Published: July 24, 2013
CHAPTER 8.2.2
XIAL ANDREW's POV
This is weird. Kanina ko pa gustung-gusto matulog pero hanggang ngayon dilat na dilat pa rin ako! Shit! Ngayon ka pa ba mamahay, Xial! Damn it!
Bumangon ako sa bed and I decided na lumabas ng kwarto at kumuha ng gatas sa ref. Maybe that can help...
I passed through the master's bedroom at wala ako sa sariling napahinto sa tapat noon. Tulog na kaya si Timmy? Kunsabagay, marami rin kaming pinasyalan today. For sure napagod talaga siya. Oh well...
Dumiretso ako pababa sa kusina. I felt really tired and yet this is the first time na nahirapan akong matulog. There is only one reason why. Si Timmy. Yeah, her. Now, I am really confused...
I get myself a glass of cold milk. I hope this would take my mind off her. I kinda miss having her. It's not the sexual thing though. That's only a plus. I missed sleeping by her side. I missed her smell. That addicting smell that made me so damn crazy. This is really weird... I consumed my milk without even noticing na ubos na pala 'yun! Gan'un ako ka spaced-out! Damn it! Alak yata ang kailangan ko at hindi gatas! But it is really late, I need to force myself to go to sleep. Maaga pa kaming aalis ni Timmy bukas. I'll take her to the Wax Museum. For sure, she'll enjoy it. Excited na rin ako hindi pa man.
I went upstairs and here I go again... I don't know why pero napahinto na naman ako sa tapat ng kwarto ni Timmy. Should I take a peek if she's sleeping? Damn it, Xial! What where you thinking?! It's past midnight! What do you think, huh?! This is not happening! I should just fcking go to bed!
********
TIMMY GIANNE's POV
Maaga pa lang ay gumising na ako para sana ipagluto si Xial ng umagahan. Sa maikling panahon na nagkasama kami ay nakasanayan ko na rin ang pagluluto sa umaga. Hindi talaga ako pumalya ni minsan. Wife material lang talaga ang peg ko.
"Honey..." Si Xial!
"Hi..." Matamis akong ngumiti sa pupungas-pungas kong asawa. Gosh, sanay na nga yata akong maybahay ng isang Xial Andrew. "Good morning..."
"Good morning..." Lumapit siya sa akin at tila wala pa siya sa sariling humalik sa aking pisngi. Parehas kaming nagkagulatan sa inasal niyang iyon. Mukhang nakasanayan na niya ang pagpapanggap. "S-sorry..." Nakangiwi pa siyang nagkamot ng ulo. "Wala na nga palang mga bwisit sa bahay."
"Okay lang..." Kaswal na sabi ko pa at nag-iwas nang tingin. "Maupo ka na, luto na 'to."
Sumunod naman siya at mabilis na naupo. Panay pa rin ang hikab niya at bakas ang antok sa kanyang mukha.
"Eggs and bacon will be alright?" Itinuro ko pa ang luto na ngang pagkain sa table.
"Yeah, of course." Bahagya pa siyang tumango at umayos nang upo. Medyo magulo ang kanyang buhok pero kahit pa gan'un ay sobrang sarap pa rin niyang titigan. Gwapo talaga siya. Iyon ang sigurado.
"Eto na po..." Inilapag ko ang mga platong may sinangag. "Namumugto yata ang mga mata mo? Nakatulog ka ba nang maayos?" Hindi ko na rin napigilang magtanong matapos na maupo sa kanyang tapat.
"Oh yes, of course! Baka sobrang sinarapan lang ako."
"Ah... okay..." Tumango ako. Kabaligtaran pala niya ako. Nahirapan akong matulog dahil nanibago akong walang katabi.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO YOU
General FictionHindi inaasahan ni Xial Andrew na sa isang club siya dadalhin ng kaibigang si Riche. At kahit pa hindi naman talaga siya pumupunta sa ganoong lugar ay sinakyan na lang niya ang trip nito at doon nga ay nakilala si Timmy. Si Timmy na unang beses pa...
