubuksan kaya ng magic ng pag-ibig ang isang pusong sinara ng mapait na kahapon..?" - Please check this out soon... - KQ_Watty

thanks guys!

And yes, BTW... MTY is hanggang chapter 20 lang po. Sadly... Di ko po alam kung gaano pa kahahaba yung ilang chapters... basta, salamat po sa walang sawa ninyong support. kahit di ko kayo nakikilala, sana napatibok ko ang puso ninyo sa story na ito kahit pa kababawan lang. Salamat talaga! God bless po!

<3 Ate Dean

********

CHAPTER 15.2.4

XIAL ANDREW's POV

"Oh my... si Timmy pala 'yun!" gulat na sabi pa ni mama habang pare-parehas kaming nakatitig kay Timmy. Just what the hell?!

"I can't believe this..." usal din ni papa na kahit hindi ko nakikita ang kanyang reaksyon ay alam kong nasorpresa rin.

Wala ako sa sariling tumayo at pilit na pinagmasdan ang kabuuan ni Timmy. She wore a little make up but I knew every part of her face and body.

"Timmy..." pabulong ko pang bigkas sa pangalan ng babaeng handa ko na sanang kalimutan. Well at least, that's what I planned a while ago.

"Will you please sit down, Xial," matigas pang sabi ni papa. "'Wag kang gagawa ng eksena dito, okay?" mahigpit na paalala pa niya.

Napatiim bagang ako at napilitang maupo. I can't believe na sa tinagal-tagal naming magkasama ay kakaunti pa lang talaga ang nalalaman ko tungkol sa kanya.

Pansamantalang pinagkaguluhan si Timmy at ipinakilala sa lahat ng mga bisitang nandoroon.

"Please don't make a scene, Xial. Iyon lang ang pakiusap ko sa'yo," mahigpit na bilin pa ni mama nang matanawang malapit na sa table namin si Timmy at mga magulang nito. Ipinakilala kasi siya ng kanyang mga magulang sa bawat table.

Pero sa halip na sumagot kay mama ay pinagmasdan ko lang ang aking asawa. Wala pa ring nabago sa kanya. She was still the prettiest woman in my life.

Nang matapos siyang maipakilala sa mga bisita sa katabing table namin ay sumunod naman silang naglakad patungo sa amin.

Diretso akong tumitig kay Timmy na noon ay parang nakakita ng multo nang magtagpo ang aming mga mata. Mariin niyang kinagat ang kanyang labi at pilit na nagpamukhang hindi ako kakilala.

Nang tuluyan silang makalapit sa aming table ay dali-dali kaming tumayo. Pasimple akong binalaan ni mama sa kanyang titig at ganoon din si papa na tensyonado pang inayos ang kanyang tie.

"Timmy, I don't know if you even have one piece of memory of Xial," panimula pa ni Tito Julio. "Noong mga bata pa kasi kayo palagi rin kayong magkalaro sa opisina ng Lolo niya."

"No, I don't," mabilis din namang sagot ni Timmy na seryoso ang mukha.

"Maybe you remember some other things about me?" nakangiti ko pang sabi at kasabay noon ang tila pagtakas ng kulay sa kanyang pisngi.

Pasimple akong tinapik ni papa sa likod at mahinang umubo. Tumabi rin sa akin si mama na pasimple na naman akong tinitigan nang masama.

"Anyway, this is Xial and his Mom and Dad, Enrico and Matilde," pakilala pa ni Tito Julio sa amin na medyo apologetic ang hitsura ng mukha.

MARRIED TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon